Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Hulyo 22, 2021

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Hulyo 22, 2021, Huwebes – Dahil kaarawan mo ngayon, wag ka nang malungkot at mag-alinlangan pa sa mga nangyayari sa iyong kapalaran sa ngayon, dahil inilagay ang pangalan mo sa listahan ng mga taong susuwertehin ng todo sa mga panahong ito na pumapasok na ang tag-ulan. At ang isa pang magandang balita ay nagsasabing hindi lang inilagay, bagkus  nasa unahan ang iyong pangalan sa listahan ng mga susuwertehin sa araw na ito. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 7, 11, 19, 26, 28, 42.   

ARIES  (Marso 21 – April 19) Magara ang ipinapagawa sa iyo ng langit sa panahong ito ng tag-ulan. Ganito ang pinapagawa sa iyo, kahit walang okasyon bigyan mo ng regalo ang taong minamahal mo. Ito ang magsisilbing susi para ang mga suwerteng gusto mo ay mapa sa kamay mo na ngayon. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 3, 18, 21, 24, 31, 40.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Ito ang araw na kung itutuon mo lang sa mga magagandang bagay ang iyong isipan at ang magiging kasunod nito ay ang malilimot mo na ang lahat ng iyong nakaraang sama ng loob dahil mapupuno ng ligaya ang iyong buong pagkatao sa araw na ito. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 5, 12, 17, 22, 28, 34.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Ganito ang sinasabi ng iyong kapalaran, kung sino ang nagmamahal sa yo siya ngayon ang magsisilbing pampasuwerte mo. Kaya kapag nagpakita sa yo ng pagmamahal ang ilang mga kaibigan mo  o kung sinoman sa mga kasamahaan mo, sila ang magiging dahilan ng buenas mo. Mapalad ang kulay na blue. Masuwerteng numero  5, 14, 18, 23, 34, 42.    

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Susuwertehin ka ngayon at ang suwerte mo ay susukatin sa lakas ng loob na iyong ipapakita. Kaya wag kang maduduwag ni panghihinaan ng loob at bawal din sa ‘yo ang mag-alinlangan. Go lang ng go hanggang magtagumpay. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 7, 16, 23, 25, 36, 43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Mapapansin mo sa iyong sarili na ang mga ngiti mo ay mas matamis at mas nakakaakit habang ang ganda mo naman ay patuloy na nagiging higit kaysa s iba. Ito ay mga palatandaan na ang mga araw na ito ay mabibilang sa mga araw na kung kailan ay sinusuwerte ka.  Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 1, 19, 28, 31, 37, 44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22)  Ikaw ngayon ang magsisilbing inspirasyon ng isa dyan na  biglang sumaya ng ikaw ay makilala. Dahil dito, magdaragsaan sa buhay mo at sa buhay niya ang magagandang bagay mula mismo sa kanya at mga suwerteng mula naman sa langit. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  1, 5, 17, 22, 26, 42.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Nasa pinakamataaas na antas ang iyong likas na gayuma sa ngayon. Pakaingat ka dahil kahit na ang mga wala ng karapatan ay iyo ring magagayuman. Maaakit mo rin ang mga magagandang kapalarang hindi naman dapat sa iyo mapunta kundi sa mga kasamahan at katabi mo. Kaya lang wala kang magagawa, dahil naakit at dumikit na nga sa iyong pagkatao ang mga suwerte nila. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero   6, 9, 12,  27, 38, 45.   

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Kung sawa ka na sa nangyayari sa buhay mo na walang pagbabago, baguhin mo ang ayos ng iyong bahay. Baguhin mo ang sala at ganon din ng iyong silid. Kahit ano pang pagbabago ang maisip mo, ayos na iyan ang mahalaga, may binago ka sa inyong bahay. Kapag nagawa mo yan, magsisimula ng mabago ang iyong karanasan, patungo sa tiyak na suwerte at pagtatamo ng magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero  1, 4, 8, 17, 22, 39.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Markado ang papel mo sa mundo. Kahit saan ka mapunta, ikaw ay makikitang may malaking papel sa buhay ng iyong mga nasa paligid. Magkagayunman ang tunay na nakamarka sa kapalaran mo ay ang salitang “pagsikat at pagyaman!” Mapalad ang kulay na violet. Masuwerteng numero 3, 6, 15, 18, 24, 33.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Mawawala ang lahat ng mga alalahanin mo ngayon dahil makikita ng langit na hindi puwedeng sobrang matagal kang tinatalo ng malalim na kalungkutan. Kasabay ng pagkawala ng kalungkutan, ang mga suwerte at magagandang kapalaran ay darating na rin sa iyo.  Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero  8, 14, 18, 31, 36, 43.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Ipinatag mo ang iyong sarili at wag kang mabahala dahil ang iyong tadhana ay kumikilos upang gumanda ang buhay mo. Ibig sabihin kusang inaalis ang mapapangit na kapalaran upang palitan ito ng suwerte at buenas sa darating na mga araw. Mapalad na kulay ang aquamarine. Masuwerteng numero 4, 17, 24,  28,  40, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Nagpasya ang langit na ang talagang kailangan mo ay ang maging maligaya sa pag-ibig at sa pamilya. Kaya ikonsidera mo ang ikaw ay magmahal at iprayoridad ang pamilya ng may makasalo ka sa iyong tagumpay at kaligayahan. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 2, 7, 13, 16, 25, 30.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here