Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Hunyo 6, 2019

0
624
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Hunyo 6, 2019, Huwebes  –  Bibihira na sa ngayon ang tulad mong likas ng maganda at may maganda pang kalooban. Ang ikinaganda pa nito, may maganda ka ring pinagkakakitaan. Dahil sa mga kagandahang tinuran, tuloy-tuloy at lalo pang gaganda ang iyong kapalaran. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero  2, 18, 20, 27, 34, 41.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Sa pagbubukas pa lamang ng bukang liwayway habang nalalaglag ang hamog, ngumingiti ang mga bulaklak. Sa araw na ito ganon din ang magaganap sa iyong karanasan,  sa unang oras pa lamang ng umaga, ngingiti na ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero   2, 16, 25,  33,  37, 43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Sa painot-inot na patak ng ulan, natatapyas ang makapal na bato sa kabudukan. Ituloy mo lang ang kasalukuyang pagsisikap. Sa painot-inot na pag-iipon, basta’t wag kang titigil, makakamit mo rin ang maunlad at masaganang pamumuhay. Mapalad na kulay ang old rose.  Masuwerteng numero 1,  7, 17, 29, 37, 41.  

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Dahil sa paulit-ulit na dampi ng alon at hampas ng tubig, kimikinis at lumilinis ang magaspang at mapangit na bato sa dalampasigan. Ganon din ang gawin mo, maglinis ka ng iyong silid sa araw na ito. Kapag nagawa mo yan, ang suwerte at magandang kapalaran na hatid ng tag-ulan ay mapapasa iyo. Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero 8, 14, 20, 32, 35, 41.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Kung minsan madilim talaga ang langit dahil sa makapal na ulap. Pero matapos na hipan ng hangin ang makapal na ulap, muling liliwanag at aaliwalas ang langit. Sa araw na ito, ang mismong nasa itaas ang isa-isang mag-aalis sa iyong mga suliranin, upang palitan ng suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  6, 18,  21, 29,  31, 44. 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Matagal na ang batis sa kanyang kinalalagyan, nakapagtatakang sa bawat saglit bago ang agos ng tubig. Ganon din ang iyong buhay, akala mo lang ay walang nagbabago, pero tulad ng batis, laging bago ang bawat araw at bawat sandali. Hindi mo lang napapansin kung ano-ano kasing negatibong bagay ang isinisilid mo sa iyong isipan kaya ayaw umagos ang masaganang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 6, 10, 22, 28, 31, 45.  

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Sa paisa-isang pamumulot ng mga langgam sa mumo na nahuhulog sa lupa, nakapagtatabi sila ng bulto-bultong pagkaing magagamit sa tag-ulan/ Ganon din ang gawin mo, hindi mo dapat ipagdamot ang iyong kakayahan, alalayan mo ang mga mahihina at tulungan ang sa iyo ay humihingi ng tulong. Kapag nagawa mo yan, mas mataas pa mga naipong pagkain ng mga langgam ang suwerteng darating sa iyo. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 7, 19, 22, 29, 31, 41.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Marami ang sumusuko at nawawalan ng pag-asa, pero ang sa iyo ay kakaiba. Kailan man’y hindi ka susuko at hindi ka mawawalan ng pag-asa. Magpatuloy ka lang, makakaahon ka rin sa mga problema, ilalawit na ng langit ang kanyang mga kamay upang saklolohan at tulungan ka. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  4, 13, 28, 31, 40, 43.    

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Malakas ka ngayon, walang kasing lakas kaya susuko ang iyong mga kaaway at ikaw ang mananaig.  At kahit malakas ka ring kumain, wag namang limitahin ang pagkain, dahil kasabay ng iyong pagtaba, tataba rin ang laman ng iyong bulsa. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  1, 15, 21, 23, 34, 41.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Ito ang araw na mayayakap mo ang suwerte mo sa buhay. Madarama mo na siya ang tunay mong ligaya. Siya naman ay ganon din. Ang kanyang ligaya ay walang iba kundi ikaw lang. Kaya umasa kang tuloy-tuloy na darating sa iyong buhay ang marami pang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  2, 18, 29, 32, 34, 44.    

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Unti-unti ng pumapasok ang panahon ng tag-ulan, at ang elemento magbibigay sa iyo ngmagandang kapalaran ay ang elementong tubig. Dahil ikaw ay lupa na didiligan ng tubig, sa panahong pumasok na ng husto ang tag-ulan, tuloy-tuloy ka ng sasagana at uunlad. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  3, 12, 23, 27, 30, 45.   

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Hindi ka sasaya kung ikaw ay nag-iisa. Maghanap ka ng makakasama sa paggala at paglalakwatsa. Sa piling ng mga kaibigan, magkakaroon ka ng dagdag na sigla at saya. At kapag lagi kang masigla at masaya, ang suwerte at magandang kapalaran ay bubuhos sa iyo ng bonggang-bongga. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 2, 11,  26, 35, 43, 45.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Hindi umaalis ang puno sa kanyang kinalalagyan, kaya naman paglipas ng ilang taon ang dating maliit na puno ay nagiging higanteng puno na. Wag ka ring magpabago-bago ng kilos at galaw. At wag ka ring aalis at wag ka ring manawa sa kasalukuyan mong ginagawa. Dyan ka dinala ng kapalaran, kaya pagbutihin mo pa, dahil sa badang huli, dyan ka rin liligaya at yayaman. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 9, 13, 20, 32, 43, 45. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here