Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Hulyo 28, 2021

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Hulyo 28, 2021, Miyerkoles – Dahil kaarawan mo ngayon marami ang iyong mapapasaya ngayon dahil ang mga biyaya na mula sa langit ay ‘di pa tumitigil sa pagdating sa buhay mo. Ipagpatuloy ang ipinakapkitang pagmamahal sa kapwa upang lalo ka pang suwertehin at sumagana. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero  6, 17, 37, 39, 43, 45.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Iyong-iyo ang araw na ito. Ang tenga ng langit ay sa ‘yo nakatapat. Bawat kahilingan mo ay kagyat na bibigyang katuparan ng malubos ang iyong suwerte at kagalakan. Mapalad ang kulay na violet. Masuwerteng numero  9, 12, 18, 24, 31, 45.    

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)   Ito ang araw na kung kailan ay magsisimula ng umunlad ang iyong buhay at ito rin ang araw na ang kailangang makasanayan mo ay ang pagpapahalaga sa mga biyayang napapasa iyo. Mapalad na kulay ang magenta.  Masuwerteng numero 8, 16, 25, 36, 41, 43.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Kapag sobrang nagmamadali ka ngayon marami ang mga magagandang oportunidad na sa iyo ay makalalagpas. Kaya hinay-hinay lang at paganahin mo ang talas ng iyong pag-iisip. Mapalad na kulay ang beige. Masuwerteng numero  5, 16, 21, 23, 36, 44.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Bakit ba lagi mo na lang iniisip na magpakalayo? Sa bagay tama ang iyong pasya. Wala sa sinilangan mong bayan at wala sa kasalukuyan mong pamilya ang ligaya, at tagumpay. Kundi nasa malayong lugar na malapit sa tabing dagat. Mapalad na kulay ang lilac.  Masuwerteng numero  4, 16, 25, 33, 39, 43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Madarama mong huminto ang mundo mo. Gayunman, hindi sa hirap o sa mga problema kundi ikaw ay mananatiling nasa masarap na kalagayan ng iyong buhay. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero  2,  13,  19,  25, 33, 40.   

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22)  Ibinabalita ng araw na ito na lumalawak ang sarili mong mundo. Ibig sabihin ikaw ay aasenso. Darami rin ang mga kaibigan mo at ang iyong pinagkakakitaan ay papaunlad ng papaunlad. Mapalad na kulay ang silver.  Masuwerteng numero 5,15, 18, 23, 34, 43.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Hindi ka mauubusan ng mga mgagagandang ideya na pupuwedeng magpayaman sa iyo. Kahit na isa lang sa mga ito ay magawa mo, tiyak na yayaman ka. Mapalad na kulay ang burgundy. Masuwerteng numero 3, 6, 12, 21, 29, 33.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Kumilos ka na parang may hinahabol. Dapat ay mabilis ang iyong pag-galaw. Gagawin mo ito dahil maraming suwerte ang nagnanais na dumapo sa ‘yo kapag ikaw ay masiglang-masigla. Mapalad  ang kulay na maroon. Masuwerteng numero 2, 11, 17, 21, 32, 40.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Mapapansin mo ang mabagal na pagusad ng iyong buhay sa ngayon. Ang totoong dahilan ay nagsasabing nababawasan ang iyong kasiglahan dahil na rin sa nakukuntento ka sa yong masarap na buhay sa ngayon. Hindi ka dapat makuntento, kumilos ka ng kumilos hanggang sa umunlad pang lalo at yumaman. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 6, 15, 18, 22, 27, 36.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Kagulat-gulat ang malaon ng nakatakda sa iyong kapalaran. Sinasabing mabubuhay ka tulad ng isang hari na mapagbigay  at nagmamalasakit sa kanyang pinaghaharian. At ang magara dito, lalawak ang iyong kaharian dahil ikaw ay magiging isang Dakilang Negosyante na napakayaman. Mapalad na kulay ang ocher yellow. Masuwerteng numero 4, 7,  13, 17, 19, 28.  

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Malaki ngayon ang maitutulong sa ‘yo ng iyong pag-iisa o ng mga sandali na wala kang kasama dahil sa ganitong pagkakataon, makapagninilay ka sa personal mong sarili at makapagpaplano ka para sa iyong kinabukasan. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 5, 14, 18, 24, 27, 36.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Naguguluhan ang mga nasa paligid mo dahil paiba-iba ka ng isip. Nagtataka rin naman na sila na may kasamang paghanga dahil natsatsambahan mo kung ano ang tama at habang nagpapabago-bago ka ng isip ay lalo kang sinusuwerte at dinadatnan ng magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang aquamarine. Masuwerteng numero 1, 7, 19, 25, 33, 44

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here