Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Hulyo 14, 2019

0
712
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Hulyo 14, 2019, Linggo  –  Nakaabang lagi sa iyo ang suwerte at masaganang pamumuhay, kaya anuman ang gawin mo hindi ka dapat masiraan ng loob. Sapagkat bago ka pa isinilang ang buenas lalo na sa salapi at materyal na bagay ay sadyang noon pa inilaan sa iyo. Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 23, 27, 32, 45.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Lalapit mismo sa ‘yo ngayon ang suwerte mo. Aktuwal na makakatabi mo at makakausap ang taong panggagalingan ng iyong magagandang kapalaran. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 2, 16, 19, 27, 33, 43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Iiral na naman ang iyong pagaalinlangan sa pagpapaunlad ng iyong kabuhayan. Kaya ang payo ay ikilos mo ang iyong mga kamay at bawasan ang pagupo-upo at pag iisip ng kung ano-ano. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 3, 12, 27,  30,  32, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Madarama ngayon ng iyong buong pamilya ang iyong pagmamalasakit sa kanila. Dahil dito ay lalo ka nilang mamahalin at pahahalagahan. Kasabay nito ang langit naman ay gagantimpalaan ka ng mga biyayang may kaugnayan sa materyal na bagay. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 7,  14,  17, 26,  34, 42.   

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Bawal na bawal  sa ‘yo ngayon ang tumitig sa mata ng iyong kaharap dahil mababae man o maging lalaki ang iyong matitigan ay siguradong maaakit at magkakagusto sa iyo. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  3, 18, 24, 26, 35,  43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Maaawa ka sa isang kaibigan pero sasabihin ng mga nasa paligid mo ay ikaw ang dapat na kaawaan, ngunit ang totoo masaya ka sa kasalukuyan mong buhay kahit marami kang problema. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  2, 11, 25, 28, 37, 43.    

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Hindi ka dapat patangay sa katamaran. Kaya ang mga tagumpay na sumaiyo ay dagdagan mo pa ng maraming tagumpay. Makaaasa ka na hindi mauubos at may mga magagandang kapalaran pang sadyang nakalaan sa iyo.  Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 36, 41, 43.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Tatalunin ka ngayon ng awa, pero hindi dapat na ang iyong awa ay makabawas sa materyal na bagay na nasa sa iyo na. Kumbaga maaawa ka sa iba, pero kailangan ding maawa ka sa iyong sarili.  Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 5,  8, 19,  23, 37, 41.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Masarap mabuhay kapag ang damdamin ay malaya. Kaya palayain mo ngayon ang iyong emosyon, sa sama ng loob at hinanakit sa kapawa. Kumbaga huwag mong pahirapan ang iyong sarili sa pagkukunwari. Mamasyal ka at gawin mong lahat ng gusto mong gawin na ikasasaya mo. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 2, 8, 26, 33, 40, 42.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Tutulungan mo ang mga  mas mababa ang kalagayan kaysa sa iyo. Dahil dito gagantimpalaan ka ng langit at ang iyong pangalan ay ilalagay sa unahan ng mga pagkakalooban ng sandamakmak na suwerte. Mapalad na kulay ang pink.  Masuwerteng numero  9, 12, 23, 27, 37, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Iyong-iyo ang araw na ito. Nakita ng langit na walang sapat na dahilan ang mga naiinggit lang sa iyo. Kaya binawasan sila ng suwerte, inilipat at idinagdag sa iyo. Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 7, 16, 25, 27, 37, 43.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Suwerte ka ngayon kaya lang may kundisyon na nagsasabing muli mong tulungan ang isang kaibigang minsan ng lumapit sa iyo pero hindi nakabayad. Sa pagtulong sa kapwa ng walang hinihintay na kapalit marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang iyong aanihin. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  6, 14, 23, 32, 43, 45.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20)  Medyo pinanghihinaan ka ng loob sa ngayon, subalit magbabalik sa alaala mo ang masasayang karanasan. Ang mga ito ang magpapalakas ng iyong loob at magpapasigla sa iyo. Habang masigla ka at malakas ang loob, maraming suwerte at magagandang kapalaran ang iyong matatanggap. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 19, 22, 34, 37, 41.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here