Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Hulyo 21, 2019

0
464
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Hulyo 21, 2019, Linggo –  Mula sa malayo parang ibong mabilis na dadapo sa iyo ang suwerte na labis mong ikatutuwa. Hindi dapat na masayang ang mga ito tulad ng mga suwerte mong nawala na lang basta-basta. Ngayon ang araw upang anumang bagay ang dumating sa iyo, itago, mahalin at alagaan mo upang ito ay lalo pang dumami ng dumami at lumago. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37,

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ito ang araw na dapat mong linisin ang iyong alahas na ginto. Habang nililinis mo, sabihin mo kung ano ang gusto mong mangyari sa iyong buhay. Makikita mo, kung ano ang sinabi mo, iyon mismo ang matutupad at magkakatotoo. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Masarap ang magmahal at hindi sapat ang ilang hindi magagandang pangyayari para masabing hindi masarap ang magmahal. Sikapin mong maunawaan ito upang malubos ang iyong kasaganaan at tagumpay.  Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.    

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Bakit ka natatakot mag-abroad? Napansin mo bang kapag nag-iisa kang nagsisikap, lahat ay nakakaya mo kahit na ang mga bagay na sobrang hirap. Kaya kung halimbawa namang nasa  abroad ka na sa ngayon, itodo mo na ang pagsisikap, dahil sa panahon ngayon abot-kamay mo na ang tagumapay at malaking pag-unlad. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Maging mahinahon ka sa ngayon. May babala na muling magtatampo ang iyong kasuyo. Pero okey lang yon, pagdating ng hapon, dahil sa malaki takot niya sa iyo siya na ang unang makikipagbati. Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Tatag ng kalooban ang kailangan mo ngayon. Hindi puwedeng sumuko ka dahil bakit ka aatras sa laban gayong abot-kamay mo na ang tagumpay at malaking pag-unlad. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Maingay sa paglalaro ang mga bata. Pero kapag sila ay pinagmasdan, nagbibigay sila ng saya. Magbalik-tanaw ka sa panahon ng iyong kabataan ng sa ganon ay manariwa ang iyong sigla at kapalaran. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.   

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Bawal muna sa iyo ngayon ang makipagdebate at ang pagpapalitan ng opinyon ay iyo ring iwasan. Mas maganda kung tutukan mo ngayon ang ginagawa ng iyong kamay at isipan, dahil sa gawaing iyan malaking halaga ng salapi ang nakatakda mong kitain. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Tulad ng baboy na pinapakain ng masarap kahit walang ginagawa, ikaw din ay bibigyan ng langit ng masarap na buhay. Kahit wala kang ginagawa ang mga biyaya at pagpapala ay dating at dating pa rin sa iyo. Matuto kang laging  magpasalamat sa pamamagitan ng pagtulong sa mga mahihirap at sa mga kapos palad.   Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Hindi takot sa pawis at pagod ang masisipag at hindi rin sila namimili ng trabaho, kaya sila ay yumayaman at umaasenso. Doblehin mo pa ang pagsisikap mula ngayon, upang madoble rin ang iyong pag-asenso hanggang sa ikaw ay yumaman ng husto. Mapalad na kulay ang pink.  Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Malaki ang kikitain mo sa iyong negosyo. Pero ang tanong may negosyo ka ba? Kung wala magnegosyo ka at kung may roon na, tulad ng nasabi na, malaki ang kikitain mo sa iyong negosyo at pagnagkataon, limpak-limpak na salapi na naman ang mahahawakan mo. Ugaliin magtipid at magsavings upang magtuloy-tuloy na ang iyong pagyaman. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Kahit kailan hindi ka mabibigo sa pakikipaglaban sa mga hamon ng iyong buhay dahil ang panalo ay ipinangako na sa ‘yo ng iyong kapalaran mula ng ikaw ay isinilang. Kung nabibigo ka man minsan o kung bigo ka man sa ngayon, umasa kang ito ay pansamantala lamang. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Kung ano ang gusto mong sabihin, sabihin mo. Kung ano ang gusto mong mangyari, dasalin mo. Wag kang magpaligoy-ligoy, para hindi na malito sa iyo ang langit. At alam mo bang hindi rin nagpapaligoy-ligoy sa pagkakaloob ng mga biyaya ang langit. Kung direct to the point ka, direct to the point mo ring tatanggapin ang suwerte at magagandang kapalaran, ngayon na. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here