Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Hulyo 13, 2019

0
612
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Hulyo 13, 2019, Sabado  –  Ito ang araw para sa ‘yo upang bumuo ng mga bagong pangarap. Makaaasa ka na ang lahat ng bubuuin mong mga bagong pangarap ay isa-isang matutupad at magkakatotoo. Mapalad na kulay ang pink.  Masuwerteng numero 6, 12, 23, 27, 37, 45.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Bakas sa mukha mo ang lungkot, kaya magpapadala ang langit ng magpapasaya sa iyo. Dadalan ka ng langit ng maraming salapi, at ikaliligaya ng iyong puso. Sa sandaling ito ay natanggap mo, agad magpasalamat sa Maykapal at kung may sosobra sa mga biyayang natanggap agad itong ipamahagi sa iba. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 2, 16, 19, 27, 33, 43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Talasan mo ang iyong pakiramdam hindi dahil sa mga lihim na kaaway kundi dahil may ilang suwerteng mabilis na guguhit sa iyong kapalaran at ito ay kailangang mong madakma agad-agad bago tuluyang lumipas at maglaho sa kawalan.  Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  3, 18, 24, 26, 35,  43

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Magugulat ka dahil magkakamali ka at biglang mawawala ang iyong talino. Pero wag kang mag-alala, sa mga pagkakamali marami kang matutunan na pakikinabangan mo sa ibang mga araw.  Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 7,  14,  17, 26,  34, 42.   

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Lakasan mo ang iyong loob. Mag-abroad ka. Sa malayong lupain, ikaw ay yayaman ng husto. Samantalang dito sa bayan mo ang mga hirap ay hindi matapos-tapos at kahit sumikat pa ng sumikat ang araw, tuli ang buhay mo ay laging makulimlim at maulap. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 3, 12, 27,  30,  32, 44.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) )  Panghihimasukan na naman ng iba ang iyong diskarte kaya magugulo ang hanay ng iyong mga dapat isakatuparan. Wag kang pumayag sa mga nakikisawsaw sa iyong desisyon at gawain. Higit kang susuwertehin at magkakaroon ng magandang kapalaran kung ang sarili mong pasya at kagustuhan ang masusunod. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 9,  18, 19, 27, 33, 45.   

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Hindi dapat makasingit sa isip mo ang mga pangit na nangyari sa iyong buhay. Mas maganda na alalahanin mo ang iyong mga napagtagumpayan pagsubok. Kapag ang mga tagumpay at masasayang nakaraan ang inalala mo, kasunod na nito ang pagdating ng suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  2, 11, 25, 28, 37, 43.    

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Suwerte ka ngayon. Sino naman ang malas? Walang iba kundi ang nagsamantala sa kabutihan mo. Sila ay sabay-sabay na magmumukhang kaawa-awa at matatagalan bago sila muling makaahon sa lusak ng kahirapan.  Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero  4, 13, 25, 26, 31, 41.  

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Disiplina. Ito ngayon ang kailangang maipatupad mo sa iyong mga nasasakupan, sa negosyo, sa kalakal at kung saan man upang mas mabilis na umunlad ang iyong kabuhayan. Disiplina rin ang kailangan ng sarili mo upang mapanatili mo ang iyong kalusugan at mabuhay ka ng mahaba at maligaya. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  6, 14, 23, 32, 43, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Itago mo ang pagiging masungit mo, dahil ang mga suwerte at magagandang kapalaran ay mapapasa iyo kapag ikaw palakaibigan, masiyahin at laging naka-smile. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 2, 8, 26, 33, 40, 42.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Wag mong pansinin ang nagsasabing ikaw ay kuripot. Ang mahalaga, nabibili at napupuntahan mo ang mga bagay na gusto mong bilin at puntahan. Sa panahong ito ng summer vacation, muli kayong mamasyal ng mga mahal mo sa buhay, habang ang mga umiintriga sa iyo ay hayaan mong manggalaiti sa inggit. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 36, 41, 43.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Padadlan ka ngayon ng langit ng isang nilalang na magpapalakas sa iyo ng loob upang maituloy mo na ang iyong mga balak at ang mga pangarap mong gawin. Kaya hindi ka puwedeng magdahilan ngayon ng nanghihinaan ka ng loob at natatakot. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 5,  8, 19,  23, 37, 41.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20)  Bawal sa ‘yo ngayon ang magdalawang isip sa kung ano ang gusto mong gawin. Mas maganda na kung ano ang unang pumasok sa iyong isip at kung ano ang una mong nagustuhan, yon mismo ang gawin mo agad. Kapag nagawa mo yan ang tagumpay at magandang kapalaran ay madali nang mapapasa iyo.  Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 19, 22, 34, 37, 41.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here