Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Hunyo 5, 2019

0
593
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Hunyo 5, 2019, Miyerkoles –  Walang tigil ang pakikipaglaban mo sa mga hamon ng iyong kapalaran kaya naman wala ring hinto ang iyong panalo dahil sa bawat laban mo ang panalo ay para sa iyo at hindi lang panalo, bagkus hanggang sa ikaw ay yumaman ng yumaman dahil ang pagyaman ang talagang nakatadhana sa ‘yo.  Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Sobrang tamis ang bunga ng inani ng hinog sa puno. Wag kang magmadali ng sa gayon ay hindi pumangit ang bunga ng iyong mga pagsisikap. Basta’t kumilos ka lang ng suwabeng-suwabe araw-araw, hindi nagmamadali pero patuloy na nagsisikap, darating ang panahong gagantimpalaan ka rin ng langit – matutupad ang lahat ng gusto at pangarap mo sa buhay. Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Sino ang pinaghaharian ng pagaalinlangan pero nakatatanggap ng mga biyaya mula sa langit? Ikaw! Kaya naman dapat kang laging magpasalamat sa pamamagitan ng pagtulong sa iyong kapwa at sa mga nangangailangan, upang mas marami pang biyaya at mga pagpapala ang dumating sa iyong buhay. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Huwag kang magbago ng layunin at ng inaasam-asam mo sa buhay. Nakikita ng nasa itaas ang mga ginagawa mong pagsisikap, kaya naman nagpasya ang langit na isa-isa ng ipagkaloob sa iyo ngayon ang iyong mga minimithi at inaambisyon sa buhay. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Gampanan mong mabuti ang iyong papel ngayon sa mundo na mgapasaya ng isang taong nagiisa sa buhay dahil siya ay iniwan ng kanyang mahal. Kapag nagawa mo yan, ang langit mismo ang magbibigay sa iyo ng napakalaking gantimpala. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Malalaglag sa iyong harapan ang mga bituin sa langit, na ang ibig sabihin ay sila na mga mayayabang at dating nanlait sa iyo at mga nagmamataas ay unti-unti ng magsisibagsak at mga mapapahiya, habang ikaw naman ay patuloy na aasenso at aangat ng aangat ang iyong kabuhayan. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.   

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Kung sa ibang lugar ay tapos na ang anihan, sa kapalaran mo ay iba ang magaganap. Ngayon pa lang magsisimula ang pagaani at pamumukadkad. Aanihin mo ngayon ang bunga ng mga ipinakita kabutihan, galing at husay. Maraming mga suwerte at pagpapala ang ipagkakaloob sa iyo ng langit na habang buhay ng mapapasa iyo. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Iyo ang araw na ito. Kung may kahilingan ka sa langit, ngayon mo na sabihin kung may gusto kang mangyari, ngayon din ang tamang pagkakataon upang ito ay magkaroon ng katuparan. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Ang malabay na punong kahoy ay madaling binabali ng malakas na hangin sa panahon ng tag-ulan, habang ang kawayang sumusunod lang sa sayaw ng hangin ang nanataling matatag. Kaya ang payo sa iyo ngayon ay wag kang masydaong maangal. Iwasan mong maging matigas ang iyong paninindigan. Sa ganyang paraan, hindi ka nagmamatigas, hindi ka babaliin ng tadhana at sa halip, sa susunod na mga araw lalo pang bubuti at gaganda ang iyong kapalaran.  Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Habambuhay na tatanglawan ka ng Haring Araw. Ibig sabihin, kahit kailan ay hindi magdidilim ang iyong kapalaran. At kahit magdilim pa, muli ito magniningning at lalo pang magliliwanag. Isa kang sobrang masuwerteng nilalang.  Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Habang ang iba ay nagsasaya, ikaw naman ay makabubuo ng pangarap. At ang maganda nito, ang iyong magiging pangarap ay papayagan ng langit na mangyari at magkaroon ng katuparan.  Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Idinadaan ka sa mga pagsubok para maging matatag ka dahil ang malalaki at mabibigat na magagandang kapalaran ay para lamang sa matatag at matitibay na kagaya mo. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.    

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Babagal ang iyong buhay ngayon pero walang kasingsaya at sarap para sa iyo ang mga kaganapan. Malilibang ka at iyong makalilimutan ang tungkol sa pagpapalago ng kabuhayan na siyang mas dapat at mas una mong asikasuhin. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here