Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Hulyo 15, 2019

0
470
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Hulyo 15, 2019, Lunes –  Nagbabalita ang araw na ito na bukas ang bintana ng langit para sa iyo. Ito rin ang araw na ang nawala sa iyo ay mapapalitan ng marami at mas malalaking mga bagay. Bilang pasasalamat sa panig mo dalawin mo silang mga mahihirap at kapos palad na wala ng maaasayahan pa sa buhay. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.    

ARIES  (Marso 21 – April 19) Mababawasan ang iyong saya dahil matututok ang pansin mo sa isang kakilala na maraming problema. Alalayan mo siya sa abot ng iyong makakaya, dahil habang umaalalay ka sa mga taong namomoblema tuloy-tuloy kang pagkakalooban ng langit ng mga biyaya at mga pagpapala. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Kung magsuot ay simple lang, pero siya ay mayaman. Kung magsalita ay matipid, pero siya ay maraming nalalaman. Ito ang pang-unang impormasyon tungkol sa isang taong padala ng langit na maghahatid sa iyo ng magandang kapalaran. Nasa sa iyo ang pagpapasya kung siya ay gugustuhin mo at tatanggapin sa iyong buhay. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Magliliwanag ang iyong paligid ngayon. Ang liwanag na ito ay padala ng langit na nagsasabing, malulutas na ang lahat ng iyong mga problema na may kaugnayan sa salapi at pag-ibig. Pagkatapos na malutas ang mga suliranin, marami pang mga sobra at bonus na matitikman. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Hinihintay ng isang kaibigan ang iyong pangako sa kanya. Hindi siya dapat mabigo dahil siya ang nakakubling anghel na ipadala ng langit para sa ‘yo upang gabayan ka, tulungan at alalayan ka habang buhay. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Suwerte ka ngayon, kaya dapat lalong mag-ingat ang inggit na sa iyo dati pa dahil hindi nila maubos maisip kung bakit ang suwerteng gusto nila ay sa iyo napupunta. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Masaya ka ngayon na para bang hindi ka malulungkot. Ibahagi mo ang iyong ligaya sa mga malalapit sa iyong puso. Kailangana mo sila at sila ang tutulong sa iyo sa mga panahong nagigipit ka. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Ito ang araw na inaanyayahan ka ng kapalaran na makibahagi ka sa paglilinis at pagpapaganda ng iyong bahay. Alisin ang mga luma at sira-sira ng bagay at palitan ng bago. Kapag nagawa mo, makaaasa ka na ang mga magagandang kapalaran ay mabilis na mapapa sa iyo. Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Ngayon ay masaya ka, ngayon ay malakas ka, pero paano na bukas? Ngayon pa lang, bawasan ang iyong sipag at pagpapagod. Oo mahalaga ang yaman dito sa mundo pero ang higit na mas importante ay ang wala kang sakit na sisingil at magpapahirap sa iyo. Ngayon pa lang alagaan mo na ang iyong sarili at bigyang pansin ang malusog na pamumuhay.  Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 41.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Malalayong lugar ang iyong mapupuntahan. Iba’t-ibang bansa rin ang iyong mararating. Huwag mong sayangin ang mga pagkakataon, dapat ay makapagpundar ka at makapag-savings para sa iyong kinabukasan.  Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Huwaran sa kasipagan at pagsisikap. Ito ang angkin mong taglay, kaya hindi ka man hinahangaan ng mga tao dahil hindi naman nila ito gaanong  nalalaman, wag kang malungkot dahil hinahanggan ka naman ng nasa itaas. Dahil dito, may dagdag na namang bagong suwerte at  magagandang kapalarang darating sa iyo ng hindi mo inaasahan.  Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero 8, 17, 26,  38,  41, 44.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Hindi isang laro ang buhay! Maging seryoso ka upang seryosong kapalaran at seryosong tao rin ang mapunta sa iyo. Ang mga mahaharot, palabiro at mga saya lang ang gusto sa buhay ay layuan mo agad, dahil darating ang araw lalaruin din sila ng kapalaran. Mapalad na kulay ang pink.  Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20)  Kung sa iba ay paisa-isang biyaya lang ang natatanggap sa iyo ay laging doble o bulto. Ganon din ang suwerteng  darating sa iyo, hindi lang marami – parami pa ng parami bawat araw. Upang magpatuloy ang ganoong buhos ng iyong magandang kapalaran, lalo na’t sa panahong ito ng tag-ulan, wag mag-alinlangang ibahagi sa iba ang sobra mong suwerteng natatanggap.  Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 5, 14, 27, 28, 32, 41.  

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here