Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Hunyo 1, 2019

1
708
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Hunyo 1, 2019,  Sabado – Mas marami kang suwerte kaysa sa mga pangkaraniwang tao. Gaya ngayong unang araw ng Hulyo, muli na namang iiral ang sa iyo ay nakalaan, kung saan, ang mga buwenes at magagandang kapalaran ay magdaratingan na. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 1, 17, 24, 35, 42, 44.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Bukas ngayon ang mga binata at pintuan ng langit. Na nagsasabing, ito ang araw na pakikiinggan ang bawat dalangin at kahilingan mo. Sabihin mo na ngayon ang iyong gusto at ito ay tiyak na iyong makakamit.  Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 5, 18, 24,  35,  39, 43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) ) Ipakita mo na may paninindigan ka. Hindi puwede na lagi ka na lang tangay-tangayin sa mga kagustuhan ng iba. Kapag tuluyan ng lumutang ang sarili mo kagustuhan at hindi na sunod ng sunod lang sa iba, makikita mo, mas lalong gagaang ang pasok ng suwerte at magandang kapalaran sa iyong buhay. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  2, 17, 28, 34, 38, 44.   

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Ang iba ay nag-aalinlangan at nabibigo. Pero sa araw na ito, ang sa iyo ay kakaiba, habang nagaalinlangan ka, mas maraming suwerte at magagandang kapalarang ang darating sa iyo. Mapalad na kulay ang black.  Masuwerteng numero 4, 18,  25, 29, 42, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Kaya hindi mo nakukuha ang malaking tagumpay dahil nauunahan ka ng pagaalinlangan. Masdan mo ang mga ulap sa langit, nawawala rin sila at nagiging ulan. Alisin ang pag-aalinlangan sa iyong puso. Kapag naging buo na ang iyong loob, sisilid na sa iyong pagkatao ang malalaking suwerte at magagandang kapalaran.  Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  6, 13, 26, 31, 38, 44.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) May katigasan ang iyong ulo, kaya  dapat mo itong kontrolin at wag mo na itong paiiralin pa. Ito ang susi upang mabawasan ang mga problema mo sa buhay at tuluyan ka na ring lumigaya. Alam mo na ang susi, uulitin ko: “Wag kasing matigas ang iyong ulo!” Mapalad na ang kulay red at pink. Masuwerteng numero 1, 7, 19, 29, 37, 40.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Dahil sa marami ang lihim na bilib sa iyo, marami rin ang lihim na gumagaya sa life style mo. Sa araw na ito ay may isang manggagaya sa iyo, pero kahit na paanong gaya ang gawin nila, sorry na lang sila, hinding-hindi nila magagaya ang suwerte at magandang kapalarang hawak-hawak mo na ngayon. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 2, 17, 26, 37, 42, 43.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Walang kabuluhan ang lahat ng bagay kung hindi ka matututong magbigay. Oo malulubos lamang ang iyong ligaya at magandang kapalaran ngayong panahong ito ng tag-ulan, kung patuloy ka pa ring mamimigay, lalo na sa mga mahihirap at kapos-palad. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  2, 8, 16, 25, 36, 41, 44.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Nagtatagumpay ang iba dahil sa lakas at pagsisipag. Pero ang sa iyo ay kakaiba. Magtatagumpay ka sa pamamagitan ng isip at pagsasalita. Kaya kapag may naisip ka at gusto mong ihayag, gawin mo agad. Kapag ganyan ka, ang suwerte at magandang kapalaran ay maaakit mo. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 6, 11, 27, 29, 31, 40.  

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Tumataas ng husto ang iyong kumpiyasa sa sarili dahil sa mga nakamit mong suwerte at magandang kapalaran sa buhay. Pero ikaw ay binabalaan ng tadhana na ang sobrang tiwala sa sarili ay masama.  Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 14, 27, 39, 41, 45.    

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Hawakan mong mabuti ang iyong sarili. Kapag nagalit ka, para na ring masasabing ang mundo ay magugunaw. Kontrolin mo ang sama ng iyong loob nang sa ganon ay maging payapa ang sitwasyon. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  6,  19,  22, 25,  31, 43. 

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Sa panahong ito ng tag-ulan kahit walang okasyon, mamigay ka sa mga mahihirap at kapos palad. Ang maalala mo ang mga taong walang nakakaalala at kinalimutan ng kanilang mga mahal sa buhay ay sadyang napakahalaga. Sabi nga, “hindi kung ano ang  halaga ng regalo, kundi ang kahulugan at ang pagmamahal sa nagbigay nito!”  At dahil naging mapagbigay ka, lalo ka pang pagpapalain ng langit at bibigyan ng mas marami pang magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 9, 12, 15, 33, 39, 42. 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Sa panahong ito ng tag-ulan, hindi makabubuti sa iyo ang magisip ng mga negatibong bagay. Kaya simulan mo na ngayong maging masaya. Habang nagsasaya ka, darating ang maraming suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 3, 16, 29, 31, 37, 45.

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here