Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Enero 28, 2020

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Enero 28, 2020,  Martes – Isang napakagandang kapalaran ang ipagkakaloob sa iyo ng langit at ang kapalarang ito ay makakamit mo ng  walang kahirap-hirap. Hintayin mo ito at malapit na malapit ng dumating. At pagkatapos na may dumating, may mga kasunod pa ito na mas marami pa. Mapalad na ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 9, 19, 29, 37, 40.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Hindi mapipigil ang panahon kung saan palamig na ng palamig sa madaling araw. Ganon din ang iyong kapalaran, walang anumang lakas o puwersa na makapipigil sa sunod-sunod na pagdating iyong magagandang kapalarang magsisimula na ngayon. Mapalad mong kulay ang lilac. Masuwerteng numero ang 7, 15, 18, 24, 29, 45.   

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Layuan mo ang mga negatibo at mareklamong tao. Mahahawa ka sa kanila. Kapag sila ay daing ng daing, wag mo na lang pansinin. Hanapin ang mga taong magbibigay sa iyo ng inspirasyon at lakas ng loob. Sa kanila ka makipagkuwentuhan, sila ang magbibigay sa iyo ng dagdag pang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 8, 15, 27, 36, 39, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Punong-puno ng mga katanungan ang iyong isip. Sa trabaho, sa pakikipag-relasyon, sa kinabukasan, at maging tungkol sa pamilya at kaibigan. Wag mo na itong pakaisipan pa, darating ang araw kusa naman sa iyong ipagkakaloob ng langit ang lahat ng bagay na gusto mo. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  4, 11, 27, 36, 38, 43.   

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Kapag sumasagi sa isip mo ang kalungkutan at malalim na pag-iisip, kailangang talunin mo ito. Dahil kung hindi ikaw ang tatalunin nito. Oo kailangang mapagwagian mo ang iyong takot at magtiwala ka sa iyong sariling kakayahan. Dapat mo itong gawin, magmatapang at sumugod ng sumugod alang-alang sa minamahal mong pamilya.  Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  1, 8, 19, 19, 36, 41, 44.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Lahat ng bagay ay dumadaan muna sa hirap bago magtagumpay. Pero ang sa iyo ay kakaiba, kahit hindi ka gaanong maghirao, bago ka pa isinilang ipinangako na ng langit na ikaw ay pagkakalooban ng malaking tagumpay. Kuhanin at abutin mo na ngayon ng iyong mga kamay. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 6, 9, 24,  34,  40, 44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Masyadong abala ang isip mo sa maraming bagay. Kaya naman hindi mo nabibigyang pansin ang higit na mas mahalaga. Ang pagtingin sa iyo ng isang nilalang na matagal ng sa iyo ay umaasa at naghihitay na nagtataglay ng initial na M. Sa panahong ito na nalalapit na ang buwan ng mga puso, walang masama kung siya ay iyong pagbibigyan. Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  7, 12, 23, 36, 38, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Aminin mo, nakakaramdam ka ng excitement at saya ngayong panahong ito na malapit na ang buwan ng mga puso? Ito ay isang malinaw na palatandaang ang mga malalaking suwerte ay ilalagay mismo ng langit sa iyong harapan na kapag ito ay iyong sinunggaban, madali mo itong mahahawakan. Mapalad na kulay ang black.  Masuwerteng numero 6, 18,  34, 39, 42, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Bakit ka gagasta ng sobra-sobra? Dyan magsisimula ang pagbagsak ng iyong kabuhayan. Iwasan mo yan! Mula ngayon ay dapat kang masanay sa kung ano lang ang kaya ng bulsa mo, yon lang ang iyong pagkasyahin. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 5, 12, 26, 33, 40, 43.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Hindi dapat magtagal ang tanong mo sa iyong sarili kung ano ang bagay na negosyo para sa iyo. Kung ano ang hilig ng isang tao, doon siya aasenso, doon siya magiging maligaya at doon siya yayaman. Ikilos at gawin mo na ngayon! Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 2, 11, 25, 29, 31, 39.  

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Bakit inaaksaya mo ang iyong panahon sa walang kakuwenta-kuwentang gawain? Panahon na upang ipriority mo ang iyong buhay. Ito ang tamang araw, upang gawin mo ang isang bagay na noon mo pa gustong-gustong gawin. At ang mabuting balita, kahit hindi mo ito matapos, ang langit ang tatapos sa mga gawaing hindi mo matatapos. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  1, 13, 29, 37, 42, 45.    

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Walang silang karapatan na ikaw ay husgahan. Hindi nila alam kung ano ang dinadala mo sa kasalukuyan at kung bakit ka nagkakaganya. Kaya sa kanila isa-isang malilipat ang iyong mga suliranin, habang ang dalahin mo ay unt-unti ng gagaang at mapaparam. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 4, 14, 28, 32, 39, 40. 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Kulang ka pa sa pagkilos, kaya ayaw pang pumutok ng husto ang bunga ng iyong suwerte at malaking tagumpay. Kapag sumasagi sa isipan mo ang takot at pag-aalinlangan, sabihin mo sa iyong sarili: “Kikilos ako ngayon!”  Pinapanood ka ng nasa itaas, sa bawat pagkilos mo na gagawin, dagdag na suwerte at magagandang kapalaran ang ipagkakaloob sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 9, 19, 21, 34, 40, 44.

SHARE
Previous articleChinese Horoscope; January 27
Next articleANG KAPANGYARIHANG TAGLAY NG ATING BUHOK
Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychology sa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here