Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Hunyo 30, 2020

Horoscope wheel chart
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Hunyo 30, 2020,  Martes – Ipakikita sa iyo ng langit ang kanyang kadakilaan at bubuksan sa iyo ang pinto ng grasya. Isa ka sa unang-unang makatatanggap ng malaki at maraming magagandang kapalaran sa mga umpisa pa lang ng mga araw na ito ng iyong kaarawan. Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  3, 12, 24, 30, 33, 45.

ARIES  (Marso 21 – April 19)  Iyong-iyo na naman ang araw na ito. Ang pintuan ng langit ng awa ay ibubukas sa iyo. Anoman ang hilingin mo ay magkakatotoo. Kaya sa mga araw na ito ng tag-ulan,  makikita mo, humiling ka para sa ikabubuti mo at ito ay ipagkakaloob sa iyo.  Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 6, 17, 25, 29, 38, 43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Susukatin ng langit kung gaano ka katatag at kung gaano ka katapang ngayon. At kapag nakitang sapat ang tibay ng iyong loob, mabilis na bubuhos sa iyo ang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 2, 16, 25, 29, 34, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Gamitin mo na ngayon ang iyon lucky charm ito ay isang bagay na makislap at yari sa metal. Ang lucky charm mo na ito ang magsisilbing panghatak mo sa mga magagandang kapalaran at malalaking buenas na magsisimula ng magdatingan sa buhay mo ngayong panahon ng tag-ulan. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  7, 19, 28, 36, 40, 44.   

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Ito ang takdang araw na ipagkakaloob sa iyo upang balikan mo ang mga alaala ng lumipas na nagbigay ng saya at ligaya sa buhay mo. Kailangan mong balikan ito, dahil kung paano ka magiging masaya sa araw na ito ay magiging masaya rin ang buong kapalaran mo. Kaya nga kapag hindi sinasadyang pumasok sa iyong isipan ang malulungkot na nakaraan, itakwil mo agad ang mga ito.  Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero 5, 10,  28, 29, 31, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Kahit itago mo ang iyong ganda, lilitaw ito at ang likas mong ganda sa panloob at sa panlabas ang hihigop ng magagandang kapalaran at dagdag pang suwerte sa lahat ng sandali ng iyong buhay. Ang problema lamang maraming lihim at lantarang naiingit sa iyo, pero wag mo na lang silang intindihin, dahil ano ba ang magagawa mo kung likas kang suwerte at maganda na hindi naman ipinagkaloob sa mga taong nangiintriga sa iyo? Mapalad na kulay ang red.  Masuwerteng numero 6, 12,  24, 33, 39, 42.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22)  Inuutusan ka ngayon ng iyong kapalaran na lasapin ang mga suwerteng nasa sa iyo na. Ibig sabihin, kahit panandalian lang ay namnamin mo ang lasa ng masarap mong buhay. Mapalad a ang kulay apple green. Masuwerteng numero  4, 19, 22, 34, 41, 44.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Pagbigyan mo ang humihingi ng paumanhin ikaw man ay nagkakamali rin. Sa ganyang paraan, sa pagbibigay at pagpapatawad sa mga taong nagkakasala at nagkakamali sa iyo, mas marami pang suwerte at magagandang kapalarang kang matatanggap. Mapalad ang kulay na lavender.  Masuwerteng numero 3, 12, 24, 37, 40, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Kakaibang buenas ang makukuha mo sa mga taong kontrabidad sa buhay mo at sa mga kabaligtaran ng iyong ugali. Ang ilang suwerte na inaayawan nila ay mapupunta sa iyo. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 2, 10, 13, 37, 34, 40.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Hindi nagbabago ang langit sa kanyang pangako. Pagkakalooban ka ng magandang kapalaran at suwerte sa pag-ibig at sa materyal na bagay. Basta ang mahalaga, lagi kang manalangin at wag na wag kang mag-aalinlangan na sa Diyos nanggagaling ang lahat ng mga biyaya at pagpapala at ikaw ay kanyang kahahabagan. Mapalad ang kulay na magenta.  Masuwerteng numero 1, 13, 16, 25, 29, 47.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19)  Pagbigyan mo ang humihingi ng paumanhin ikaw man ay nagkakamali rin. Sa ganyang paraan, sa pagbibigay at pagpapatawad sa mga taong nagkakasala at nagkakamali sa iyo, mas marami pang suwerte at magagandang kapalarang kang matatanggap. Mapalad ang kulay na lavender.  Masuwerteng numero 3, 12, 24, 37, 40, 45.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18)  Kalimutan mo ang lahat ng iyong mga problema. Wala kang dapat gawin ngayon kundi ang magsaya ka. Magsaya ka! Dahil habang nagsasaya ka ang masayahin mong aura ang siyang hihigop ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran na hindi mo pa nararanasan sa tanang buhay mo. Mapalad ang kulay na pink.  Masuwerteng numero 1, 8, 26, 31, 41, 43

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Inaasahan ng langit na patuloy mong tutulungan at pasasayahin ang iyong kapwa at ikaw naman ay makaaasa na hindi magsasawa ang nasa itaas na pagkalooban ka ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran sa darating pang mga araw.   Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  8,  21,  23, 34, 36, 44.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here