Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Hunyo 12, 2019

0
605
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Hunyo 12, 2019, Miyerkoles – Sa araw na ito mapapatunayan mong mas masuwerte ka sa iba, dahil ang suwerte nila ay pansamantala lamang, pero ang sa iyo ay pang habang buhay na. Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Kasabay ng paganda ng kapalaran mo ay gaganda rin ang kapalaran ng mga taong malalapit sa ‘yo at ng mga taong nakatulong sa ‘yo. Maiiwan naman at mananatiling mahirap pa sa daga na parang pinagdamutan ng tadhana ang mga taong umaway sa iyo at ang mga taong nakaalitan mo. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Ngayon ang takdang araw na makatatanggap ka ng gantimpala mula mismo sa langit bilang premyo sa mga pagtulong mo sa mga taong mahihirap at sa kabutihang ipinapakita mo sa mga sawing-palad. Wag na wag mong tatanggihan ang nasabing gantimpala, dahil ito ang hudyat na papayaman ka na ng papayaman.  Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.   

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Masuwerteng araw ito para sa ‘yo para simulan ang matagal mo nang binabalak na proyketo sa aspeto ng pagpaparami ng iyong kabuhayan. Umasa kang walang hahadlang, magtutuloy-tuloy na ang iyong pag-unlad at ang paglago ng iyong kabang-yaman. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Ang pagiging abala mo sa hanap-buhay ay magliligtas sa ‘yo sa mga naka-abang na tukso. Kaya unahin mo ang pagpapaunlad ng iyong buhay ng sa ganon ay hindi ka madaig ng tukso at ng tuloy-tuloy ka na ring yumaman. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Ito ang araw upang pasiglahin at pasayahin mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa mga nakaraang tagumpay mo sa buhay. Kailangan mong gawin iyan, upang maging masaya ka, dahil kapag masaya ka, mas marami pang suwerte ang maaakit ng iyong pagkatao. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Tuloy-tuloy at dirediretso lang ang ikot ng mundo, kaya ikaw din ay hindi dapat magpapalit-palit ng iniisip at plinaplano. Wag kang magpapalit ng iyong ambisyon dahil wala kang mararating kung magpapabago-bago ka ng direksyon. Nakikita ng langit ang iyong mga adhikain kaya anupaman ang mangyari maaabot din ng iyong mga kamay ang malaking tagumpay na sa iyo ay matagal ng nakalaan. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Dumating na ang takdang araw kung saan, ang mga nawawala sa iyo ay babalik na uli sa iyo, lalo na sa aspetong pangkabuhayan. Kaya nga ang payo ay nagsasabing wag mo uulitin ang pagkakamli mong ginawa noon mga nagdaang panahon. Mabuhay ka ng mabuti at matipid dahil marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang idadagdag sa iyo ng langit. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.    

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Ito ang araw upang tanggihan mo ang humihikayat sa ‘yo sa isang gawaing pagsasayang lang ng oras at salapi na alam mong wala namang kabuluhan. Sa halip, ituloy mo ang iyong mga ginagawa na may kaugnayan sa pagkakaperahan at pagpapalago ng kabuhayan. Hindi mo ba napapansin, malapit na malapit ka ng yumaman? Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Ito ang araw na dininig na ng langit ang iyong mga hinaing at panalangin kaya makaaasa ka na anuman ang iyong hilingin hindi ka bibiguin ng langit. Lakihan mo na ang iyong hiling, yong malaking-malaki upang malaking suwerte at magagandang kapalaran din ang mapapasa iyo.  Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Huwaran ka ng pagiging mabuti. Nakikitang lahat ng nasa itaas ang kabutihang ginagawa mo, kaya sa araw na ito huhulugan ka ng langit ng regalo na labis mong ikatutuwa dahil maiisip mong lalo mong matutulungan ang iyong kapwa at ang mga nangangailangan. Ang isa pang mabuting balita, anumang sumobra sa mga biyayang natanggap mo ay iyo na, na magagamit mo sa pamamasyal at pagpapasarap sa buhay.  Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Sinagot ng langit ang iyong mga panalangin. Bilang panimula sa iyong magandang kapalaran pagkakalooban ka ngayon ng mga kaibigan na maaasahan na tutulong para makamit mo ang iyong mga pangarap sa buhay. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20)  Dumating na ang araw na kung kailan magdaragsaan sa buhay mo ang magagandang kapalaran. At ang isa pang masuwerteng balita ay nagsasabing ngayon na ito magsisimula. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here