Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Hulyo 27, 2021

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Hulyo 27, 2021, Martes – Dahil kaarawan mo ngayon, darating ang araw na aalis sa kanyang puwesto ang may mataas na posisyon at ikaw ang napipisil na ipapalit sa kanya. Tanggapin mo ang alok na posisyon, ito na ang panahon na magtutuloy-tuloy na ang bultong suwerte at mga pagpapala na noon pa sa iyo sadyang inilaan. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 7, 12, 19, 20, 25, 42.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Hindi masasayang ang mga hirap mo at pagsisikap. Bilang gantimpala, iaangat ang kalagayan mo at hahawak ka ng matataas na katungkulan. Noon pa man ay ganito na ang plano ng langit para sa iyo. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 6, 12, 15, 22, 34, 39.   

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)   Ganito ang ipinapagwa sa iyo ng langit. Dumikit ka sa mataas at ikaw din ay tataas. Dumikit ka sa mga masuwerte at ikaw din ay susuwertehin. Kung saan ka dumikit, ‘yon na mismo ang magiging kapalaran mo. Mapalad ang kulay na green. Masuwerteng numero  2, 11, 18, 27, 38, 43.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Ayaw mong ikaw ay inuutusan pero susunod ka rin naman at sa iyong pagtalima ay mauunawaan mong kailangan pa lang ikaw ay utusan para umunlad ang iyong kabuhayan at para gumanda ang iyong kinabukasan. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero 5, 16, 23, 35, 40, 44.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Pinapanday muna ang espada bago ito kuminang at tumalim. Natutulad sa senaryong ito ang iyong kapalaran, dadaanin ka muna sa manaka-nakang pagsubok at problema na sa sandaling nalagpasan mo ito at napaglabanan, tuloy-tuloy ka ng uunlad at magiging maligaya. Mapalad  ang kulay na violet. Masuwerteng numero 4, 13, 19, 21, 35, 42.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Muli mo na namang mapapatunayan na ang ganda ang iyong magiging puhunan upang umunlad at lumago ang inyong kabuhayan. At matagal ng ito ay nasasa iyom pagigihan mo lang na palaguin at gamitin. Kaya naman dahil sa iyong magandang itsura at pakiusap at magandang pakikitungo sa isang may mataas na posisyon, makatatanggap ka na naman ng dagdag na pagkakakitaan na maghahatid ng malaking buenas at suwerte sa larangan ng materyal na bagay. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 1,  4, 13, 19, 21, 32.  

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22)  Ito ang araw na dapat mo  ng kalimutan ang mga lumang bagay at mga dati ng pangyayari. Alisin mo ang mga abubot na nakakaistorbo lamang sa mga bagay na ginagawa mo, kasabay nito, dispatsahin mo na rin ang mga taong pampagulo lamang sa buhay mo. Hindi mo dapat sayangin ang mahahalagang sandal na dapat sana’y ikaliligaya mo. Gawin mo na ngayon! Mapalad na kulay ang burgundy. Masuwerteng numero 5, 7, 13, 22, 28, 43.   

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Masakit ang damdamin mo pero bakit kaya sa kabila ng lahat ay lihim na masaya ka pa rin? Nasanay ka na ba sa ganitong sitwasayon? Malamang, dahil noon pa ay hirap na ang loob mo. Kaya matapos kang masanay sa sama ng loob at hinanakit, walang magagawa ang nasa itaas, kundi ang pagkalooban ka na ng bulto-bultong suwerte at ligaya at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang aquamarine. Masuwerteng numero 1, 12, 24, 28, 30, 44.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Dumating na ang takdang araw na aangat ang puwesto mo dahil sa mga kahanga-hangang iyong ipinakita. Huwag mong kalimutan ang mga nakatulong sa iyo. Wag mo ring kalimutan na laging magpasalamat sa nasa itaas, sa bawat biyaya at pagpapalang iyong natatanggap.  Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero  5, 11, 18, 21, 32, 40.    

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Kung tutuusin ay kuntento ka na ngayon at wala ng hahanapin pa. Pero may dapat ka pang gawin, ang mag-ipon. Dapat mong paglaanan ang future at ito ay mapaglalaanan mo kapag ngayon pa lang ay magse-savings ka na ng magse-savings ng magse-savings. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 8, 11, 18, 25, 33, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Sumosobra ang tiwala mo sa iyong sarili at ang anumang sobra ay hindi maganda. Alalahanin mo ang iyong mga kabiguan at wag mong lunurin ang isip mo sa iyong mga naging tagumpay. Oo sa pagpapakumbaba, lalo kang pagpapalain ng langit, basta’t nagpakumbaba ka lamang, marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang darating. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 4, 8, 14, 22, 38, 40.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Hindi tao ang mismong hahamon sa kakayahan mo kundi ang mga pangyayari. Ang mga pangyayaring ito ay tila ba humahadlang sa iyong tuloy-tuloy na pag-unlad at pag-asenso. Magpatuloy ka lang at wag panghinaan ng loob, dahil ginagabayan ka ng langit, ito ang araw na magbabago ang sitwasyon papabor na uli sa iyo ang mga pangyayari, kaya naman ikaw ay tuloy-tuloy ng uunlad at susuweretehin. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero 1, 17, 20, 29, 33, 40.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Hindi lahat ay kabilang sa mga pangkariniwang nilalang, may mga tauhan, may mga tagasunod at may mga taga-utos. Ikaw ay isinilang na taga-utos, dahil ikaw ay hahawak ng mataas na posisyon, ikaw ang mamamahala at magkakaroon ka ng maraming mga tauhan. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero  2, 16, 19, 25, 34, 43. 42

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here