Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Hunyo 3, 2020

Horoscope wheel chart
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Hunyo 3, 2020,  Miyerkoles – Ang kapalaran mo dito sa mundong ito ay kung ano ang iyong magustuhan ay mapapasa iyo. Gusto mo ba ng mga kabuhayan, ng mga ari-arian at yaman? Gustuhin mo at mapapa sa iyo! Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 6, 18, 26, 32, 36, 42.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ito ang suwerteng araw para sa iyo upang humingi ng pabor sa langit. Magugulat ka dahil higit sa inaasahan mo ang matatanggap mo at ang ipagkakaloob sa iyo. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 1, 14, 28, 29, 39, 42.  

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Hindi ka mauunawaan ng kaibigan mo dahil masyadong mataas ang pangarap mo at masyado ring mataas ang isip mo. Magkagayuman, kahit na pataas ng pataas ang antas ng iniisip at pinapangarap mo, ang lahat ng ito ay ipagkakaloob sa iyo ng langit Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  2, 16, 26, 31, 37, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Mangarap ka ng mga bagong pangarap. Ang mga dati at luma mong mga pangarap na hindi natupad ay buburahin ng langit  upang ang mga bagong pangarap mo ngayon ang nakatakdang matutupad.  Mapalad a ang kulay red at pink. Masuwerteng numero 5, 19, 21, 29, 37, 41. 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Sa panahong ito na unti-unti ng pumapasok ang tag-ulan, dumikit ka sa mga kakilala mong mapera. Mahihigop mo ang suwerte nila, lilipat isa-isa ang pera nila sa iyo, mauubos ang kanilang pera at mapupunta sa iyo lahat. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 1, 9, 15, 34, 39, 42.  ©PhilippineOne.com

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Mag-utos ka at masusunod. Ang bawat salitang lalabas sa iyong bibig ay magkakaroon ng kapangyarihan. Oo, walang makatatanggi sa iyo mabisang tinig. Kaya subukan mo ngayon, mag-utos ka at masusunod. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 6, 17, 25,  33,  39, 43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Muli ka na namang aangat sa mas mataas na level. Kakaibang husay at galing ang iyong ipamamalas.  Hindi dapat lumaki ang iyong ulo. Panatiliin mo ang pagiging mapagpakumbaba at mahinahon. Kapag ganyan ka, matutuwa sa iyo ang langit, yong dating mga biyayang natatanggap mo ay dodoblehin pa. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  7, 14, 24, 39, 41, 45.   ©PhilippineOne.com

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Tumodo man o hindi ang sikat ng araw ngayong umaga at kahit sabihin pang umulan ngayong maghapon, totodo pa rin ang suwerte at magandang kapalaran na darating sa iyo. Kapag  kulimlim lang at may konting ambon, susuwertehin ka pa rin, pero konti lang at hindi gaanong marami. Mapalad na kulay ang black.  Masuwerteng numero 4, 10,  25, 28, 37, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Walang hadlang na makahaharang sa landas ng buhay na iyong nilalakaran, dahil nakamasid sa iyo ang langit at ang sinuman magtangkang humadlang  ay mapapahamak. Kaya kung anumang landasin ng buhay ang ibig mong maabot, tiyak na ito ay mararating mo.  Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  6,  12,  22, 25,  32, 43.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Aangat ng aangat ngayon ang iyong talino. Marami ang magnanasa na maging bahagi ka ng kanilang buhay. Pero dahil maarte ka tatanggihan mo sila. Pero bibigyan ka pa rin ng langit  ng isang magaling na nilalang na kahit na ayaw mo, siya ang makakahati mo sa isang masagana at maligayang buhay. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  9, 11, 18, 36, 40, 44.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Iwasan mong magyabang kahit ang totoo ay may ipagyayabang ka rin naman at talaga namang mayabang ka. Tandaang kapag nagpakababa ka, lalo kang iaangat ng langit. Mas lalong darami ang mga suwerte at magagandang kapalarang magdaratingan sa iyo. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 6, 16, 22, 35, 42, 43. ©PhilippineOne.com

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Pabago-bago ang ihip ng hangin, pabago-bago rin ang lagay ng panahon at ikaw ay gayun din. Walang kasiguraduhan ang takbo ng iyong isipan at damdamin. Kaya ito ang nagiging dahilan ng iyong kalungkutan at mga problema sa buhay. Titino lamang ang takbo ng iyong pagkatao sa sandaling may nag-giya sa iyo na isang Libra.  Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 2, 12, 20, 34, 37, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Maraming lumalapit sa iyo. Tulungan mo sila pero wag namang sobra. Kapag lagi kang tumutulong, ang kakaiba nito, bukod sa tutulungan ka rin ng langit, mas marami sa itinulong mo ang ibabalik sa iyo ng doble-doble, siksik at liglig at may mga dagdag pa. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  4, 13, 28, 31, 39, 40.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here