Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Marso 17, 2019

0
270
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Marso 17, 2019,  Linggo  –  ) Kusang nahahawi ang dilim matapos ang malakas na bagyo. Ganon din ang iyong tadhana, mahahawi na ang lahat ng problema upang palitan ng isang aliwalas na langit na may hatid ng malaking suwerte at magagandang kapalarang may kaugnayan sa salapi at pag-ibig.  Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  5, 12, 25, 27, 35, 45.   

ARIES  (Marso 21 – April 19) Karaniwan na sa mga prutas ay binabalatan at hindi kinakain ang balat. Ganon din ang dapat, mag-isip mabuti sa mga advice na iyong natatanggap. Kuhanin mo lang ang mabubuti at tamang payo, upang ikaw ay tuloy-tuloy na umunlad at umasenso. Mapalad na kulay ang old rose.  Masuwerteng numero 3,  7, 19, 29, 37, 43.  

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Samang-samang nakabigkis ang walis tingting kaya siya nakakawalis. Pagsamasamahin mo rin ang iyong ideya at mga pangarap sa iisang lalagyan at pagkilos.  Kapag ganyan ka, hindi magulo ang isip,  ang tagumpay at pag-unlad ay tuloy-tuloy mo ng makakamit. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 1, 11,  28, 32, 41, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Tumtilaok ang tandang pagsungaw ng liwanag sa madaling araw, bilang pasasalamat at pagbalita ng isa na namang bago at magandang umaga. Ganon din ang gawin mo, tumilaok ka sa umaga, matuto kang magpasalamat at magpuri sa Dakilang Lumikha, sa bagong araw at bagong buhay na bigay sa ‘yo.  Kapag lagi kang ganyan, matutuwa ang langit, mas lalong darami ang iyong suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero   2, 16, 25,  37,  37, 41.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Noong sinaunang panahon sa mga probinsya kapag sumasapit ang kapiyestahan nagsasaya ang maraming tao at naghahanda ng kung ano-anong mga putahe. Nagsasayawan at nagkakainan ang lahat. Sa panahong ito habang pumapasok ang tag-araw, ganon din ang mararanasan mo, sobrang magiging masaya ang mararanasan mo dahil darating na sa iyong buhay ang sari-sari at iba’t-ibang suwerte na may kaugnayan sa salapi at damdamin.  Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero  3,  19, 23, 32, 35, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Nakikipagmabutihan ang bundok sa ulap, kung kaya’t laging umuulan at umaabon sa paligid ng bundok na nagbibigay ng magandang ani sa mga halaman. Makipagmabutihan ka rin sa iyong amo at sa mga taong nakatataas sa iyo. Makikita mo, pagkakalooban ka nila ng maraming biyaya at mga regalong hindi mo inaasahan. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  8, 15, 22, 23, 34, 39.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Regular na ehersisyo ang ginagawa ng mga athlete kaya gumaganda ang kanilang katawan. Ganon din ang gawin mo, kailangang magkaroon ka ng regular na eherisyo upang gumanda ang iyong kalusugan at magpatuloy ang masaya mong pamumuhay. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 3, 12, 21, 30, 41, 42. 

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Magaganda ang mga bulaklak at makukulay ang makikita sa kabukiran. Kailangan mong makita at madama ang ganda ng nature at ng kalikasan. Ito ang pinapagawa sa iyo ng langit ngayon, mag-relaks-relaks at mamasyal, upang lumusog ang  pakiramdam at lalo mo pang makamit ang mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  4, 10,  20, 29,  33, 41. 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) )  Marunong ngumiti ang kapaalaran sa mga taong nakikita niyang nagsisikap at hirap na hirap na sa buhay. Ngumiti ka rin ng madalas kahit na walang namang pangyayaring nakatatawa. Makikita mo, ngingitian ka rin ng  langit, kasabay nito maraming suwerte at magagandang kapalaran ang sa iyo ay darating.  Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 4, 19, 26, 29, 35, 40.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Bait ang susi ng iyong tagumpay, kaya sa anumag sitwasyon at pagkakataon hindi ka dapat magalit. Habang patuloy kang nagpapakabuti at nagpapakabait, tuloy ang dating ng suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero  8, 11, 21, 27, 34, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Hindi mawawalang kabuluhan ang lahat ng ginagawa mong pagsisikap. Ginagarantiyahan ng langit na matutupad ang lahat ng iyong mga pangarap at kahit hindi mo pangarapin, ginagarantiyahan ding ikaw ay tiyak na yayaman. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  2, 7, 28, 36, 40, 44.    

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Sa panahon ngayong pumapasok na ang tag-araw, iwasan mong mag-isip ng mag-isip, dahil sa kaiisip mo, pati kalungkutan ay sumasagi sa iyong isipan. Ano kaya’t sa halip na isip ang paganahin ay damdamin na lang ang iyong pairalin. Tama, muli kang umibig at magmahal, upang muling dumatal sa iyong buhay ang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 2, 10, 25, 28, 34, 38.  

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20)  Tama ang ginawa mong pagpipilit sa isang bagay na gustong-gustong mong mangyari. Makikita mo, magtatagumpay ka at  ikaw na naman ang masusunod at mananaig. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero  7, 9,  25, 31, 40, 44.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here