Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Hulyo 11, 2019

0
666
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Hulyo 11, 2019, Huwebes  –  Naghahanap buhay ang tao para sila ay kumain, pero ikaw ay naghahanap buhay para mabuhay ang maraming umaasa sa iyo. Gampanan mo ang banal na misyong ito ng buhay mo. Dahil noon pa man ay sadyang napakaraming suwerte at magagandang kapalaran ang inilaan na sa iyo na ipagkakaloob na ng langit sa susunod na mga araw. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero  4, 13, 25, 26, 31, 41.  

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ito ang araw na itinakda ng langit upang pagpalain ka. Hindi sapat ang mga bagay na nasa sa iyo na sa kasalukuyan, sa halip, daragdahan pa iyan ng nasa itaas nang maraming-marami upang ipamalas sa iyo ang kadakilaan ng langit na ngayon mo lang mararanasan sa tanang buhay mo. Lagi kang magpasalamat sa nasa itaas, upang lalo ka pang pagpalain at ang buo mong pamilya. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 36, 41, 43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Ito ang araw na nagbabalitang ang magiging papel mo sa mundo ay ang ipaglaban ang panig ng mga inaapi at inaabuso. Sa ganyan ka magiging maligaya. Pero wag kang mag-alala, dahil habang tumutulong ka at nakikisimpatsa sa mga inaapi, marami pang  suwerte at magagandang kapalaran ang ipagkakaloob sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  3, 18, 24, 26, 35,  43.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Walang silbi ang mga ulap kung hindi ito tatangayin ng hangin. Malilibot mo ang malalayong lugar kapag ikaw ay may inspirasyon sa iyong buhay at maaaring ka ring yumaman ng yumaman at ang dapat mong maging inspirasyon ay ang iyong pangarap. May pangarap ka ba? Kung wala, mangarap ka na ngayon! Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 3, 12, 27,  30,  32, 44.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) ) Dahan-dahan ka sa pakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan. Tinatandaan nya ang iyong mga sinasabing hindi magaganda at ito ay ikukuwento nya sa iba. Gagawin nya ito ng palihim upang siraan ka. Wag kang kuwento ng kuwento sa mga kaibigan mong hindi naman totoong kaibigan, kundi ang tanging hangad ay ang  siraan ka. Pero hindi sila makapananaig, dahil noon pa man, likas ka nang mas mapalad kaysa sa kanila.  Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 7,  14,  17, 26,  34, 42.   

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Darating ang maraming tulong na magmumula sa isang kaibigan. Wala siyang ibang motibo kundi ang alalayan ka. Alam niya na ang magkakaibigan ay dapat na nagtutulungan. Kaya naman mapapa isip ka, buti na lang at hindi mo inaway ang lahat ng mga kaibigan mo at may natira pang paisa-isa kahit na papaano.  Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 2, 8, 26, 33, 40, 42.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Napakabilis ng takbo ng panahon sa kasalukuyan baka mapag iwanan ka kung babagal-bagal ka. Bawasan ang pagaanalisa sa mga pangyayaring nararanasan mo, kilos ang pinakamahalaga.  Kaya wala kang dapat gawin sa ngayon kundi ang kumilos na! Mapalad na kulay ang pink.  Masuwerteng numero 6, 12, 23, 27, 37, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Ikaw ang taong masyadong maawain. Kaya madalas kang madaya ng iyong kapwa. Magkagayuman mamahalin ka ng langit kaya ang mga biyaya at pagpapala ay laging mapapasa iyo. At ang mga suwerte at magagandang kapalaran ay magdaratingan ng sunod-sunod at ng  higit pa sa mga inaasahan mo. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  6, 14, 23, 32, 43, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Maging positibo nang sa gayon ay hindi manaig sa iyo ang lungkot. Huwag mong balik-balikan ang mga hindi magagandang karanasan. Dahil hindi mo ba napapansin nasa itaas ka na ngayon? Baka kababalik mo sa mga nakaraan ilagay ka  uli ng kapalaran sa ibaba. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 5,  8, 19,  23, 37, 41.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Mapalad ka kaysa sa pangkaraniwang mapapalad dahil ang mga hinihiling ng iba na magagandang kapalaran ay matatagpuan sa iyong mga kamay. At ang mga biyaya at suwerteng ito ng buhay ay mapapasa iyo talaga kahit hindi mo hilingin. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  2, 11, 25, 28, 37, 43.    

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Iikot ng mabilis ang ruweda ng kapalaran, kung noong dati ay nasa itaas ang mga taong hinahanggan mo pero inaapi-api ka, maiiba na ang sitwasyon. Sa paghinto ng ruweda ng kapalaran, ikaw naman ang matatagpuang nasa itaas, habang ang mga umapi sa iyo ay mananatili na sa ibaba habang buhay.  Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 2, 16, 19, 27, 33, 43.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Mapupuno ng masasayang kaganapan ang buhay mo sa ngayon. Malilibang ka at malilimutan mo na may mga mahahalagang tao na kailangan ka sa buhay nila. Dapat mo silang damayan, upang manatili ang suwerte at magandang kapalaran sa iyong buhay.  Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 19, 22, 34, 37, 41.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Kakaiba at mahirap paniwalaan ang iyong kapalaran ngayon. Sa mga sandali na nahihiya ka at nananahimik ka tatawagin ka ng iyong tadhana at ilalagay sa kung saan ay hahangaan ka ng madla at magkakapera ka ng malaking halaga.  Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 9,  18, 19, 27, 33, 45.  

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here