Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Hunyo 5, 2020

Horoscope wheel chart
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Hunyo 5, 2020,  Biyernes –  Sakyan mo lang ang mabilis na agos ng iyong kapalaran at makaaasa ka  na dadahin ka kung saan, ang ligaya at malaking tagumpay sa anumang inaambisyo mo ay matutupad. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  8, 14, 23, 32, 41, 45.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Sa iyo ang araw na ito. Walang sinumang puwedeng kumontra sa mga kagustuhan mo. Ang sinumang kumontra sa kagustuhan mo ay mamalasain. Kaya wala silang pamimiliin kundi ang sumanggayon sa iyong kagustuhan.  Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 6, 9, 18, 27, 36, 43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Ituloy mo lang ang lahat ng iyong mga balak. At wag kang matakot na mabigo. Inaayos na ng langit ang mangyayari.  Oo kahit mabigo ka, ang kabiguan ay magiging tungtungang-hagdaan upang mas madami mo pang maabot ang hitik at maraming bunga ng suwerte sadyang sa iyo ay matagal ng nakalaan. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 4, 19, 21, 31, 37, 43. 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Malakas ang kutob mo at malakas din ang intuition mo sa araw na ito. Kung ano ang kutob mo, iyon ang sundin mo. Ihahatid ka nito sa isang malaking suwerte at magandang kapalaran sa buwang ito ng Disyembre. Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  1, 14, 23, 32, 37, 40.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Wag kang mag-alinlangan lalo sa mga araw na ito. Wag mo ring hayaang talunin ka ng mga negatibong pananaw. Dahil ang mga negatibong kaisipan ay magiging hadlang sa iyong pag-unlad. Sa halip, ituloy mo lang ang iyong mga pagkilos, dahil sa sandaling nawala ang iyong pag-aalinlangan ang suwerte at malaking tagumpay ay tuluyan ng mapapasa iyo. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 2, 15, 27, 32, 36, 42.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Mapananatili mo ang iyong magandang katawan kahit pa ikaw ay pataba ng pataba. Ang isa pang ibig sabihin ng magandang katawan para sa iyo ay suwerte at paparating na magandang kapalaran. Kaya alam mo na ngayon kung ano ang gagawin mo para suwertehin ka at magkaroon ng dagdag pang magagandang kapalaran? Ang lalo pang magpagandang katawan! Mapalad na kulay ang black.  Masuwerteng numero 3, 15,  27, 30, 37, 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Sino ang mas tama, ikaw o ang iyong kasuyo? Mahirap tanggapin pero mas tama ang iyong kasuyo. Siya ang iyong pakinggan at sundin, upang lalo pang suwertehin at magkaroon ng mas maraming magagandang kapalaran ang iyong samahan. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 5, 14, 25,  34,  39, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Muling ibinabalik ng langit ang masuwerteng araw mo at ito ay ang ngayon. Gawin mo ng gawin ang gusto mong gawin, dahil tiyak na tiyak na ikaw ay bubuenasin. Mapalad a ang kulay red at pink. Masuwerteng numero 9, 12, 20, 29, 38, 41. 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Hawakan mo ang galit mo at hawakan mo ng mahigpit. May babala na mabilis kang magagalit. Kapag mabilis kang magalit, lalayo ang suwerte, pero kung mananatili kang mahinahon at kampante parang linta magdidikitan sa iyo katawan ang buenas at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  4, 7,  19, 31, 39, 40.  

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Kung sa iba ay mabagal pumasok ang suwerte sa kanilang buhay, ang sa iyo ay kakaiba. Nagmamadali ang ilang malalaking suwerte na pumasok sa iyong kapalaran. Kaya ito ang araw na dapat mong itakwil ang mga pangit at negatbo mong ugali na humalang at humahadlang sa pagpasok ng suwerte.  Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 5, 18, 22, 35, 40, 43.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Wag mong pansinin ang iyong kinaiinisan dahil nakakaabala lang sila sa iyong tagumpay. Ituon mo ang iyong isipan sa iyong ginagawa lalo na sa mga gawaing pagkakaperahan. Kapag ganyan ka, tuloy-tuloy na mahuhulog ang suwerte at magandang kapalaran sa buo mong pagkatao.  Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 3, 15, 26,  33, 35, 44.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Pakinggan mo ang payo ng iyong mga kaibigan at kapamilya. Hindi makabubuti para sa iyo na maging bingi ka sa sasabihin nila. Dapat bukas ang isipan mo at malawak ang iyong pananaw. Sa ganyang paraan, nakikinig ka sa mga kaibigan at kapamilya mo, bubuti na ng bubuti at gaganda na ng gaganda ang kapalaran mo. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 1, 13, 22, 29, 39, 44.  

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Madali ka ngayong matangay ng iyong damdamin at ng mga taong nakapaligid sa iyo. Mas mabuti kung ang kasama mo ay ang talagang mahal mo. Kaya umiwas ka muna sa mga hindi mo naman talaga gusto. Sa mga bagay na gustong-gusto mo ikaw  pumunta at sumama, suwertehin ka at magkakaroon ng magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  2, 7, 25, 39, 37, 41.  

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here