Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Hunyo 11, 2021

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Hunyo 11, 2021, Biyernes  – Sa araw na ito mapapansin mong unti-unti ng sumasaya at sumisigla ang iyong kapaligiran. Ito ay tanda na sisigla na rin ang iyong kapalaran, hanggang sa tuloy-tuloy mo ng makamit ang suwerte at magandang kapalarang matagal mo ng hinihintay. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero  2, 11, 22, 34, 39, 44.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Kaya lang naman matamis ang tagumpay kapag ito ay pinaghirapan. Pero ang sa iyo ay kakaiba, kahit hindi mo paghirapan ang tagumpay, matamis ang magiging lasa nito, dahil noon pa man isinulat na sa aklat ng kapalaran ang iyong pangalan sa mga matatagumpay na nilalang. Mapalad na kulay ang burgundy. Masuwerteng numero  6, 9, 12, 17, 28, 33.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Pag-ibig ang kailangan ng mundo kaya mag-mahal ka ngayon. Ang una mong mahalin bukod sa iyong pamilya ay ang mga kapos-palad at labis na ngangailangan. Regaluhn mo sila kahit walang okasyon. Kapag nagawa mo iyan, dobleng regalo ang ibabalik sa iyo ng langit. Mapalad a ang kulay maroon. Masuwerteng numero  6, 15, 21, 24, 33, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Nagbabalita ang araw na ito na ikaw ay kikita sa pagbebenta. Ibig sabihin magagandang salita lang ang puhunan ay aangat na agad ang iyong kabuhayan. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero  8,  17,  19, 26, 29, 38.   

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Nagkukubli sa maliit ng problema ang malaking tagumpay. Kaya anuman ang pinoproblema mo sa ngayon, umasa kang ang kasunod nito sa araw ng bukas ay malaking suwerte at maningning na kapalaran. Mapalad na kulay ang beige. Masuwerteng numero 2, 7, 16, 18, 20, 29.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Ikaw mismo ang makakapansin na ang bawat iyong ginagawa ay hindi agad natatapos. ‘Wag malungkot, dahil kahit hindi mo agad natatapos ang mga gawain mo, may tatapos nito para sa iyo – ang langit. Dahil tatapusin ito ng langit, mas malaking suwerte at magagandang kapalaran ang mapapakinabangan mo. Mapalad na kulay ang orange orange. Masuwerteng numero  1, 4, 10, 19, 28, 33.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22)  Nagbabalita ang araw na ito na kapag hindi mo pinairal ang ugali mong may pagkaperpeksiyonista at mahilig maghanap ng kapintasan ng isang tao, darating sa iyong buhay ang napakaraming suwerte at magandang kapalarang hindi mo inaasahang mapapa sa iyo. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero  5, 11, 23, 32, 37, 40.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Iyo ang araw na ito. Humingi ka ng para sa iyo at para sa mga mahal mo. Makaaasa ka na ikaw ay pakikinggan ng langit at sa malapit na hinaharap, tutuparin ang iyong kahilingan. Mapalad na kulay ang red.  Masuwerteng numero 6, 12,  21, 24, 33, 36.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)   Susubukan ka ngayon ng iyong kapalaran kung gaano katatag at kung gaano katibay ang iyong pagkatao. Kaya ang payo, sa anumang aspeto ng buhay ay wag kang magbabago o magpapalit ng pasya. Mapalad ang kulay na magenta.  Masuwerteng numero 3, 8, 15, 21, 27, 44.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Mas masayang kasama ngayon ang kaibigan kaysa sa mahal mo sa buhay na hindi ka naman nauunawaan. Ituloy ang binabalak mong pamamasyal at pagsho-shopping na kasama ang iyong mga kaibigan, sapagkat sa gawain ganyan ka sisigla at magiging maligaya. Ngunit tandaan lamang na sa pamamasyal ipatupad pa rin ang health protocol na pinaiiral ng gobyerno upang iwas sa pandemiya. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 3, 9, 15,  27, 39, 40.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Hindi pupuwedeng habang buhay kang nasa sariling bayan na iyong sinilangan. Kaya sundin mo ang utos ng iyong kapalaran, na ikaw ay mangibang bansa. Hinihintay ka na ng magandang kapalaran sa malayong lugar. Mapalad ang kulay na  yellow. Masuwerteng numero  2, 7, 17, 28, 31, 42.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Mula sa malayo darating sa iyong harapan ang taong tatawagin mong kaloob sa iyo ng kapalaran. Siya ang tutulong sa iyo at magpapabago ng malungkot mong buhay. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero 4, 13, 20, 27, 29, 41.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Hawakan mong mahigpit ang mga tinamo mong magagandang kapalaran, dahil anumang sandali ay maaaring kumawala ito. Sa pag-iingat ng magagandang kapalarang iyong tinamo, dapat ding pagyamanin mo ito ng husto at kapag dumami na, ipamahagi mo ito sa iba lalo na sa mga mahihirap at sa mga taong labis na nangangailangan at wala ng maaasahan pa sa buhay. Mapalad ang kulay na purple. Masuwerteng numero  2, 16, 25, 33, 40, 43.   

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here