Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Hulyo 2, 2020

Horoscope wheel chart
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Hulyo 2, 2020,  Huwebes –  Hihintayin ka ng iyong kapalaran sa malayong lugar dahil naroon mismo at makakaharap mo ng personal ang iyong napakalaking suwerte sa larangan ng salapi at sa aspetong pang-emosyonal.  Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

ARIES  (Marso 21 – April 19)  Ito ang araw na malakas ka sa itaas. Ibig sabihin puwede kang humiling ng kahit na ano. Puwede rin ang mga imposible at ang mga mahihirap mangyari ang hilingin mo at malamang na magkatotoo. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Minsan ang kabiguan ay baitang din papunta sa tagumpay. Ganyan din ang magaganap sa iyong karanasan, ang mga kabiguang noong nagdaang mga panahon ang siyang magiging hagdan mo patungo sa tiyak na tagumpay at mga pag-asenso sa buhay lalo na sa larangan ng materyal na bagay.  Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Ito ang araw na hindi mo dapat sundin ang iniuutos ng iyong isipan. Sa halip, manalig ka sa iyong “intuition” kapag ang iyong kutob ang iyong pinanaligan, tiyak na ang tagumpay at wagas na kaligayahan. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Hangga’t maaari wag mong hayaang madikit ang iyong balat sa kahit na sino maliban lang sa iyong mahal. Dahil ang madikit sa ‘yo ay magagayuma mo. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.   

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Ito ang araw na tatalunin ng malinis at dalisay mong pagkatao ang anumang banta ng tukso sa iyong buhay ngayon. Panatiliin mo ang iyong katapatan sa iyong sarili. Sa ganyang paraan mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa iyo. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22)  Sa pagnenegosyo ka titiba at tatabo ng malalaking halaga. Kaya ang payo sa ‘yo ng kalangitan, magnegsoyo ka. Sa pagnenegosyo ka mabilis na uunlad hanggang sa tuluyang yumaman. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.    

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Ito ang araw na dapat kang magtiwala sa iyong sarili. Dahil sa sandaling nabuo ang tiwala mo sa iyong sariling kakayahan, ang lahat ng suwerte at magagandang kapalaran ay isa-isa ng ipagkakaloob sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Sisirain mo ngayon ang mga makaluma at sinaunang prinsipyo ng buhay. Ibig sabihin, ang iyong susundin ay ang mga makabagong pananaw at ideya. Gawin mo, dahil ito ang susi sa iyong pag-unlad at wagas na kaligayahan. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Kung sino ang malakas siya ang mananaig, kaya magpalakas ka ng magpalakas. Kapag lumakas ka na ng todo, ikaw na ang tiyak na manaig hanggang sa makamit mo na ang malaon mo ng pangarap na yumaman ng mayamang-mayaman. Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Isa lang ang susi ng iyong tagumpay at kaligayahan, pagpupumilit. Kapag ikaw ay naging mapagpumilit makukuha mo ang lahat ng iyong gusto sa buhay basta’t ito ay lagi mong ipagpipilitan. Kaya nga kapag pinagpilitan mo ang pagyaman, walang duda, yayaman ka.   Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18)  Kung ano ang idikta ng puso mo, iyon mismo ang iyong susundin. Kaya ang mga kapamilya at ilang mga kaibigan mo ay hindi ka mauunawaan hindi kasi nila maunawaan at hindi nila batid ang tunay na laman ng puso mo.   Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Tanggapin mo ang mga mungkahi na ipinaabot sa ‘yo. Hindi puwede na ikaw na mismo ang magpasya at hindi ka makikinig sa mga opinyo ng iba, dahil kapag ganyan ka malamang na mapahamak ka. Sa pagsunod sa mga mungkahi at opinyon ng iba, mas malaking suwwerte at magagandang kapalaran ang iyong makukuha. Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here