Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Hulyo 6, 2020

Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Hulyo 6, 2020,  Lunes – Pag-asenso, ito ang kahulugan ng araw na ito para sa’yo. Magniningas ang hangarin mong umasenso nang umasenso hanggang sa maabot mo ang iyong mga ambisyon. At sa bandang huli hindi lang  ang ambisyon mo ang iyong maabot gagantimpalaan ka rin ng langit ng malaking pagyaman.  Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

ARIES  (Marso 21 – April 19)  Ito ang araw na may maghahanap sa iyo! At kahit na saan ka pa magtago tiyak na makikita at mahuhuli ka niya. Sa araw na ito, hahanapin ka ng suwerte at magagandang kapalaran at sa sandaling natagpuan ka, sila ay hindi na hihiwalay pa sa buhay mo. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero 7, 14, 23, 28, 34, at 43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Wag kang patatangay sa mga lungkot ng mga tao sa iyong paligid dahil ikaw ang kanilang pag-asa at sa ‘yo rin sila humuhugot ng lakas. Kaya ang kailangan ikaw ay laging matatag at masaya.  Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Pansamantala lang naman ang problema mo. May mga pagkakataon talagang naaantala ang iyong suwerte, pero bukas-makalawa, magugulat ka pa, muli na namang papabor sa ‘yo ang magagandang kapalarang hindi mo inaasahan. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.    

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Alisin mo ang iyong pagaalala na may kaugnayan sa iyong kinabukasan, dahil dapat na ang mag-alala para sa iyo ay ang kapalaran. Sapagkat bago ka pa isinilang inilista na ang pangalan mo sa aklat ng mga masusuwerte at mapapalad, kaya may nakaayos ng pangyayari sa iyong kinabuakasan – ito ay ang ikaw ay yayaman. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Wag mong panghinayangan ang mga nawala sa ‘yo. Sila dapat ang manghinayang dahil sa wala ka sa buhay nila. Magtatangka silang bumalik “pero ‘wag na!” Yan ang sabihin mo sa iyong sarili. Sa pagbabagong buhay na wala sila, mas madali mong maaakit ang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Ibasura mo ang mga taong naging sanhi ng iyong kalungkutan at maghanap ka ng mga bagong kaibigan. Gawin mo ito nang sa gayon ay magkaroon ka ng mga bago at mas magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Makipagkuwentuhan ka ngayon sa ilang malalapit sa ‘yo dahil mula sa kanila ay may makukuha kang pormula ng iyong tagumpay. Sundin mo ang mga ito ng letra-por-letra at makikita mo, ang suwerte at magagandang kapalaran ay isa-isa ng magdaratingan sa iyong harapan. Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Suriin mo ang iyong sarili. Baka sumosobra na ang iyong tiwala, at naiirita na sa iyo ang iyong mga kasama. Ito ang araw na kailangang magkuwanri kang mahina, upang hindi ka nila kainggitan at pagtangkaing ibagsak. Sa bagay, kahit mainggit pa sila ng mainggit sa ‘yo at tanggkain ka nilang ibagsak, mangapapahiya sila dahil patuloy kang aangat at tataas ng taaas ng napakataas hanggang sa hindi ka na nila maabot. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Hindi mapapansin ng mga tao ang ibat-ibang uri ng suwerte na darating sa iyong buhay. At dahil walang nakakapansin, manahimik ka lang dahil ito na ang panahon upang ikaw ay tuloy-tuloy na makaipon ng malalaking halaga hanggang sa tuluyang yumaman. Mapalad ang kay na lilac. Masuwerteng numero ang 3, 18, 27, 33, 36, 40.  

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Kakaibang lakas at kasiglahan na nakamamangha ang ipagkakaloob sa iyo ng langit sa araw na ito. Kaya anuman ang mga binabalak mong gawin ay tiyak na matatapos mo. Mananaig ka rin ngayon sa lahat ng kokontra at kakalaban sa ‘yo. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Limitahin mo pang lalo ang iyong mga pangarap, kung baga, unahin mo ang para sa ‘yo at wag nang isipin ang para sa iba nang sa gayon ay mapabilis ang iyong pag-unlad at ang tiyak na pagyaman.   Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.   

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Maganda ang pangako mo para sa iyong kinabukasan kaya lang ang hindi maganda sa ‘yo ay ang kapus na kapus ka sa pagkilos. Kumilos ka ng kumilos at sipagan mo pa, upang sa ganon paboran ka ng nasa itaas  at kapag pumabor sa iyo ang nasa itaas, siya mismo ang magbibigay sa ‘yo ng dagdag na suwerte at mas marami pang magagandang kapalaran.  Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here