Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Marso 12, 2019

0
330
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Marso 12, 2019,  Martes  –  Ito ang araw na magniningning ang mga bituin sa iyong kapalaran. Darating na ang malaking suwerte at magandang kapalarang kaloob sa iyo ng langit na noon mo pa hinihintay. Tunay ngang dapat kang magpasalamat dahil sobra-sobra at sadyang napakaraming biyaya ang ipagkakaloob sa iyong harapan. Kaya naman kapag sumobra sa iyong pangangailangan, kailangang maipamahagi mo ito sa mga kakilala mong naghihirap ay hikahos sa buhay. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 1, 9, 21, 23, 39, 42.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ang ganda ay natural na sa iyo kaya naman bukod sa ikaw mismo ang maganda, lagi kang namimili ng mga bagay na magaganda. Pero ang hindi mo alam, dahil mahilig kang pumili ng maganda, habang buhay ng mananatiling maganda ng iyong kapalaran. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  2, 12, 27, 33, 42, 43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Kapag panahon ng tag-lamig, nagpapahinga ang mga hayop sa kagubatan. At kapag panahon ng tag-init at tag-sibol masaya silang naglalabasan. Lumabas ka ng bahay, dahil panahon ngayon ng suwerte at tag-sibol sa iyong kapalaran.  Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero  4, 16, 23, 27, 34, 40.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Isang batas ng kalikasan na hindi lang lakas ang nagbibigay ng tagumpay, kundi pati na rin ang isip. Pero ang sa ‘yo ay kakaiba, magpa-seksi at magpaganda ka lang, kahit hindi mo gamitin ang iyong lakas at isip, darating sa iyo ang magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 4, 18, 25, 27, 34, 44.  

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Naiinip ka at sobra ang iyong pagkainip. Nakita ng langit ang iyong kalagayan, kaya mabilis na ibibigay sa iyo ang katuparan ng iyong pinakagusto sa buhay. Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero 8, 11, 19, 25, 35, 41.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Maraming natututunan ang tao sa kabiguan. Kaya hindi ka dapat matakot o malungkot na mabigo. Dahil sa mga natutunan mo darating ang saktong panahong, puro tagumpay at ligaya naman ang dadapo sa iyong pagkatao.  Mapalad na kulay ang golden yellow. Masuwerteng numero 5, 10, 28, 31, 43, 44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Hindi ka bibiguin ng kapalaran. Kung ano ang pinakamalaking mong ambisyon, ipagkakaloob sa ‘yo. At kapag nakamit mo na ang malaking ambisyon na noon mo pa gustong-gustong makamit, tatawagin ang araw na ‘yaon bilang  “Araw ng Katuparan!” Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 3,  9, 21, 23, 33, 41.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Sa panahong ito ng iyong buhay hindi ka dapat mag-madali, sa halip, i-priority mo pa ring lagi ang iyong kalusugan. Ang totoo magmadali ka man o hindi, ang suwerte at magandang kapalaran ay talaga namang darating sapagkat ito ay matagal ng inilaan na sa iyo ng langit.  Mapalad na kulay ang old rose.  Masuwerteng numero 9, 7, 24, 29, 36, 41.  

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Aangat na naman sa isa pang level ang iyong tagumpay. Ibig sabihin namumunga na ang lahat ng iyong mga pagsisikap. Kaunting tipid at kaunting sipag pa, malapit na malapit ng lumago sa todo niyang lakas ang iyong kabuhayan. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero  1, 17,  25, 34, 40, 44.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Magara ang kapalaran mo ngayon maraming suwerte ang kusang mahuhulog sa langit. Kaya nga sa panaong ito, isang kembot lang, ang suwerte at magandang kapalaran ay  lalapit at magdaratingan na sa iyong harapan.  Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 1, 15, 19, 33, 42, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Kailangan mo ng kalayaan, sapagkat kapag nawalan ka ng laya, lilisan ang ligaya. Kaya nga ang payo, palayain mo ang iyong sarili sa kalungkutan –  magsaya ka! Kapag nagawa mo yan, magdaratingan na ang panibagong suwerte at magagandang kapalaran.   Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  4, 13,  18, 28,  31, 45.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Ang saya ay nakakaaakit ng suwerte at magandang kapalaran. Inuutusan ka ngayon ng langit na magsaya. Gawin mo na agad, upang suwertehin ka! Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero   2, 16, 25,  34,  37, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Ngayon ang araw na pagtatangkaan mong dayain ang kapalaran, pero nakapagtatakang susuwertehin ka pa rin. At ang suwerte mo ay tuloy-tuloy hanggang sa maisip mong kahit papaano patuloy ka pa rin palang pinagpapala ng langit. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  8, 14, 18, 24, 34, 41.

SHARE
Previous articleHerbal; HYSSOP
Next articleChinese Horoscope;Marso 12
Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychology sa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here