Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Hulyo 3, 2020

Horoscope wheel chart
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Hulyo 3, 2020,  Biyernes – Dahan-dahan kang iaangat ng langit at ganon din dahan-dahang itataas ang iyong kapalaran patungo sa matayog na pag-unlad at pagsikat. Kaya dahan-dahan lang dahil kapag biglaan, ikaw ay magyayabang. Panatiliin ang pagiging mapagpakumbaba, upang ang suwerte ay mamalagi sa iyong buhay. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Kakaibang sigla ang madarama mo, na hindi mo matukoy kung bakit ganon na lang ang sigla mo. Ang tunay na dahilan mataas ang level ng iyong libido sa araw na ito, kaya bukod sa natural na suwerteng darapo sa iyo, may sarap at ligayang hatid pa ito na hindi mo maipaliwanag. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Hindi pupuwedeng hindi lumulubog ang araw sapagkat ito ay bahagi ng natural na kaayusan ng mundo. Ngunit alam mo ba ang binabadya nito? Tulad ng mangyayari sa iyong kapalaran, lulubog ang araw, kasama na rin nitong mawawala ang mabibigat mong mga problema at suliranin sa buhay, upang bukas makalawa sa pagbubukang liwayway puro suwerte na at magagandang kapalaran na ang iyong mararansan.  Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Kusang lumalago ang mga halaman sa panahon ng tag-ulan. Hintayin mo ang panahong ito sa iyong buhay, hindi ka dapat mainip at hindi ka dapat magmadali. Sapagkat itinakda na ng langit bago ka pa isilang, na tulad ng mga halaman, darating at darating din ang isang panahon sa iyong buhay na lalago ng lalago at magiging sobrang masagana at makapal ang iyong kabuhayan.  Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.   

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Mahirap ang walang matalik na kaibigan lalo na sa tulad mong mapagisa at tuktok sa trabaho. Kaya naman sa araw na ito pagkakalooban ka ng  kaibigang aalalay sa iyo. Ang kaibigan mo ring ito bukod sa makatutulong sa iyo ay tila isang anghel na hulog ng langit na magdadala sa iyo ng magandang kapalaran at masasayang karanasan.  Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Mahirap paniwalaan pero sa kagaya mong nagtataglay ng elementong apoy, maraming suwerte ang darapo sa iyong  katawan sa panahong ito papalapit nan g papalapit ang iyong kaarawan. At ang kinaganda pa nito, ang mga suwerteng ito at magagandang kapalaran kahit na pagpagin mo pa ng pagpagin, babalik at babalik pa rin ito, hanggang sa matamasa mo ang tunay na ligaya at wagas na pag-unlad. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22)  Wag kang maniwala sa sinasabi ng ilan na:  “Kapag gusto mo ay makukuha mo!” Marami na ang gumawa nito at sila ay nalungkot at nangabigo, dahil ang talagang dapat gawin ay magkaroon ka ng kongkretong plano kung paano mo makukuha ang iyong gusto. Ang mas tamang pormula na angkop sa iyo ay ganito: “Kapag ginusto mo at pinagplanuhan ito ay tiyak na mapapasaiyo! Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Mas malakas na pang-akit ang mga ngiti. Ngayon mapapatunayan mo ito dahil sa hindi mo sinasadyang pagngiti sa isang ‘di mo naman kakilala,  siya ay maaakit at mahahalina sa iyo, kasabay nito, hindi sinasadyang mangingitian mo rin ang tagapagbigay ng magandang kapalaran, kaya sa araw na ito, agad-agad kakaibang suwerte ang mapapasa iyo. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Sa paglabas mo ng bahay, masasagap mo ang pangit at magagandang kapalaran. Pero ang mabuting balita, saglit lang na mapupunta sa iyo ang mga negatibong kapalaran dahil aalis din ito agad, habang ang magagandang kapalaran na may kasamang malalaking suwerte at malalaking tagumpay ang higit na mananatili sa iyong buhay magpakailan man.  Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Masuwerte ka sa araw na ito! Ang iyong pangalan ay natagpuang nasa unahan ng listahan ng mga taong tatanggap ng mga biyaya at pagpapala na sa sobrang dami ay halos hindi mo kayang bilangin sa daliri ng iyong mga kamay at paa. Ngunit may kundisyon, ang kundisyon, kailangang maniwala ka at kailangang walang alinlangan na mananahan sa iyong isipan. Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) May darating sa iyo ngayong araw na ito na biyaya. Isang biyaya ng pagkakaibagan. Ang tanong ito ang magpapalakas sa iyo ng loob at magbibgay ng dagdag pang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na black. Masuwerte ang numerong 6, 15, 23, 24, 34, at 40..  

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18)  Madali kang maakit ng taong mabait dahil mabait ka rin. Kunsabagay maganda ang mabait kaysa sa kung makaporma ay talo pa ang artista. Panatiliin mo ang pagiging mabait dahil nakikita ng nasa itaas ang iyong kabaitan. Sa malapit na hinaharap gagantimpalaa ka ng langit, dagdag na suwerte at magagandang kapalaran ang bigla at patuloy mong matatanggap. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Kahit na magpilit ka ng magpilit, hindi talaga mapupunta ang isang bagay na hindi naman talaga para sa iyo. Ngunit ang mabuting balita, papalitan ng nasa itaas ang mga bagay na gusto mo na hindi napunta sa iyo ng mas marami, mas maganda at mas ikaliligaya mo. Ang mahalaga sa ngayon, wag kang kokontra at maniwala ka sa takdang kapalaran. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.   

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here