Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Enero 3, 2019

0
583
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Enero 3, 2019, Huwebes – Dahil a-tres ngayon at araw pa ng Huwebes, tunay ngang Jupiter ang ruling planet ng araw na ito. Ibig sabihin bawat pinapangarap mo at papangarapin pa lamang sa taong ito ng 2019 ay matutupad dahil ang mismong kahulugan ng planetang Jupiter ay nagsasabing: “Ikaw ay mangarap at ang lahat ng pangarap mo ay matutupad!” Mapalad na kulay ang old rose. Masuwerteng numero 5, 16, 19, 37, 43, 45.

ARIES (Marso 21 – April 19) Ito ang araw na kung kailan ay nasa mataas na antas ang iyong gayuman. Humiling ka sa mga taong nakatataas sa iyo at ikaw ay tiyak na pagbibigyan. Mapalad na kulay ang dark green. Masuwerteng numero 3, 18, 21, 24, 36, 43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Dumating na ang panahon na ipagkakaloob sa iyo ng langit ang lahat mong kahilingan. Ngunit may isang kundisyon, hindi ka dapat mag-alinlangan. Kung may alinlangan ka sa iyong sarili, ibig sabihn, hindi pa ito ang panahon upang matupad ang iyon mga kahilingan. Kaya sa taong ito ng 2019, alam mo na ang gagawin mo, wag na wag kang mag-aalinlangan kahit kaunti man. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero 6, 15, 30, 31, 34, 42.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Mas tama ang pananaw mo kaysa sa nasa isip ng nakatataas sa iyo. Pero hindi nangangahulugang na sila ay susuwayin mo. Maghintay ng tamang pagkakataon sa taong ito ng 2019 na ang kalooban mo naman ang masusunod. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 7, 19, 25, 37, 39, 42.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Muli na namang malalagay sa ibaba ang kalagyaan mo. Pero akala mo lang iyon. Nangyayari lang ang mga bagay na iyan dahil masyado mong pinagbibigyan ang mga taong mahal mo. Subalit kikilos ang langit, at siya ay matatauhan, hihingi siya sa iyo ng kapatawaran at aabutan ka pa niya ng dagdag na pabuya sa mga ginawa mong kabutihan. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero 2, 11, 16, 19, 25, 28.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Sa taong ito ng 2019 magmumula sa mga kaibigan mo ang iyong suwerte. Kaya ang payo sumama ka sa mga magaaya sa iyo kahit pa siya ay lihim na kinaiinisan mo. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 6, 15, 30, 33, 39, 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Hanga sa iyo ang lahat dahil tila wala kang kapaguran. Kaya lang ang gusto ng langit ay sana sa pagpapalago ng kabuhayan mo gawin ang iyong kasipagan. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 1, 4, 13, 22, 37, 44.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Sa taong ito ng 2019 sarili mo ang pinaka-mahigpit mong kalaban. Kaya kapag tinalo ka ng awa, tanungin mo ang sarili mo kung dapat ba talagang kaawa ang isang tao. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 4, 18, 26, 35, 42, 44.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Sa taong ito ng 2019 bibilis ng bibilis ang takbo ng mga araw, kasabay nito bibilis din ng bibilis ang ikot ng Gulong ng iyong Kapalaran at sa kanyang pag-hinto, ikaw ay masusupungang nasa pinaka-itaas, na kung saan, ang mga kaaway mo ay nasa ilalim ay mangha-mangha sa iyo matatamong kakaibang galing at tagumpay. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 5, 18, 27, 34, 43, 41.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Aangat na naman ng isa pang level ang iyong tagumpay. Ibig sabihin muling magdaratingan ang suwerte at magandang kapalaran na nakakuwintas sa iyong leeg, kaya lalo kang kinaiingitan ng mga kaibigan mong malayo na napag-iwanan mo na ng milya-milya. Manatiling mapagpakumbaba, at ang suwerte ay manatili pa rin sa iyo sa buong taong ito ng 2019. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 3, 19, 25, 34, 36, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Suwerte ka ngayon at dahil sa sobrang galak, masasabi mong nagbabalikan na ang iyong mga buenas. Pahalagahan at ingatan mo ang mga magagandang bagay na ipagkakaloob sa iyo ng langit sa buong taong ito ng 2019 upang ito ay magtuloy-tuloy na mapa sa iyo sa buong buhay mo. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 6, 18, 21, 36, 42, 45.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Dadalawin ka na naman ng kakaibang kalungkutan. Pero ang tunay na dahilan ng nasabing mga kalukutan, ikaw ay inuutusan ng iyong kapalaran na mag-mahal, dahil ang magmahal ang iyong tunay na kaligayahan. Kaya sa taong ito ng 2019, umpisahan mo ng magmahal at magmahal pa uli ng magmahal. Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 4, 8, 19, 22, 28, 40.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Aangat na naman ng isa pang level ang iyong tagumpay. Ibig sabihin muling magdaratingan ang suwerte at magandang kapalaran na nakakuwintas sa iyong leeg, kaya lalo kang kinaiingitan ng mga kaibigan mong malayo na napag-iwanan mo na ng milya-milya. Manatiling mapagpakumbaba, at ang suwerte ay manatili rin sa iyo. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 3, 19, 25, 34, 36, 45.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here