Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Hunyo 3, 2019

0
462
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Hunyo 3, 2019, Lunes  –  Dahan-daha na medyo bigla na iaangat ka ng langit at ganon din dahan-dahang itataas ang iyong kapalaran patungo sa isang matayog na pag-unlad at pagsikat. Kaya dahan-dahan lang dahil kapag biglaan, ikaw ay magyayabang. Panatiliin ang pagiging mapagpakumbaba, upang ang suwerte ay tuloy-tuloy na rumagasa sa iyong buhay. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Wag kang maniwala sa sinasabi ng ilan na:  “kapag gusto mo ay makukuha mo!” Marami na ang gumawa nito, ngunit sila’y nangabigo. Dahil ang talagang dapat gawin ay magkaroon ka ng kongkretong plano kung paano mo makukuha ang iyong gusto. Ang mas tamang pormula na angkop sa iyo ay ganito: “Kapag ginusto mo at pinagplanuhan kuhanin tiyak na ito ay mapapasaiyo!” Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Mas malakas na pang-akit ang mga ngiti. Ngayon mapapatunayan mo ito dahil sa hindi mo sinasadyang pagngiti sa isang ‘di mo naman kakilala,  siya ay maaakit at mahahalina sa iyo, kasabay nito, hindi sinasadyang mangingitian mo rin ang tagapagbigay ng magandang kapalaran, kaya sa araw na ito, agad-agad ang kakaibang suwerte ay  mapapasa iyo. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Mahirap ang walang matalik na kaibigan lalo na sa tulad mong mapagisa at tuktok sa trabaho. Kaya naman sa araw na ito pagkakalooban ka ng  kaibigang aalalay sa iyo. Ang kaibigan mo ring ito bukod sa makatutulong sa iyo ay tila isang anghel na hulog ng langit na magdadala sa iyo ng magandang kapalaran at masasayang karanasan.  Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Kusang lumalago ang mga halaman sa panahon ng tag-ulan. Hintayin mo ang panahong ito sa iyong buhay, hindi ka dapat mainip at hindi ka dapat magmadali. Sapagkat itinakda na ng langit bago ka pa isilang, na tulad ng mga halaman, darating at darating din ang isang panahon sa iyong buhay na lalago ng lalago at magiging sobrang masagana at sobrang kakapal ang iyong mga kabuhayan.  Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.   

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Mahirap paniwalaan pero sa kagaya mong nagtataglay ng elementong apoy, maraming suwerte ang darapo sa iyong  katawan tulad ng mainit na sinag ng araw. At ang mga suwerteng ito at magagandang kapalaran kahit na pagpagin mo pa ng pagpagin, babalik at babalik pa rin ito sa iyo, hanggang sa matamasa mo ang tunay na ligaya at wagas na pag-unlad. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Sa paglabas mo ng bahay, masasagap mo ang pangit at magagandang kapalaran. Pero ang mabuting balita, saglit lang na mapupunta sa iyo ang mga negatibong kapalaran dahil aalis din ito agad, habang ang magagandang kapalaran na may kasamang malalaking suwerte ang higit na mananatili sa iyong buhay magpakailan man.   Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Kahit na magpilit ka ng magpilit, hindi talaga mapupunta sa iyo ang isang bagay na hindi naman talaga para sa iyo. Ngunit ang mabuting balita, papalitan ng nasa itaas ang mga bagay na gusto mo na hindi napunta sa iyo ng mas marami, mas maganda at mas ikaliligaya mo. Ang mahalaga sa ngayon, wag kang kokontra at maniwala ka lang sa takdang kapalaran. Ang takda mong kapalaran ay ang yumaman at lumigaya. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.    

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Kakaibang sigla ang madarama mo, na hindi mo matukoy kung bakit ganon na lang ang sigla mo. Ang tunay na dahilan mataas ang level ng iyong libido sa araw na ito, kaya bukod sa natural na suwerteng darapo sa iyo, may ligayang hatid pa ito na hindi mo maipaliwanag sa sobrang sarap na pakiramdam. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Sa araw na ito ang iyong pangalan ay natagpuang nasa unahan ng listahan ng mga taong tatanggap ng mga biyaya at pagpapala na  sa sobrang dami ay halos hindi mo kayang bilangin sa daliri ng iyong mga kamay at paa. Ngunit may kundisyon, ang kundisyon, kailangang maniwala ka at kailangang walang alinlangan na mananahan sa iyong isipan. Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Hindi pupuwedeng hindi lumulubog ang araw dahil ito ay bahagi ng natural na kaayusan ng mundo. Ngunit alam mo ba ang binabadya nito? Tulad ng mangyayari sa iyong kapalaran, lulubog ang araw, kasama na rin nitong mawawala ang mabibigat mong mga problema at suliranin sa buhay, upang bukas makalawa kasabay ng pagbubukang liwayway puro suwerte na at magagandang kapalaran na ang iyong mararanasan.  Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Magsalamin muna bago husgahan ang kapwa. Ang huhusga sa ‘yo ngayon kapag humarap sa salamin ay makikita nilang may dungis din pala sila sa kanilang mukha at mas marami pa kaysa sa iyo, kaya sila ay mangapapahiya sa sarili nila habang ikaw naman ay tuloy-tuloy na pagpapalain ng langit. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Madali kang maakit ng taong mabait dahil mabait ka rin. Kunsabagay maganda ang mabait kaysa sa kung makaporma ay talo pa ang artista. Panatiliin mo ang pagiging mabait dahil nakikita ng nasa itaas ang iyong kabaitan. Sa malapit na hinaharap gagantimpalaa ka, dagdag na suwerte at magagandang kapalaran ang ipagkakaloob sa iyo ng langit.  Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here