Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Hulyo 13, 2020

Horoscope wheel chart
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Hulyo 13, 2020,  Lunes  – Lunes ngayon, kaya ibinabalita ng araw na ito na iiwanan mo ng milya-milya ang iyong mga kasabayan dahil ang langit mismo ang kikilos para maabot mo ang lahat ng matatayog mong mga pangarap, kabilang na rin ang pag-unlad ng kabuhayan hanggang sa ikaw ay yumaman. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Hindi biglaan ang pagbabago kaya wag kang masyadong mainip. Dahil kumukuha pa ng malakas na buelo ang langit upang bigyan ka ng isang napakagandang kapalaran. Matapos ang malakas na buwelo, ang lahat ng suwerte at buenas ay isa-isa ng mapapa sa iyo. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.   

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Hindi mo ba napapansin na walang direksyon ang mga kilos mo? Oo sasaya ka pero sa huli maiisip mp na hindi sapat ang iyong mga naranasan para sa hinahanap mong ligaya at pag-unlad ng kabuhayan. Kaya ang dapat lagyan mo ng layunin at direksyon ang anumang gagawin mo sa buhay, sa ganyang paraan ka liligaya at tuloy-tuloy na yayaman. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.    

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Huwag kang patalo sa kalungkutan. Kailangang maging masaya ka. dahil kapag masaya ka ang mga magagandang kapalaran ay maglalapitan sa iyo. Mamasyal ka at puwede ring makipagkuwentuhan sa mga kaibigan mong mahilig sa tsikahan. Kapag ganyan ka, masaya, marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang magdaratingan sa iyong harapan. Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Kapag nanalig ka sa lakas ng loob at tiwala sa iyong sarili, kahit anong mga pagsubok ay tiyak na iyong malalagpasan. Kaya dapat lakasan mong lagi ang iyong loob at manalig ka sa iyong kakayahan. Hindi mo lang malalagpasan ang mga pagsubok, ang suwerte at magagandang kapalaran ay agad-agad ding magdaratingan sa iyong buhay. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Huwag mong hayaan na maghari muli sa ‘yo ang mga hindi magagandang katangian mo tulad ng galit at pagkainis, na nagpapapangit lang sa iyo. Dahil ngayon dapat feeling maganda ka, dahil sa araw na ito, naglalakbay ka sa landas ng buhay mo papunta sa ganap na pag-asenso at tuluyang pagyaman. Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Ito ang pinapagawa sa iyo ng mga bituin, sa harap ng salamin ay araw-araw ibulong mo na gumaganda ang kapalaran mo at  gumaganda nga. Kung ano ang ilagay mo sa isip mo, yan mismo ang mangyayari sa ‘yo. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Gumaganda ang personalidad at kapalaran ng mga taong in love. Tandaan mo ang salitang “in love!”  Tulad mo, mababago na ngayon ang mga kilos mo at pananalita dahil ang pag-ibig ay maghahari sa ‘yo mismo. At habang naghahari ang pag-ibig mas maraming sarap, buenas at suwerte ang isa-isa ng magdaratingan sa iyong harapan. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Marami ang nagtatangkang pumasok sa negosyo at sila ay napabilang sa mga bumagsak ang kabuhayan. Hindi mangyayari sa ‘yo ang pagkalugi dahil mula pa lang ng ikaw ay isinilang ang iyong pangalan ay nakalista na sa mga mga taong yayaman sa pagneneosyo. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Patuloy kang tatanggap sa langit ng magagandang kapalaran hindi dahil ginusto mo, kundi dahil sa kasalukuyan ay likas kang suwerte at patuloy ka pang inaangat ng tadhana sa matataas na bagay na inaambisyo at pinapangarap mo, kung saan, ang lahat ng ito ay suwabeng-suwabeng mapapa sa iyo. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19)  Walang imposible sa taong determinado. At walang kabiguan sa taong buo ang loob. Kaya dapat ay determinado ka at buo ang iyong loob. Higit kailaman ngayon mo ipakita na ikaw ay determinado na umunlad at yumaman. Kapag gayan ka, ang langit, mismo ang magkakaloob sa iyo ng isang marangya at napakayaman na pamumuhay. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Maaga kang bumangon at bumili ng iyong pampasuwerte at dapat ay ngayon na dahil ang araw na ito ay sadyang at lubhang mapalad para sa iyo para sa mga bagay na may kaugnayan sa mga pagpasuwerte at pang higop ng magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Lahat ay napapagaling ng panahon. Ang lungkot mo ay papawiin din ng panahon. Umasa ka dahil darating ang sandali na malilimutan mo ang iyong masakit na kabiguan. At sa sandaling gumaling na ang iyong kalungkutan, isa-isa ng magdaratingan ang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here