Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Hulyo 8, 2019

0
509
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Hulyo 8, 2019, Lunes –  Ang sandata na kaloob sa ‘yo ng Dakilang Maylikha ay mabuting puso. Sa ganito, magtatagumpay ka, uunlad, liligaya at yayaman.  Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  2, 11, 25, 28, 37, 43.    

ARIES  (Marso 21 – April 19) Sadyang magiging kakaiba at espesyal ang ihip ng hangin sa panahong ito ng iyong buhay. Sa pag-ihip ngayon ng iyong kapalaran, ipagkakaloob sa iyo ang malaki mong suwerte at ang tunay mong kaligayahan. Mapalad na kulay ang pink.  Masuwerteng numero 6, 12, 23, 27, 37, 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Ang iba ay bumibili pa ng kung ano-anong palawit, at dekorasyon bilang pampasuwete. Pero ang sa iyo ay kakaiba, lahat ng magagandang bagay  at lahat ng  masasarap na pagkain ang magsisilbi mong lucky charms na magbibigay sa iyo ng sigla, nang susnod-sunod na suwerte at ng magagandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 3, 12, 27,  30,  32, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Hindi mo maiiwasang makipagtalo sa mahal mo, dahil marami kang nakikita na kanyang mga mali, kahinaan at pagkukulang. Pero hindi mo ito dapat na ipamukha sa kanya, lagi-lagi at araw-araw, dahil hindi mo ba napapansin ang kanyang mukha, lagi na siyang mukhang kaawa-awa.  Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 7,  14,  17, 26,  34, 42.   

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) May kakayahan kang baguhin ang anumang gusto mong baguhin. Kaya anuman ang nangyayari sa buhay mo ngayon, wag kang malungkot. Baguhin mo ang iyong kapalaran. Pinapanood ka ng nasa itaas,  at habang pinapanood ka ikaw din ay papatnubayan ng langit, kaya lahat ng pagbabagong sisimulan mo ngayon ay siya na ngang matutupad at mananaig.  Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 2, 8, 26, 33, 40, 42.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Walang makagagapi sa iyo sa lahat ng mga pakikipagtunggali mo sa buhay. Dahil matutupad sa kapalaran mo ang sinasabing ang nagmamahal sa kapwa at sa pamilya ay ipagtatanggol mismo ng nasa itaas. Kaya anumang gawin mo sa ngayon ay tiyak na aani ng malalaking tagumpay.  Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero  4, 13, 25, 26, 31, 41.  

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Hindi nabubuhay ang tao sa tinapay lamang dahil kailangan din niya ang tubig na espiritwal. Lumayo ka muna sa ngayon sa mga bagay na ang katawan lamang ang nasisiyahan. Sa halip, magnilaynilay ka ngayon upang magkaroon ka ng peace of mind. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 36, 41, 43.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Naglalaro ang tubig at hangin sa ibabaw ng dagat. Maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa iyo sa panahong ito ng tag-ulan, dahil aktuwal na bibigyan ka ng mga biyaya at suwerte ng tubig at ihip ng hangin.  Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 19, 22, 34, 37, 41.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Kapag ang tao ay umaakyat walang pumipigil sa kanya. Ang mataas ay inaakyat. Kaya simulan mo nang akyatin ang iyong ambisyon at mga pangarap. Makaaasa ka na makakamit mo ito, dahil ang umaakyat ay nakararating sa ibabaw ay nasasarapan, Oo, ang umaakyat ay nakaaabot sa tuktok ng tagumpay at kaligayahan. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  3, 18, 24, 26, 35,  43.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Higit kang magiging mapalad sa araw na ito, dahil ang hindi mo hinihiling ay ipagkakaloob. At ang hinihiling mo ay pinagpasyahan din ng langit na ipagkaloob na rin sa iyo.  Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 9,  18, 19, 27, 33, 45.  

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Ang handang matalo ay mahilig sa sugal, hindi ka sugarol kaya nararapat lang na ang bawat kilos mo ay tiyak at sigurado. Bumuo ka muna ng solidong plano bago mo isagawa ang iyong proyekto, kapag ganyan ka tiyak na magtataunpay ka. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 5,  8, 19,  23, 37, 41.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Ang masarap na kuwentuhan ay mabisang panlaban sa kalungkutan. Mapapansin mo na maghahanap ka ng kakuwentuhan dahil kapag masaya ka sisigla ang iyong buhay. At kapag masigla ka,  maraming suwerte at magagandang kapalaran ang magsisidatingan.  Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 2, 16, 19, 27, 33, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20)  Kapag nalalagas ang mga dahon ng halaman, mga ilang araw lang ito ay pinapalitan ng kalikasan, kaya makikitang may mga panibagong dahon uli na nag uusbungan. Wag mong ikalungkot ang mga bagay na nawawala sa iyo dahil darating ang araw, papalitan ito ng langit ng mas magaganda pa, mas makulay at ng mga bagay na higit mong pakikinabangan. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  6, 14, 23, 32, 43, 45.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here