Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Hulyo 4, 2020

Horoscope wheel chart
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Hulyo 4, 2020,  Sabado – Lubos kang pinagpala ng langit, dahil kung ano ang iyong pangarap, sa iyong buhay, iyon na mismo ang magaganap. At kung sakali mang may idadagdag ka pang pangarap mapapasa iyo pa rin ito. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.    

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ito ang araw kung kailan ay makakaranas ka ng biglaang pagdapo ng buenas. Ibahagi mo sa iba at magtira ka lang ng konti para sa ‘yo dahil marami pang mga suwerteng nakaalaan sa iyo ang paparating pa. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Kahanga-hanga ang iyong mataas na moralidad at ang iyong pagiging mabuting tao, pero ito ay inililiim mo lang. Dahil dito sasamahan at gagantimpalaan ka ng langit, bubuksan sa iyo ang pintuan ng pagpapala at mga suwerte anuman ang hilingin mo sa ngayon ay siguradong mangyayari at magkakatotoo. Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Wag kang mag-ingay sa ngayon sa mga plano mo sa buhay dahil baka may mauna pa sa ‘yo ng gawin ang napakagandang balak mo. At minsan naman ay kaiingitan ka pa kung sakali naman ipagiingay mo ang mga plano mo. Kaya ang dapat tahimik ka lang at kapag tahimik ka lang, ang tagumpay at malalaking suwerte ay lubusang mapapa sa ‘yo.  Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Ito ang araw na magkahalong saya at lungkot ang sasa iyo pero sandali lang ang lungkot dahil ang mananatili ay ang saya. Lagi kang magpasalamat sa nasa itaas, dahil ang saya na ipagkakaloob sa iyo ay may kasamang kakaibang suwerte at magagandang kapalarang hindi mo inaasahan. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Ito ang araw na dapat mong kilalaning mabuti ang mga kaibigan mo upang hindi ka maargabyado. Hindi lahat ng kaibigan ay mapagkakatiwalaan. Kung sino ang makauuanawa sa ‘yo, siya ang pagkatiwalaan mo. At ang mga nakikinabang lang sa ‘yo ay iwasan mo dahil hindi sila ang tunay na kaibigan mo. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Sa pagtingala mo sa kabundukan, sa tabing dagat at sa iba pang anyo ng kalikasan, karamihan sa mapagmamasdan mong mga bagay ay pawang naggagadahan, ito ay nagsasabing guguhit sa kapalaran mo ngayon at sa darating pang mga araw ang mga suwerte mo sa buhay na magdaratingan ng mabibilis at hindi mo inaasahan. Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Wag mong madaliin ang kursunda at mga pangarap mong mangyari, dahil sa pagmamadali minsan ang tama ay nagiging mali. Sa halip, sa painot-inot na pagsisikap, maaabot mo rin ang pagyaman at malaking tagumpay na noon mo pa inaasam-asam.  Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Hindi kayang dakutin ng kamay ang lahat ng bigas sa lalagyan. Kung ano lang ang kaya mong kunin sa ngayon, yon lang muna ang iyong hangarin at pangarapin at tiyak na ito ay mapapasaiyo.  Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Hindi pa hihinto ang pagdagsa sa buhay mo ng magagandang kapalaran. Ang masuwerteng balita ay nagsasabing aabot pa ang agos ng mga suwerte mo sa susunod na buwan ng Agosto hanggang Oktubre.  Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Ang matapang dapat hindi marahas. Matapang ka sa ngayon pero hindi porke matapang ka ay hindi mo na gagamtin ang isip at puso mo. Gamtin mo ang iyong isip at puso, kaya dapat wag mo namang labis na kawawain ang iyong mahal, dahil nahihirapan na siya sa kauutos mo.  Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.   

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Kailangan mo ang tulong ng Maykapal. Mamayang gabi ibulong mo sa iyong sarili hanggang makatulugan ang ganitong mantra, “Samahan mo ako Diyos kong mahal, sa lahat ng oras at sa lahat ng sandali ng aking buhay. Ipagkaloob mo ang lahat ng pagpapalang hinihingi ko upang kasabay nito patuloy akong tumulong at mag mahal sa aking kapwa Amen!” Kapag nagawa mo yan, maraming suwerte at mga pagpapala ang ibibigay sa iyo ng langit.”   Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Umaangat ang nasa ibaba, kaya aangat ka rin sa ngayon dahil nasa ibaba ka pa at papataas pa lamang. Higit kailanman, ang kailangan mo ay ang magpakumbaba, dahil nakatakda na ang magaganap, sobrang itataas ka ng langit, hindi lamang sa posisyon kundi pati na rin sa pagyaman at sa materyal na bagay. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here