Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Hunyo 16, 2019

0
488
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Hunyo 16, 2019, Linggo –  Taglay mo ang malikhaing kaisipan at taglay mo rin ang pagnanasa na makarating sa malalayong lugar. Kaya ikaw ay itinalaga ng langit kung gugustuhin mo na makapag-abroad na iyong ikayayaman.  Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero  5, 9,  25, 34, 41, 44.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Dapat panatag ang kalooban mo sa ngayon. Dahil may nag-aabang na suwerte sa iyo na darapo sa katawan mo kapag payapa ang iyong isip at damdamin. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  1, 13, 28, 31, 40, 44.    

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Ngayon na ang araw na pinakamaganda dahil magpapasya na ang nasa itaas. Ang napagpasyahan, ibibigay na sa iyo ang lahat ng maluluho at matataas mong mga pangarap. Kaya ihanda ang iyong sarili, lalo na ang iyong kalusugan at wag masyadong maging excited.  Mapalad na kulay ang dark green. Masuwerteng numero  5, 18, 23, 28, 35, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Hindi mo dapat sayangin ang mga biyayang magaang na dumarating sa iyong mga kamay. Kapag naging masinop ka at mapagpahalaga sa mga nasa sa iyo na, magkakaroon ka ng siguridad para sa iyong kinabukasan.  Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero  6, 18, 21, 27, 33, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Sa ibayong dagat o sa pag-aabroad mas madali mong matutulungan ang mga mahal mo sa buhay at ito rin ang paraan upang matupad mo ang iyong mga pangarap na noon mo pa nais na matupad. Mapalad na kulay ang old rose.  Masuwerteng numero 1,  7, 16, 29, 37, 41.  

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) May lilisan sa iyo sa araw na ito. Lilisanin ka na nang lungkot at mga kamalasan, kaya naman ang tiyak na papalit dito ay pulos saya na at magagandang kapalaran. Lagi kang magpasalamat sa nasa itaas, sa pagbibigay ng tulong o limos sa mga kapos palad. Mapalad na kulay ang golden yellow. Masuwerteng numero 7, 18, 22, 31, 39 at 44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) ) Magiging palakuwento ka at mawiwili sa pagbahagi ng iyong karunungan. Kaya lang bihira sa mga kuwento mo at kaalaman ang mauunawaan at masasakyan ng iyong kausap. Magkaganonman ang mga maririnig sa iyo ay sobrang makamamangha at magpapasaya sa kanila.  Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 2, 11,  26, 32, 41, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Tinatanglawan ng langit ang iyong mga pinagkaka-abalahan. Kaya kung patuloy ka sa pagawa ng kabutihan, mas maraming mga premyo at mga biyaya ang iyong matatanggap, higit lalo sa aspeto ng pag-ibig at pang-damdamin. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 7, 19, 26, 27, 35, 41.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Kahit hindi mo galingan ayos lang, dahil ginalingan ng langit ang araw na ito para sa ‘yo. Kaya magagaling na mga pangyayari rin at malalaking suwerte ang darating sa iyo. Mapalad ang kulay na apple green. Masuwerteng numero 5, 10, 22, 37, 41, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Ang ibang tao ay nag-iisip ng matatayog at matataas na pangarap ngunit hindi naman nila ito nakakamit. Ang sa iyo ay sadyang kakaiba, idinisenyo na ng langit na maabot mo ang mataas at maluluho mong mga pangarap. Kaya naman panahon na upang mangarap at mag-ambisyon ka na ngayon ng matayog at mataas na talaga tutal naman siguradong ito ay maaabot mo. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 9, 12, 21, 33, 43, 45. 

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Kailangan mo ng saya. Kaya anumang ang tinatrabaho mo ngayon kailangang maging masaya ka. Nanonood sa iyo ang nasa itaas, kapag ginagawa mo ang mga bagay na may saya, pagkakaloob ka ng langit ng mas maraming suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  2, 10,  20, 29,  31, 44. 

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Ang awit ay nilikha upang makapagbigay libang at saya. Ganon din ang magaganap sa iyong kapalaran sa araw na ito, pasasayahin ka ng langit, ngunit hindi ka dapat malibang. Kapag nalibang ka, mababaon ka na naman sa mga problema at pakakautang. Panatiliin ang moderasyon at disiplina sa sarili. Mapalad ang kulay na apple green. Masuwerteng numero 4, 13, 16, 25, 34, at 45.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20)  Sa kabila ng marami kang ginagawa pagtuunan mo pa rin ng pansin ang iyong kalusugan. Alalahanin mong ang malusog na pangatatawan at maraming pera ang tatawaging tunay na masuwerte. Panatiiin at pilitin mo na maging ganon ka!  Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  9, 15, 21, 23, 34, 42.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here