Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Enero 8, 2019

0
251
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Enero 8, 2019, Martes –  Kakayahang paramihin ang lahat ng bagay ito ang espesyal mong galing. Kaya humayo ka, walang pag-aalinlangan sa taong ito ng 2019, ang iyong barya o ang iyong piso ay magiging milyon-milyong halaga. Ibig sabihin, hindi mapipigilan ninoman ang iyong pagyaman, dahil yan na talaga ang nakatakda sa iyong kapalaran bago ka pa isinilang. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.  

ARIES  (Marso 21 – April 19) Sa taong ito ng 2019, kapag ayaw na sa ‘yo ayawan mo na rin. Wag mong pahirapan ang iyong ssarili at wag mong lungkutin ang iyong sarili na mapasaiyo ang isang tao o isang bagay na hindi naman talaga inilaan ng kapalarana para  sa’yo. Kapag bukal sa loob na hinayaan mo na silang mawala, may mas maganda at mas masasayang pangyayraing ipapapalit at  ipagkakaloob sa iyo ang langit sa taong ito ng 2019. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Sa taong ito ng 2019, magtiwala ka sa iyong sarili at wag kang magpakita ng panghihina ng loob. Kapag nagawa mo yan, makikita mo na ang mahal mo ay lalo pang magsisikap para sa lalo pang ikauunlad at ikaliligaya ng inyong samahan at ng inyong kabuhayan. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.     

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Masuwerteng panahon mo ang taong ito ng 2019 para sa career, sa hanap buhay at sa pagnenegosyo. Itutuok ang iyong lahat ng lakas sa pagpapaunlad ng kabuhayan. Wag na wag mo ng pagkaabalaha pa ang ibang mga bagay na hindi mo naman pagkakaperahan, masasayang lang ang iyong enerhiya at panahon dito. Tandaan mo, ito ang panahon ng pagpapaunlad at pagpapayaman. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Nagmamadali ang langit na pawiin ang iyong lungkot kaya mabilis na darating sa buhay mo ang nilalang na magpapasaya sa ‘yo at mabubura ang lahat ng iyong pagaalinlangan at pagaagam-agam sa buhay. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.    

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Sa taong ito ng 2019 wag mong pansinin ang mga naiingit sa ‘yo. Mas maganda na pakisamahan mo ng husto ang mga taong ito. Dahil sa bandang huli, ang mga naiingit sa yo at ang mga naninira sa iyo ay sila ring magtutulak sa iyo at magbibigay ng malaking oportunidad upang ikaw ay lalo pang magsikap at magpayaman. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Sa taong ito ng 2019 tularan mo ang mga langgam. Nakagagawa sila ng bundok ng pagkain mula sa mga maliit na mugmog ng pagkain na kanilang napupulot. Kaya ngayon na, wag na wag kang mag-aaksaya ng panahon, mag-ipon ka ng mag-ipon para sa iyong kinabukasan. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Hindi masasayang ang mga pagod at hirap mo sa kasalukuyan. Dahil pinapanood at nakikita ng nasa itaas kung gaano ka kapursigidong nagsisikap. Walang alinlangang gagantipalaan ka ng langit ng mga biyayang siksik, liglig at umaapaw hanggang sa ikaw ay yumaman ng yumaman ng ubod ng yaman. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Ito ang araw na hindi pa tapos ang iyong kaibigan sa plinaplano nyong pamamasyal ay agad ka ng sasang-ayon. Masuwerte ka sa mga kaibigang nagaanyaya sa iyong gumala at mapalad ka dahil ang paglalakwatsa ang talaga namang nagpapasigla sa iyong katawan at buong pagkatao lalo na sa taong ito ng 2019. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Kayamanan ang kahulugan ng iyong pagsilang. Kaya magpayaman ka ng magpayaman,, Wag kang magdalawang isip pa at komontra, magpayaman ka ng magpayaman hanggang sa ang mga ari-arian mo ay hindi na mabibilang sa sobrang dami at sa sobra mo ng yaman. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Kaya mo ang mga pagsubok na nasa iyong harapan. Alam ng nasa itaas na magiging matatag ka  at lalo kang titibay kaya wag kang aatras sa laban ng iyong buhay. Kapag hindi ka umatras at sumuko mas malaking gantimpala ang matatnggap mo sa taong ito ng 2019. Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Lulutang ang kakaiba mong karisma at talino sa taong ito ng 2019. Mas mautak ka at mas malakas ang karisma kaysa sa mga kakumpentensya mo. Gamitin mo ang katalinuhang ito sa pagpapaunlad ng iyong kabuhayan at ginagarantiyahan ng langit na ikaw ay tiyak na yayaman.  Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.  

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Sa taong ito ng 2019 nasa labas ng bahay ang iyong mga suwerte kaya mamasyal ka kahit hindi tiyak na lugar ang gusto mong puntahan. Ang mahalaga ay ang hindi ka magkukulong at magmumukmok sa loob ng iyong kuwarto. Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45. fffff

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here