Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Enero 5, 2019

0
285
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Enero 5, 2019, Sabado –  Paglago at pagpaparami!  Ito ang pangalan ng taong ito ng 2019 at ito rin ang siyang mangyayari sa iyong kapalaran. Darami ang iyong mga kaibigan kasabay ng pagdami ng iyong mga kabuhayan. Darating ang iyong mga alipin at alalay at kanilang sasabihing: “Lumalago at dumarami na po ang ating mga ani, palago ng palago at parami pa ng parami sa bawat araw!” Kapag na rinig mo na ang ganitong mga balita, lumuhod ka at magpasalamat sa Diyos, dahil sa anumang iyong mga gawa ang langit mismo ang sa iyo ay nagpapala. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 7,  14, 25, 32, 43, 41.   

ARIES  (Marso 21 – April 19) Sa taong ito ng 2019 muling magaganap sa buhay mo ang pagdapo ng hindi lang isang suwerte. Dahil ang laging mapupunta sa iyo ay higit sa isa, na ibig sabihin ay marami. Sa pag-ibig ay ganon din, hindi lang isa, higit sa isa ang darating. Kaya kapag sinuwerte ka sa pera tiyak na maraming-marami rin. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 6, 15, 25, 32, 36, 44.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Hindi ka dapat mahiya at mag-alinlangan sa iyong ganda. Dahil ito ang araw upang ilabas at isuot mo ang paborito mong damit. Dahil ito mismo ang magiging pampasuwerte mo sa lahat ng bagay. Kapag suot mo ang damit na ito, bukod sa suwerte darating sa 2019, ang magagandang kapalarang hindi mo inaasahan, makapal na halaga ng salapi at nakakikilig na pag-ibig ay darating din. Mapalad na kulay ang  gold. Masuwerteng numero 3, 16, 12, 26, 33, 42.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Mag-iisip ka na naman ng pagkakagastusan at maghahanap ka  ng taong makakasama mo sa pagpapasarap. Sa bagay, okey lang, dahil siya ang taong saya ang iyong nakukuha kapag kasama mo siya at nakawawala ng problema. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero  3, 12,  18, 24, 27,  39.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Kapag ang baso ay punong-puno ng tubig, wala ng mailalagay na anumang laman dahil tatapon ang tubig. Alisin mo ang sama ng loob at hinanakit sa iyong puso, upang ang iyong buhay ay masidlan ng suwete at magandang kapalarang magdudulot sa iyo ng galak sa buong taong ito ng 2019. Mapalad na kulay ang old rose.  Masuwerteng numero 4, 15, 23, 37, 41, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Sa taong ito ng 2019 aalisin sa iyo ng langit ang mga taong akala mo ay tunay kang mahal, pero sinasamantala  lang pala nila ang iyong kabaitan. Bukod sa sinasamantala ka,  may mga responsabilidad sila na sa iyo ipinapapasan. Ang kabaitan mo naman ay hindi mo dapat alisin sa iyong buhay dahil darating ang araw malaking gantimpala ang ipagkakaloob sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  1, 19, 20, 32, 39, 44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Maliwanag ang nakasulat sa aklat ng kapalaran, “Suwerte ka sa buong taong 2019!” At dapat alam mo ang ginagawa ng mga taong sinusuwerte? Alam mo ba? Ibinabahagi ang suwerte sa iba, upang ang suwerte at magandang kapalaran ay manganak ng manganak at lalo pang dumami ng dumami. Mapalad na kulay ang lilac.  Masuwerteng numero 9, 14, 25, 32, 37, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Dahil nasobraang sa kain nitong nakaraang Holiday Season medyo mataba ka ngayon. Pero hindi ka dapat mag-alala, dahil ang mga taong tumataba, tumataba rin ang laman ng bulsa. Kung magnenegosyo ngayong taong ito ng Baboy ang mga taong matataba, lalong darami ng darami ang kanilang pera. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero   1,  9, 17, 20, 37, 42.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Maghahangad ka ng malaki at higit pang mas malaki sa hinahagad mo ang mapupunta sa iyo. Sapagkat ang taong ito ng 2019 ay tatawaging “Panahon mo upang palakihin pa ng palakihin ang bawat biyaya matatanggap!” Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero  4, 16, 25, 34, 43, 41.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Sa taong ito ng 2019 higit sa inaasahan mo ang magaganap. Kung umaasa ka ng isa, ito ay magiging dalawa. Kung umaasa ka ng galak, sobrang ligaya ang darating. Kaya sa taong ito ng 2019 wag na wag kang mag-iisp ng hindi maganda, dahil higit pa sa negatibong iniisip mo ang maaaring maganap. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero 3, 15, 21, 37, 42, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Iyung-iyo ang araw na ito! Isang salita mo lang, agad na kikilos ang langit at ikaw ay pagbibigyan. Bahaginan mo ng grasya ang mga taong malalapit sa puso mo na naghihirap upang sa taong ito ng 2019 mas marami pang biyaya at mga pagpapala ang dumating sa iyo. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 8, 14, 23, 32, 41, 45.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Sa taong ito ng 2019 kung ano ang iyong inaayawan, yon mismo ang pagmumulan ng mga suwerte mo sa buhay. Ito ang lihim ng iyong kapalaran na sa buong taong ito ng 2019 ay patuloy na iiral. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero 4, 8, 13, 27, 31, 40.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Sa taong ito ng 2019 kailangang lumakad ka ngayon. Ibig sabihin hindi puwedeng nasa bahay ka lang. Dahil sa iyong paglalakad, habang may kakaibang imbay at galaw ang iyong katawan, ang mga galaw mong iyan, ay ang sasagap at hihigop ng suwerte at magaganndang kapalaran.   Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 2, 18, 29, 35, 38, 40.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here