Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Hulyo 16, 2020

Horoscope wheel chart
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Hulyo 16, 2020,  Huwebes  – Taglay mo ang malikhaing kaisipan at taglay mo rin ang pagnanasa na makarating sa malalayong lugar. Kaya ikaw ay itinalaga ng langit upang makapag-abroad na iyong ikayayaman.  Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero  5, 9,  25, 34, 41, 44.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Hindi mo dapat sayangin ang mga biyayang magaang na dumarating sa iyong mga kamay. Kapag naging masinop ka at mapagpahalaga sa mga nasa sa iyo na, magkakaroon ka ng siguridad para sa iyong kinabukasan at para na rin sa seguridad ng iyong pamilya.  Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero  6, 18, 21, 27, 33, 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Kailangan mo ng saya. Kaya anumang ang tinatrabaho mo ngayon kailangang maging masaya ka. Nanonood sa iyo ang nasa itaas, kapag ginagawa mo ang mga bagay na may saya, pagkakaloob ka ng langit ng mas maraming suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  2, 10,  20, 29,  31, 44. 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Sa ibayong dagat o sa pag-aabroad mas madali mong matutulungan ang mga mahal mo sa buhay at ito rin ang paraan upang matupad mo ang iyong mga pangarap. Mapalad na kulay ang old rose.  Masuwerteng numero 1,  7, 16, 29, 37, 41.  

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Mula sa malayong lugar may darating sa iyo, dala niya ang susi upang ikaw ay lalo pang umunlad at magtagumpay. Wag na wag kang tatanggi sa iaalok niya, dahil pagkakataon mo ng umunlad at yumaman. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  3, 12, 24, 27, 30, 45.   

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Sa isang pagtitipon may isang tao na matagal mong hindi nakita ang muli mong makikita. Pagsikapan mong kontrolin ang iyong damdamin, at mag-ingat na baka madala ka sa mga sulsol at tukso ng iyong mga kasama. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero   7, 16, 25,  36,  37, 42.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Magiging palakuwento ka at mawiwili sa pagbahagi ng iyong karunungan. Kaya lang bihira sa mga kuwento mo at kaalaman ang mauunawaan at masasakyan ng iyong kausap. Magkaganonman ang mga maririnig sa iyo ay sobrang makamamangha at magpapasaya sa kanila.  Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 2, 11,  26, 32, 41, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Magiging palahanap ka ngayon at para bang madali mong mapansin ang pagkukulang ng mga nasa paligid mo. Mas mabuting sarilinin mo na lang ang iyong mga napupuna, upang wala kang makasamaan ng loob. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 5, 8,  23, 32, 35, 41.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Tagapayo! Ito ngayon ang magiging papel mo sa mundo. Pero hindi alam ng mga pinapayuhan mo na ikaw din ay nangangailangan ng sariling tagapayo. Isang Cancer o kaya’y isang Taurus ang maaasahan mo sa anumang problemang nais mong ihingi ng mahusay na advice.  Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 7, 19, 26, 27, 35, 41.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Ang ibang tao ay nag-iisip ng matatayog at matataas na pangarap ngunit hindi naman nila ito nakakamit. Ang sa iyo ay sadyang kakaiba, idinisenyo na ng langit na maabot mo ang mataas at maluluho mong mga pangarap. Kaya naman panahon na upang mangarap at mag-ambisyon ka na ngayon ng matayog at mataas na talaga tutal naman siguradong ito ay mapapa sa iyo at maaabot mo.  Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 9, 12, 21, 33, 43, 45. 

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Suwerte ka ngayon! Sino naman ang mamalasin? E di sino pa, kundi sila na pumapangit ang buhay na nagsikontra at kumalaban sa iyo. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 4, 10, 22, 28, 34, 40.  

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Dapat panatag ang kalooban mo sa ngayon. Dahil may nag-aabang na suwerte sa iyo na darapo sa katawan mo kapag payapa ang iyong isip at damdamin. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  1, 13, 28, 31, 40, 44.    

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Sa kabila ng marami kang ginagawa pagtuunan mo pa rin ng pansin ang iyong kalusugan. Alalahanin mong ang malusog na pangatatawan at maraming pera ang tatawaging tunay na masuwerte at matagumpay. Panatiiin at pilitin mo na maging ganon ka!  Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  9, 15, 21, 23, 34, 42.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here