Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Hunyo 2, 2019

0
665
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Hunyo 2, 2019,  Linggo – Ikaw ang taong may malambot na puso at ito ang magiging dahilan kung bakit mahuhulog ang loob sa iyo ng may matitigas ang kalooban. At dahil sa taglay mong kabaitan, tuloy-tuloy kang huhulugan ng langit ng suwerte at magandang kapalaran kahit saan kaman magpunta.  Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  1, 17, 28, 34, 39, 44.   

ARIES  (Marso 21 – April 19) Suwerte ka ngayon, pero susuwertehin ka lang at darami pa ng darami ang iyong suwerte kapag nagawa mong pakitaan ng magaganda ang iyong kaibigan na nakasamaan mo ng loob.  Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 3, 12, 24, 31, 37, 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Suwerte ka ngayon sa mundo ng pag-ibig. Kaya kung sinoman ang karelasyon mo, magdidikit ka sa kanya, dahil habang nagpapalit ang panahon, kapag lagi kayong magkadikit, mas marami pang mga suwerte at magagandang kapalaran ang darating. Mapalad a ang kulay red at pink. Masuwerteng numero 5, 17, 19, 29, 37, 41.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Masyado ng matagal ang iyong pag-iisip kung paano ka magtatagumpay at uunlad sa buhay. Mas mabuting gawin mo agad ang huling proyekto na nasa isip mo, dahil ang proyektong iyon ang magbibigay sa iyo ng bultong suwerte at magandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  2, 14, 18, 36, 41, 44.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Makiayon ka sa pagbabago. Hindi puwedeng manatili ka sa mga lumang ginagawa at lumang pananaw. Baka ang iba ang kasalukuyan at ang future na ang iniisip, ikaw ay hindi pa rin maka-move on sa nakaraan. Tandaan mong ang hinaharap ay pasulong sa modernong panahon, hindi paatras sa mga luma ng nakamihasnan. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  2,  19,  23, 25,  31, 38. 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Ito ang araw na mapagkakamalan mong hindi maganda ang mga nangyayari pero ang totoo susi pala ang mga ito upang mabuksan ang isa na namang magandang pagkakataon patungo sa iyong pag-asenso at ganap na kaligayahan. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 14, 28, 39, 41, 45.    

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) ) Bibigyan ka ngayon ng langit ng kaluwagan. Kaya ang iyong mga suliranin ay gagaang. Hindi rin makakaapekto ang maliit mong mga suliranin sa iyong mga gawain at mga kagustuhan, dahil lagi kang papatnubayan ng nasa itaas. Kaya pagkakataon mo nang gawin ang anumang iyong maibigan lalo na sa ikauunlad ng inyong kabuhayan. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 5, 16, 25,  35,  39, 43.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Muling dumating ang takdang araw na  kapag humiling ka sa langit ay kagyat na matutupad. Kaya wala kang dapat gawin ngayon –  hiling na!  Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 6, 18, 24, 35, 42, 44.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Marami sa ngayon ang magsisinkontra sa iyong mga binabalak at sinasabi. Isa-isa silanhg maglalabasan, pero isa-isa din silang mabibigo. Dahil kahit na kontrahin ka pa nila, ikaw ang mananaig, sapagkat lagi kang pipapatnubayan ng nasa itaas. Matapos mong manaig bubuhos na ang dagdag pang mga suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 9, 10, 15, 34, 39, 42. 

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Masuwerteng araw ito para sa iyo sa pagkakawang gawa. Ang anumang ipagkakaloob mo ay dodoblehin ng langit bilang iyong gantimpala.  Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 6, 12, 27, 29, 39, 42.  

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Araw ng pagrerebelde ang araw na ito para sa iyo. Ang bawat kilos mo ay magmumula sa matagal mo nang hangarin na makalaya sa nasuutan mong magulong mundo. Makakalaya ka, kung tutulungan ka ng isang taong nasa malayong lugar pero malapit sa puso mo. Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  2, 13, 26, 31, 37, 44.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Kung ang tao ay iniintindi ang kahinaan at mga pagkakamali ng kanyang kapwa, ang tadhana ay hindi ganon. Hindi iniintindi ng nasa itaas ang mga kahinaan mo at mga pagkukulang. Kaya, kahit ano ka pa ngayon, kahit sino ka pa ngayon, ngayon din magsisimula na uling dumating ang mga suwerte at magagandang mong kapalaran.  Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 6, 14, 26, 32, 42, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Ito ang araw na maglalaban ang iyong prinsipyo at ang iyong damdamin. Alin sa dalawa ang mananalo? Walang iba kundi ang prinsipyo, at dahil maprinsipyo kang tao, marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang patuloy na mapapa sa iyo, pero marami ring maiingit sa iyo lihim. Mapalad na kulay ang black.  Masuwerteng numero 7, 19,  25, 29, 42, 45.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here