Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Enero 4, 2019

0
438
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Enero 4, 2019, Biyernes –  Ibinilang ang iyog pangalan sa mga tatanggap ng malaki at magagandang kapalaran sa taong ito ng 2019 kaya ipanatag mo ang iyong kalooban, dahil tiyak na ito ay darating na at magugulat ka pa. Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 4, 8, 19, 25, 28, 40.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Sa taong ito ng 2019 mahalin mo ang kaaway mo at ang mga taong nakakasamaan mo ng loob, dahil kapag ginawa mo yan, mamahalin ka rin ng nasa itaas at gagantimpalaan ka ng suwerte at magagandang kapalaran ng langit. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero  4, 11, 28, 34, 43, 41.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Sa taong ito ng 2019 ihuhulog ng langit sa harapan mo ang isang oportunidad na magbibigay sa iyo ng asensadong buhay. Wag ng mag-alinlangan, sunggaban mo agad. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  6, 12, 24, 33, 39, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Sa taong ito ng 2019 kapag hindi ka maunawaan ng ilang mahal mo sa buhay, wag ka na lang kumibo ng hindi na lumala ang sitwasyon. Sa iyong pananahimik, sila na mismo ang makakatuklas ng kanilang pagkakamali. Mapalad na kulay ang old rose.  Masuwerteng numero 3, 15, 21, 37, 43, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Ito ang araw na mas mainit ang pagmamahal mo kaysa sa sikat ng araw. Dahil sa sobrang tuwa ng mahal mo at sobrang tiwala, kahit ano ay puwede mong hilingin sa kanya. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero  2, 14,  18, 20, 25,  31.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Dapat na maging listo ka sa taong ito ng 2019. Kapag nahalata mong niloloko ka, wag kang maging dakilang tanga. Layuan mo na kahit pa siya ay mahal mo.  Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero 7, 16, 29, 37, 40, 42.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Tagapamagitan at karamay! Ito ngayon ang iyong papel sa taong ito ng 2019. Ikaw ang pinili ng langit dahil sa kalinisan ng iyong kalooban, dahil likas kang maawain at matulungin at dahil marami ang naniniwala sa iyo. Kasabay nito sa taong 2019, maraming mga gantimpala at mga pagpapala ang darating sa iyong buhay ng hindi mo inaasahan. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 7,  19, 25, 37, 43, 44.   

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Sa taong ito ng 2019 anuman ang pinagsisintir mo sa ngayon, tigilan mo na. Alisin mo mula ngayon ang hinanakit at galit sa iyong dibdib dahil ikaw ay isinilang ng dahil sa pag-ibig. Gaganda ang kapalaran mo at lalo ka pang susuwertehin kapag nabuhay ka ng nagpapatawad at laging nagmamahal. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero   1,  6, 12, 27, 37, 42.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Sa taong ito ng 2019 babaguhin ng mahal mo ang kanyang sarili upang kanyang mapatunayan na mahalaga ka sa kanya at hindi ka puwedeng mawala sa kanyang tabi. Mapalad na kulay ang  gold. Masuwerteng numero 4, 16, 19, 26, 35, 40.  

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Sa taog ito ng 2019 may didikit sa ‘yo at kahit na itaboy mo, hindi ka na niya hihiwalayan. Ang pangalan nya ay “suwerte”. Hindi mo naman ito dapat na sarilinin. Ibahagi mo sa iba ang suwerte at magagandang kapalarang darating upang lalo pa itong dumami at mas marami ang makinabang. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 5, 14, 25, 34, 36, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Sa taong ito ng 2019 makakabangga mo ang malalaking mga tao at ang mga may sinasabi. Nangyayari ang ganon, dahin ang tunay na dahilan ay sa kanila ka kabilang. Kaya nga walang pagdududa na magkakaroon ka rin ng malalaking tagumpay sa buhay.  Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero 5, 8, 18, 27, 32, 44.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Sa taong ito ng 2019 magdaratingan sa buhay mo ngayon ang mga bagong kaibigan pero marami sa kanila ay pansamantala lamang dahil sobra silang nalilibang sa iyong napakasayang personalidad. Mapalad na kulay ang dark green. Masuwerteng numero  3, 18, 21, 24, 36, 42.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Tibayan at tatagan mo ang iyong loob sa taong ito ng 2019, sapagkat maraming hamon ang darating. Ngunit kapag napaglabanan mo at napagtagumpayan ang nasabing mga hamon, malaking suwerte at magagandang kapalaran ang magiging premyo mo mula sa langit. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero 7,  15, 19,  25, 37, 43. 00000000000

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here