Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Hulyo 12, 2019

0
431
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Hulyo 12, 2019, Biyernes –  Maaakit mo ngayong araw na ito ang suwerte at magagandang kapalaran dahil sa iyong tahimik at kakaibang personalidad. Kasabay nito gagarantiyahan ka ng langit na ang lahat ng suwerte at magagandang kapalaran na naakit mo ay mananatili na sa iyo nang panghabang buhay. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 9,  18, 19, 27, 33, 45.  

ARIES  (Marso 21 – April 19) Pagpapayaman ang dapat mong asikasuhin at wala ng iba. Kaya nga alalahanin mong pag-aaksaya lang ng mahalagang oras ang mahabang pakikipagkuwentuhan at pagbababad sa social media. Ang dapat, tutukan ay kung paano pararamihin ang iyong pera, kapag natutukan mo na, bigla at mabilis kang yayaman. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 3, 12, 27,  30,  32, 44.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Mainitin ang ulo mo ngayon. Madali kang mainis. Dapat may ilang sandali na ikaw ay nag-iisa sa isang lugar na malapit sa nature na ang hangin ay malayang dumadantay sa iyong mga balat. Kapag nagawa mo yan, mawawala ang init ng iyong ulo at ang maalinsangang pakiramdam at mapapalitan ito ng kakaibang sigla na aakit  ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 2, 8, 26, 33, 40, 42.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Ituon ang atensyon sa mga gawaing noon mo pa gustong-gustong simulan na may kaugnayan sa pagpapalago ng kabuhayan. Kaya sa panahong iyo, hindi mo dapat bigyang pansin ang paninira at intrigang ginagawa sa iyo ng mga taong dati ng may lihim na inggit sa iyo. Kapag nakatuon na ng todo ang iyong atensyon at konsentrasyon sa mga bagay na pagkakaperahan madali ka ng yayaman. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  3, 18, 24, 26, 35,  43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Mali ka kapag iniisip mong wala ka ng pag-asang yumaman.  Ang totoo kulang ka lang sa lakas ng loob at pagtawag sa nasa itaas. Ngayong araw na ito, magtiwala ka sa sarili mo at sa Maykapal, nagpasya na ang langit na ipagkaloob sa iyo ang lahat ng bagay na noon mo pa hinihiling. Kaya wala kang dapat gawin sa ngayon kundi ang manalangin, humiling at maghintay. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 19, 22, 34, 37, 41.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Mawawala na ang sama ng iyong loob dahil malalaman mong nanananatili ka pa lang mahalaga sa mga taong akala mo ay hindi ka gaanong pinapansin. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero  4, 13, 25, 26, 31, 41.  

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) “Paramihin”, ibig sabihin ay wag na wag mong gagastusin. Kapag ganyang pormula ang ginawa mo sa bawat piso na iyong kinikita, ang paramihin mo ito ng paramihin sa halip na gastusin, mga isa dalawa o tatlong taon pa mula ngayon, mararamdamamn mong yumayaman ka na at payaman pa ng payaman.  Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 7,  14,  17, 26,  34, 42.   

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Naiinip ka ba, iiniisip mong hindi ka na yata sinusuwerte? Mali ka! Dahil mula sa araw na ito ay magdaragsaan sa iyong buhay ang magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 36, 41, 43.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Ang lahat ay nagsisimula muna sa mababa at maliit, tulad ng punong kahoy na nagsimula sa maliit na binhi. Ganon din ang gawin mong patakaran sa iyong buhay, magipon ka ng paunti-unti at darami rin iyan. Kapag nakasanayan mo ng mag-ipon na paunti-unti pero madalas, matutulad ang iyong kabuhayan sa higanteng punong kahoy na nagsimula sa maliit na buto, tuloy-tuloy ang iyong paglago hanggang sa yumaman ng ubod ng yaman. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  2, 11, 25, 28, 37, 43.    

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Mataas ang iyong mga pangarap. Ito ay sa dahilang mataas din ang iyong pagkatao kaya sa mataaas na kalagayan din ang destinasyon mo. Ibig sabihin malalaking tagumpay ang makakamit mo kung ikukumpara sa mga pangkaraniwang nilalang.  Mapalad na kulay ang pink.  Masuwerteng numero 6, 12, 23, 27, 37, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Bigyang halaga mo ang pagkakaroon ng sariling pagkakakitaan. Hindi ka dapat umasa kahit kanino kahit pa sa mga taong nagmamahal sa iyo. Kapag may sarili ka ng source of income, sunod-sunod ng ipagkakaloob sa iyo ng langit ang mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 5,  8, 19,  23, 37, 41.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Madali kang nawawala sa konsentrasyon sa iyong ginagawa kapag kaya hindi mo matapos-tapos ang mga proyektong nakabinbin. Palitan mo ng maliwanag na bumbilya ang ilaw sa iyong silid. Kapag nagawa mo yan, ang nasabing maliwanag na bumbilya ang iyong magsisilbing lucky charms upang sipagin ka at mabilis mong matapos ang iyong mga ginagawa. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  6, 14, 23, 32, 43, 45.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20)  Inuutusan ka ng iyong kapalaran na mag-abroad. Ito ang lihim na dahilan kung bakit nakadarama ka ng pagkabagot sa kasalukuyan mong buhay. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 2, 16, 19, 27, 33, 43.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here