Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Hunyo 15, 2019

0
464
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Hunyo 15, 2019, Sabado –  Sobrang ganda ang ipinapangako sa iyo ng araw na ito. Magsisimula ng matupad ngayon ang lahat ng mga pinapangarap mo. Kaya wala kang dapat gawin kundi ang mangarap pa nang mangarap nang mangarap. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero  9, 18,  24, 27,  39, 42.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Sa pagbubukas pa lamang ng bukang liwayway habang nalalaglag ang hamog, ngumingiti ang mga bulaklak. Sa araw na ito ganon din ang magaganap sa iyong karanasan,  sa unang oras pa lamang ng umaga, ngingiti na ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero   2, 16, 25,  33,  37, 43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Nakita ng langit ang kabutihan ng loob na matagal mo ng ginagawa sa iyong kapwa. Kaya ito ang araw na gagantimpalaan ka ng langit, kahit na wala kang gaanong pagkilos, darating ng darating ang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero 7, 18, 25, 27, 31, 42.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Hindi ka sasaya kung ikaw ay nag-iisa. Maghanap ka ng makakasama sa paggala at paglalakwatsa. Sa piling ng mga kaibigan, magkakaroon ka ng dagdag na sigla at saya. At kapag lagi kang masigla at masaya, ang suwerte at magandang kapalaran ay bubuhos din sa iyo ng bonggang-bongga. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 2, 11,  26, 35, 43, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Nagkita ang suwerte at negatibong enerhiya sa kalangitan, kaya magkaroon ng kakaibang kaguluhan sa iyong career at love life. Pero paglipas ng isa hanggang dalawang linggo, papaganda uli ng papaganda at papaligaya na uli ng papaligaya ang iyong karanasan. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  3, 12, 23, 27, 30, 45.   

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Marami ang sumusuko at nawawalan ng pag-asa, pero ang sa iyo ay kakaiba. Kailan man’y hindi ka susuko at hindi ka mawawalan ng pag-asa. Magpatuloy ka lang, makakaahon ka rin sa mga problema, ilalawit na ng langit ang kanyang mga kamay upang tulungan ka. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  4, 13, 28, 31, 40, 43.    

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Napakataas ng level ng kumpiyansa mo sa iyong sarili sa araw na ito. Kaya anuman ang iyong gusto, walang pag-aalinlangang mapapasa kamay mo ang lahat ng ito. Mapalad na kulay ang old rose.  Masuwerteng numero 2, 11, 25, 32, 40, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Mabait ang kalikasan dahil pinatutubo niya ang magagandang mga bulaklak sa parang kahit walang nag-aalaga. Sa araw na ito muli na namang mananaig ang iyong ganda at kabaitan. Dahil sa iyong kakaibang bait at ganda, hindi ka mapahihindian ng sinumang tao na iyong lalapitan. Uuwi kang masaya at tagumpay dahil sa mga transaksyon na iyong mapapa-aprubahan.  Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero  5, 14,  25, 34, 41, 44.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Malakas ka ngayon. Susuko ang iyong mga kaaway at ikaw ang mananaig.  At kahit malakas ka ring kumain, wag namang limitahin ang pagkain, dahil kasabay ng iyong pagtaba, tataba rin ang laman ng iyong bulsa. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  1, 15, 21, 23, 34, 41.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Oo mahalaga ang salapi pero hindi mo ipagpapalit sa mga ito ang kalinisan ng iyong pagkatao, mamamali at mapapahiya ang sinumang susubok sa iyo. Sapagkat noon pa, itinakda ka na ng langit na habang gumagawa ng kabutihan, lalong tatalas ang iyong suwerte at kakaibang kapangyarihan.  Mapalad na kulay ang dark green. Masuwerteng numero  5, 10, 23, 28, 35, 44.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Sa painot-inot na patak ng ulan, natatapyas ang makapal na bato sa kabudukan. Ituloy mo lang ang kasalukuyang pagsisikap. Sa painot-inot na pag-iipon, basta’t wag kang titigil, makakamit mo rin ang masaganang pamumuhay at malaking pagunlad. Mapalad na kulay ang old rose. Masuwerteng numero 1,  7, 17, 29, 37, 41.  

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Iisipin mong walang pagbabago ang buhay mo, pero nagkakamali ka. Ang  akala mo lang ay walang nagbabago, pero tulad ng batis, laging bago ang bawat araw at bawat sandali. Hindi mo lang napapansin kung ano-ano kasing negatibong bagay ang isinisilid mo sa iyong isip kaya ayaw umagos ng masagana ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 6, 10, 22, 28, 31, 45.  

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20)  Kung minsan madilim talaga ang langit dahil sa mga bagyong dumarating. Pero matapos na hipan ng hangin ang makapal na ulap, muling liliwanag at aaliwalas ang langit. Sa araw na ito, ang mismong nasa itaas ang isa-isang mag-aalis sa iyong mga suliranin, upang palitan ng suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  6, 18,  21, 29,  31, 44. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here