Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Hulyo 30, 2019

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Hulyo 30, 2019, Martes – Mahirap tanggihan. Ito ang mangyayari sa iyo ngayon, kung saan, ito ang araw na dapat kang humiling ng mga nais mong mangyari sa buhay mo sa nasa itaas. Dahil mahirap kang tanggihan, kaya ang lahat ng hiling mo ay isa-isa ng ipagkakaloob ng langit. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

ARIES (Marso 21 – April 19) Maraming mamamangha sa iyong hindi matapos-tapos na suwerte. Upang lalo pa itong lumakas ang iyong kapangyarihan, magpunta ka sa Siyam o kaya’y Anim na simbahan sa Biyenres Santong ito, at magtulos ng kandila. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27, 31, 32, 44.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Itinalaga ka para sa paglilingkod sa iyong kapwa. May kalakakip na pangako ang banal mong misyong ito na nagsasabing ang mga suwerte at magagandang kapalaran ay lagi nang aagapay at gagabay sa iyo. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 2, 10, 16, 34, 37, 40.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Walang pag-iimbot na kabutihan ang dapat mong gawin sa araw na ito. Kapag nagawa mo yan, pagtulong sa kapwa na hindi naghihintay ng kapalit, tutulungan ka rin ng langit at ang lahat ng mga panalangin mo ay isa-isa ng matutupad at magkakatotoo. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6, 15, 19, 24, 37, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Wag mong takutin ang iyong sarili sa mga bagay na hindi pa nangyayari. Dahil ang pagaalinlangan at takot ay kaakibat ng kabiguan. Mula ngayon ang isipin mo lang ay ang magagandang bagay at pagkatapos kumilos ka ng kumilos. Makikita mo, kapag ganyan ang kondisyon ng iyong isipan, kusa ng mapapasaiyo ang lahat ng suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero 9, 14, 23, 27, 37, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Hahatakin ka na naaman ng iyong mga paa upang maglakwatsa. Kailangang pigilin mo ito, mas mainam na sa bahay ka lang kapiling ang minamahal mong pamilya. Sa ganyang paraan mare-recharge ang iyong suwerte at enerhiya. Sa susunod na mga araw mas maraming magagandang kapalaran ang kusang darating sa inyong tahanan. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 7, 19, 25, 26, 35, 43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Bagamat nagsasawa ka na sa mga kaibigan, wala kang magagawa dahil ang araw na ito ay itinakda para pagdaragdag ng mga bagong kaibigan na magbibgay sa iyo ng mga suwerte at magagandang kapalaran sa susundo na mga araw. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Hindi maganda ang hindi nakikinig sa opinyon ng kanyang kapwa. Ito ang araw na dapat na makinig ka sa mga payo at sinasabi sa iyo ng iyong mahal na kasuyo. Kapag sumunod ka sa kanya, lalong gaganda at mapapanuto ang kapalaran mo, lalo na sa salapi at aspetong pang pinansyal. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Ito ang araw na ipagkakaloob sa iyo ng langit ang lahat ng suwerteng matagal mo ng idinudulog at idinadalangin sa kanya. Kaya lang may kundisyon, dumalaw ka muna sa mga mahihirap at kapos palad, abutan mo sila ng konting tulong. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero 7, 14, 23, 34, 43, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Ito ang araw na sosopresahin ka ng langit. Yong mga bagay na hinihingi mo ay hindi mangyayari, bagkus ang mangyayari ay iyong mga bagay na hindi mo hinihingi subalit mas maraming biyaya at dobleng mga pagpapala ang mapapa sa iyo. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Hahanapin mo ang ligaya, pero hindi mo matatapuan. Hahanapin mo ang pag-unlad at yaman, pero hindi sa iyo ipagkakaloob. Hanapin mo muna sa puso mo ang pag-ibig at pagmamahal sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa at nangangailangan at ang lahat ng gusto mo ay agad-agad ng ipagkakaloob sa ‘yo. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Tag-ulan na, pero hindi naman mapupuno ng ulap at lungkot ang buhay mo sa ngayon basta ang mahalaga lagi ka lang ngumiti at maging palabati sa mga taong nakakasalubong mo sa daan. Sa ganyanbg paraan, anga raw na ito at ang susunod pang mga araw sa buhay mo ay mapupuno ng kakaibang mga suwerte at mga pagpapala. Mapalad ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Maling pagamit ng lakas ng loob ang binababala ng araw na ito. Hindi ka dapa manisi o mang-away, lalo na ang sinisisi at pinapagalitan mo ay ang mga taong bahagi din ng puso mo. Mas mainam kung iiwasan mo ng maging mainitin ang ulo, upagng ang suwerte at magandang kapalaran ay tuloy-tuloy na mapasa iyo. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3, 12, 17, 27, 34, 42.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here