Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Hulyo 7, 2019

0
514
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Hulyo 7, 2019, Linggo – Kapos ka sa kilos kaya nasasayang ang mga magagandang oportunidad. Pero wag kang mag-alala, kung mahina man ang loob mo, ang langit ang kikilos para palakasin ng husto ang loob mo, kaya sa susunod na mga araw, makakamit mo na ang suwerte at magagandang kapalarang noon mo pa hinihintay. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 4, 11, 27,  28,  32, 44.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Suwerte ka ngayon. Wag ng mag-alinlangan, dahil hindi ito ang tamang araw para ikaw ay pagharian ng pagdududa. Kaya anumang maisip mo at mga proyektong gusto mong matupad, gawin mo na agad ngayon ng buo ang loob. Kapag nagawa mo ‘yan  maraming pang suwerte at marami pang tagumpay ang aanihin mo. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 9, 12, 25, 36, 41, 43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Kahit kailan, sa lahat ng panahon ang magagandang kapalaran ay nasa sa iyo at ang mga ito ay paulit-ulit na lalabas sa iyo kapag ikaw ay masaya. Kaya anumang hamon sa kapalaran ang dumating, wag kang magpapaapekto at hindi ka dapat malungkot.  Mapalad na kulay ang pink.  Masuwerteng numero 4, 14, 23, 28, 37, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Tama ang payo mo sa iyong sarili na manahimik na lang kahit pa kinukulit ka ng isang kaibigang marami ng nagawang pagkakamali sa iyo. Kapag hindi mo pinairal ang manahimik na lang, malamang na muli na naman kayong magkasamaan ng loob. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero  4, 17, 23, 26, 31, 41.  

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Tama ang iniisip mong mapaligaya ang mga mahal mo sa buhay, dahil may malaking epekto ito sa iyong kabuhayan at sa seguridad ng iyong kinabukasan. Lagi mong isipin paligayahin ang mga mahal mo sa buhay, sapagkat dito magsisimula ang iyong suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 16, 23, 26, 35,  43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Kapag sarado ang puso papangit ang kapalaran dahil hindi makakapasok ang mga mabubuting bagay. Buksan mo ang puso mong matagal ng nakasara upang pumasok ang suwerte at magandang kapalaran na magdudulot sa iyo upang ikaw ay habang buhay na lumigaya.  Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 3, 19, 21, 33, 37, 41.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Alam mo bang may kakayahan kang basahin ang laman ng isip ng iyong kaharap at ng mga taong iyong nakakausap? Kaya hindi pupuwedeng basta-basta ka na lang madadaya ng iyong kapwa. Lagi mong gamitin ang kakayahan mong ito upang tuloy-tuloy kang umunlad at umasenso. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 1,  8, 19,  20, 37, 40.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Bago pumasok sa bagong pagkakakitaan humingi ka muna ng opinyon sa mga taong dati mo ng pinakakatiwalaan. Sila ang magbibigay sa iyo ng tamang payo na magpapaunlad at magbibigay ng suwerte sa iyo ng suwerte habang buhay. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 7,  10, 19, 27, 43, 45.  

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Napansin mo bang kahit na ang sarili mo ay dinedebate mo? Maganda sana ang ganito kung magagawa mong lakipan ng mga pagkilos ang nakuha mong mga ideya na sa iyo mismong isip at pagaanalisa nanggaling. Kaya ano pa ang tinutunganga mo d’yan, kilos na ngayon! Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  2, 11, 24, 29, 37, 43.    

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Masaganang buhay ang inilalarawan ng araw na ito. Magsisimula na ang iyong kasaganaan at pagyaman, kaya upang magtuloy-tuloy ang suwerte at buenas,  hindi ka dapat mabuhay sa luho at sa pagasta sa mga bagay na wala namang kuwenta. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 9, 14, 18, 27, 33, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Mas mabuti ang hindi nakikialam sa anumang gulo. Wag makilahok sa pagpapayo sa mga taong matitigas ang ulo, makukunsume ka lang sa kanila. Ang asikasuhin mo ay ang sarili mong ambisyon, dahil sa ngayon malapit na malapit mo ng maabot ang tuktok ng tagumpay. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  6, 15, 33, 39, 43, 45.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Huwag mong talikuran ang iyong mga obligasyon sa iyong mga kaibigan. Pinasaya ka nila minsan at pasasayahin ka pa nila muli magpakailan man. Ang mga kaibigan ding ito ang magdadala sa iyo ng suwerte at magagandang kapalaran sa susunod na mga araw. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 2, 18, 28, 33, 40, 42.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20)  Huwag mong balewalain ang mga payo sa ‘yo ng mga malalapit sa puso mo. Alam nila ang iyong kalakasan at hindi lingid sa kanila ang mga kahinaan mo. Sa pagsunod sa kanila, mas maraming suwerte at magandang kapalaran ang masusungkit mo.  Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 7,  14,  26,  33, 34, 42.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here