Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Enero 29, 2021

Horoscope wheel chart

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Enero 29, 2021, Biyernes  – Kahit na sa panahon ng tag-araw ay umuulan din naman. Ganon din ang mangyayari sa iyong kapalaran. Sa ngayon ay makakaranas ka ng pagbuhos ng magagandang kapalaran pero dapat na  ang mga biyaya  ay iyong sahurin at ipuninin mo. Dahil tulad ng ulan darating ang araw na hihina din ang suwerte mo na halos papatak-patak na lang. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 2, 8, 16, 25, 34, 43.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Magbawas ka at ikaw ay madaragdagan. Kaya sa taong ito  ng 2021, wag kang matakot na mawala ang ilang mahahalagang bagay sa iyo at lumayo ang ilang mga kaibigang mapagpaimbabaw. Dahil matapos kang mawalan ng ilang mga bagay, dobleng suwerte at mas marami pang magagandang kapalaran ang magiging kapalit nito. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 3, 18, 28, 32, 39, 42.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Naiirita ka ba at hindi mapakali? Ipanatag mo ang iyong sarili kahit anupa ang nararamdaman at dinadanas mo sa ngayon. Hindi ka dapat mabahala dahil ang iyong tadhana ay kumikilos upang gumanda ng gumanda pang lalo ang buhay mo. Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero  3,  12,  18,  23, 27, 32.   

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Malulutas ang mga problema kapag ginamit mo ang talas ng iyong isip. Kapag naman ang ginamit mo ay ang iyong damdamin, lalo ka lang mahuhulog sa kabiguan. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero 5, 14, 19, 23, 27, 44.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Marami ang matatanggap mong tulong at ang mga ito ay sobra sa iyong mga kailangan. Itabi ang iba at ilaan mo sa ibang araw na muli ka na namang magigigipit. At kapag may mga sumobra pa talaga, ipamahagi mo ito sa mga taong malalapit sa puso mo. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 2, 7, 11, 25, 29, 43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Piliin mo lang ang taong iyong pagkakatiwalaan. Hindi lahat ng nasa paligid mo ay nagmamalasakit sa iyo. Marami sa kanila ang malapit lang sa iyo dahil sa kabutihan ng loob mo at dahil nakikinabang sila sa iyo,  sa sandaling wala na silang napapala sa iyo, iiwanan ka na rin nila sa pansitan. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero  1, 19, 23, 28, 34, 42.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) ) Pag-ibig ang magiging laman ng iyong puso at isip sa araw na ito na nagsasabi ring kahit na gaano ka kaabala ay hindi pupuwedeng di sasagi sa isip mo ang matinding pagnanasa na nagpapasiklot ng iyong puson at kaluluwa. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  5, 13, 23, 27,  28, 43.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Ito ang araw na mahihilig ka sa mga musika at iba pang mga sining na nakalilibang, na ang kahulugan ay nagsisiawit ang mga anghel sa langit dahil sa pinakinggan na ang iyong kahilingan, na sa taong ito ng 2021 ay isa-isa ng magdaratingan. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 6, 14, 21,  24,  32, 40.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Harangan ka man ng isang libong sibat, kahit pa umulan ng sobrang lakas, sa araw na ito ay walang sinumang makakaawat sa iyo sa paggu-goodtime at paglalakwatsa at may kasama pa yang paguubos ng pera. Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 2, 11, 20, 32, 40, 43.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Ito ang araw na ipagkakaloob sa iyo ang dalawang magandang mga bagay. Mararamdaman mong kahit na papaano suwerte ka pa rin sa pamilya kung ikukumpara sa iba at susuwertehin ka rin sa salapi at materyal na bagay. Mapalad  ang kulay na blue. Masuwerteng numero 2, 9, 15, 18, 24, 39.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Ito ang tamang araw para sa pagpaplano sa mga bagay na lalo pang magpapaunlad sa iyong negosyo. Kung wala ka pang negosyo, ito ang araw para ikaw ay mag-plano na magnegosyo. Maglaan ng sapat na oras para rito at matapos magkapagplano simulant mo na agad ang pagkilos. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 4, 8, 15, 23, 31, 40.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Wala kang magagawa ngayon dahil hindi kayang pigilan ng mga paa mo na lumabas ng bahay at ang kanyang pupuntahan ay ang lugar kung nasaan nadoon ang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na yellow. Masuwerteng numero  4, 7, 10, 22, 31, 28.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Makisalamuha ka sa mga mas mababa sa ‘yo ang kalagayan. Sa kanila ay may makukuha kang mga aral sa buhay na magagamit mo sa lalo pang ikagaganda ng iyong kapalaran at sa lalo pang ikauunlad ng iyong kabuhayan. Mapalad ang kulay na violet. Masuwerteng numero  2, 11, 13, 22, 33, 41.    

1 COMMENT

  1. Dear,
    Maestro honorio ong nais ko po sanang malaman Kung maganda po ba ang na pili naming buwan ng aming pagpapakal sa buwan po ng Abril at ang petsa po ay 24 at 25 po ang mismong araw ng aming kasal tsaka po ano po ang magandang motif.ako po ay pinanganak ng nov.3,1994 at ang magiging Asawa q po ay June 19,1995.kami po ba ay compatible?

    Umaasa, Lyn

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here