Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Hunyo 12, 2021

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Hunyo 12, 2021, Sabado  – Dahil kaarawan mo ngayon at nagkataon pang ito rin ang Araw ng Kalayaan, tunay ngang susuwertehin ka ngayon,  sa kahit na anong larangan, pero may kondisyon na nagsasabing ngayong panahon ng tag-ulan, tumulong ka sa isang taong hirap na hirap ang pamumuhay at halos walang pambili ng makakain. Kapag matulungin ka, ang suwerte at magandang kapalaran ay aapaw sa iyong buhay. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero  3,  12,  24, 27, 33, 44.   

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ikaw ang dapat manguna sa iyong mga kasama. Kapag pinangunahan mo sila at pinamunuan, mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang magdaratingan sa iyong buhay ngayon unti-unti ng pumapasok ang panahon ng tag-ulan. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero  3, 6, 9, 15, 27, 33.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Katahimikan ng puso ang kailangan mo ngayon. Kapag payapa ang iyong isip at kampante ang iyong damdamin, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang kusa at agad-agad na darating. Mapalad na kulay ang beige. Masuwerteng numero 2, 7, 12,  26, 24, 36.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Huwag kang mag-alinlangan sundin mo ang laman  ng iyong isipan. Dahil ang iyong isip at pag-aanalisa, ang tunay na nakakaalam kung saan mo matatagpuan ang iyong ikauunlad at ang iyong ikaliligaya. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero  5, 14, 23, 25, 20, 42.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Kung ano ang gusto mo yon ang gawin mo. Hindi ka dapat mag alinlangan sa iyong kakayahan. Dahil kapag nabuo na ang iyong loob, ang suwerte at magandang kapalaran ay buong-buo ring mapapa sa iyo. Mapalad ang kulay na yellow.  Masuwerteng numero 2, 7, 10, 22, 29, 39.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Payag ngayon ang kapalaran na ikaw ay magdikta ng kung ano ang gusto mong mangyari. Puwede ka ring magdikta ng kung anong wish mo ngayong papasok na ang tag-ulan. Kapag may hiniling ka, isa alang-alang mo dapat ang kaligayan ng iyong pamilya at ng ibang tao. Kapag ganyan ka, mas marami pang biyaya at pagpapala ang darating sa iyong buhay. Mapalad ang kulay ang gold. Masuwerteng numero  4, 11, 13, 22, 31, 43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Nakatutuwang bagay ang iyong mararanasan ngayon dahil ang iyong mga payo at pananalita ay hahangaan ng iyong mga makakausap. Pero ikaw mismo ay nakakaalam na hindi mo kayang gawin at sundin ang iyong mga pinayo. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  6, 14, 21, 28, 35, 42.    

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Bawal na bawal sa iyo ngayon ang magalit. Dahil ang suwerte ay darapo sa iyo sa mga sandaling payapa ang iyong kalooban at sa mga sandali na masaya ka. Kaya alam mo na ngayon ang gagawin mo? Alam mo na ba? Wag kang magagalit at lagi kang magsaya! Mapalad na kulay ang pink.  Masuwerteng numero 1, 4, 17, 25, 35, 41.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)   Patatagain ng husto ng langit iyong buhay, kaya ang mga dahilan ng panghihina ng loob mo at mga pag-aalala ay madali ng lilisan. Kaya magkakaroon ka na ng kapanatagan at mula ngayon ang kapanatagan na ito ang sasagap ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad a ang kulay tangerine. Masuwerteng numero  4, 8,  13, 22, 27, 44.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Gandahan mo ang iyong paraan ng pamumuno sa mga tauhan. Kapag napalapit ang loob nila sa iyo ay tatanggap ka ng mga grasya at maraming mga suwerte na magmumula mismo sa nasa itaas. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 6, 9, 15, 27, 33, 42.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Hindi ka mawawalan ng mga taong laging handang sumunod sa iyong mga utos, dahil ikaw ay isinilang sa mataas na posisyon. Oo mas mataas kaysa sa mga pangkaraniwang tao, kaya naman ang suwerte mo at magandang kapalaran ay mas mataas din kaysa sa iba. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  4, 6, 14, 17, 38, 40.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Huwag kang makinig sa sinasabi ng iba. Wag mo ring intindihin at wag mo rin pansinin ang mga nagsisikontra sa iyo. Sa halip,  kung saan ka liligaya, yong ang gawin mo, yon ang piliin mo.  At matapos mong lumigaya, makikita mo, malalaki at bulto-bultong suwerte ang sabay-sabay na ipagkakaloob sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 13, 16, 29, 31, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Higit sa inaasahan mo ang mapapasa kamay mo ngayon. Ibig sabihin ang ibibigay sa iyong suwerte ng langit ay mga biyayang ngayon mo lang matitikman. Ipamahagi mo ito sa iba, upang ang nasabing suwerte at mga biyaya ay lalo pang dumami ng dumami sa iyong harapan. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 2, 5, 16,  27, 29, 35

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here