Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Hunyo 4, 2019

0
623
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Hunyo 4, 2019, Martes  –  Ikaw ay kakawayan ng kapalaran upang yumaman. Nasa sa iyo na iyon kung ikaw ay lalapit. Una, ikaw ay tatawaging “Dakilang Negosyante” kaya anuman ang iniisip na negosyo simulan mo na ngayon. At pangalawa, ikaw ay tatawagin ding “Dakilang Manlalakbay.” Kapwa mangyayari sa iyo ang dalawang bagay na tinuran. Mapalad na kulay ang blue.  Masuwerteng numero 5, 17, 26, 32, 41, 44.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Parang ispaghetti ang magiging buhay mo ngayon. Pababa ng pababa ang kalungkutan, habang pataas naman ng pataas ang saya at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 5, 11, 23, 31, 40, 42.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Kusang darami ang iyong pera, pero hindi mo dapat tularan ang malinis na kanal. Tuloy-tuloy ang tapon ng tubig. Sikapin mong barahan ang iyong bulsa, upang wag agad maubos ang pera. Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 4, 17, 22, 37, 40, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Tatanglawan ka ng maningning na bituiin mula sa langit. Iyong mga taong naghahangad ng pagbagsak mo ang siyang mapapahamak habang ikaw naman ay patuloy na pagpapalain.  Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero 9, 11, 20, 25, 33, 34.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Hindi ka isinilang upang malungkot. Ibahagi mo sa iyong mga kaibigan ang iyong saya, habang binabahagi mo ang saya, gagantimpalaan ka ng langit ng mas marami pang magagandang kapalaran ang darating. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 8, 15, 21, 35, 37, 42.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Hindi ka dapat magsungit. Dahil habang nagsusungit ka, hihina ang iyong immune system. Maging masayang lagi upang maiwasan ang mga karamdamang usong-uso sa panahon ngayon. At alalahanin mong kapag wala kang karamdaman ang suwerte at magandang kapalaran ay tuloy-tuloy ng mapapasa iyo.  Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero 3, 6, 24, 36, 40, 44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Kapag makapal at maitim ang ulap sa langit uulan. Maging mapag-obserba ka sa sarili mong kapalaran upang hindi na uli maulit ang mga kamalasan. Ngayon pa lang paghandaan mo na ang future at hindi dapat na lagi malakas ang loob. Mapalad na kulay ang lavander. Masuwerteng numero 4, 15, 26, 38, 40, 43.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Hindi sa pagiging matapang nakukuha ang bawat ambisyon sa buhay, kundi sa pagsisipag. Kailangan mong ipagpatuloy ang nasimulang pagsisikpa ng may pagpapakumbaba, upang lalo pang lumago ng lumago ang kabuhayan mo. Mapalad na kulay ang beige. Masuwerteng numero 2, 4, 26, 37, 39, 41.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Mawawala ang lungkot kapag kumakain. Kapag namumroblema kumain ka lang ng kumain at makikita mo kusang masosolusyunan ang problema at ang dagdag na suwerte pa ang sa iyo ay darating.  Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 6, 19, 29, 31, 41, 43.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Hindi masama na maging mabait. Pero ang sobrang pagiging mabait ay hindi na mabait, kundi uto-uto. Hindi ka dapat  magpauto sa mga taong mangungutang at pagkatapos ay hindi na mababayad.  Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 6, 16, 22, 34, 41, 44.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Kapag may ipinagawa sa iyo ang iyong amo, gawin mo ng may ngiti at saya. Habang nakangiti ka at masaya  habang nagta-trabaho mas maraming suwerte at mga biyaya ang darating sa iyong buhay.  Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6, 12, 21, 33, 39, 44.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Kusang humihinto ang ulan kapag may bahag-hari. Tulad ng bahag-hari, hihinto na rin ang iyon mga suliranin at kamalasan upang palitan ng maaliwas na suwerte at magangandang kapalaran. Mapalad na kulay ang peach. Masuwerteng numero 9, 18, 26, 37, 42, 45.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Ang mabuting puso ay wala ring kabuluhan kung hindi mo ito ibabahagi sa iba. Ituloy mo lang ng ituloy ang iyong mga pagtulong at pagmamahal, upang magtuloy-tuloy din ang buhos ng suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero 2, 16, 25, 37, 43, 45.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here