Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Enero 27, 2020

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Enero 27, 2020,  Lunes – Wag mong patulan ang mga nagsasabi sa iyo ng hindi maganda. Dahil ang langit ang papatol at magpaparusa sa kanila. Kasabay nito, habang sila ay pinaparusahan, tuloy-tuloy ka namang susuwertehin at yayaman.  Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 3, 15, 18, 36, 39, 42.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Maraming naiinggit at pumupula sa iyo. Pero hindi mo sila dapat na intindihin. Gawin mo ng gawin ang lahat ng gusto mong gawin, dahil sa araw na ito, katulad din ng iba pang mga araw sa buhay mo, ibibigay ng langit ang lahat ng katuparan sa mga ginagawa mo. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 4, 8, 17, 26, 37,  44.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Parang maraming humahadlang sa mga plano mo. Pero may isang sasang-ayon sa iyo  – ang langit. Kaya gawin mo na ngayon ang lahat ng inaasam-asam mo at siguradong ito ay iyong makakamit. Mapalad na kulay ang lavender. Masuwerteng numero 9, 12, 30, 33, 42, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Dapat matututo kang sumagot ng hindi. Hindi yong Oo ka ng Oo kahit hindi naman totoo na gusto mo at naririnig mo. Kailangang maging tapat ka sa sarili kahit na may masaktan, dahil sa pagiging tapat sa sarili uunlad at magiging maligaya ka. Mapalad na kulay ang peach. Masuwerteng numero 6, 18, 21, 24, 36, 42.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Wala kang lakas ng loob na labanan ang iyong emosyon. Subalit tutulungan ka ng langit na masupil mo ang iyong damdamin. Makapagdesisyon ka na ng tama. At dahil magiging tama na ang iyong desisyon, muling darating  sa buhay mo suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang beige. Masuwerteng numero 2, 7, 20, 25, 29, 40.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Hindi puwede na sobrang matagal na nahihirapan ang kalooban mo. Dahil dito, kusa kang ilalayo sa mga nagpapahirap sa iyo hanggang sa makasumpong ka ng tunay na kagihawahan. Mapalad na kulay ang golden yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 13, 28, 37, 44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Oo mahilig kang mamintas. Pero ang hindi mo napapansin, kahit na pintasero ka, maraming nagkakagusto at humahanga sa iyo. Kapag nakasama mo sila pareho kayong susuwertehin at pagkakalooban ng magagandang kapalaran kahit saan kayo magpunta. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero 5, 8, 14, 28, 37, 41.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Sasama ang loob mo sa ngayon dahil yon mga taong inaasahan mong tutulungan ka at uunawa sa iyo ay hindi naman pala. Subalit hindi matatapos ang araw, masosolusyunan ang mga problema at may dagdag pang suwerte matatangap  dahil ang mismong langit ang tutulong sa iyo. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 2, 7, 25, 37, 40, 44.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Wala kang lakas ng loob na labanan ang iyong emosyon. Subalit tutulungan ka ng langit na masupil mo ang iyong damdamin. Makapagdesisyon ka na ng tama. At dahi tama an iyong desisyon, muli darating  sa buhay mo suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang beige. Masuwerteng numero 2, 7, 20, 25, 29, 40.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Kung anulang ang may roon ka yon lang ang ipangako mo. Wag mong ipapangako ang kinabukasan ng hindi mo pa naman nahahawakan ng hindi ka nalalagay sa alanganing sitwasyon. At pagkatapos, ibigay at gawin mo ang ipinangako mo upang magtuloy-tuloy ang iyong suwerte at malaking tagumpay. Mapalad ang kulay na blue. Masuwerteng numero 5, 14, 23, 32, 36, 41.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Bakit mo tinatakot ang sarili mo? Balikan mo ang mga nakaraan mong tagumpay. Kusa ng wawawala na ang takot at magagawa mo na ang mga bagay na gusto mong gawin. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero 1, 10, 22, 34, 38, 40.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Saan matatagpuan ang tunay na ligaya? Saan pa sa sarili mo. Kapag pinasaya mo ang saril mo ngayon, magugulat ka biglang matutupad ang iyong mga pangarap at ang lahat ng inaasam-asam mo ay magkakatotoo. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 3, 9, 18, 27, 33, 39.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) –  Wala kang sapat na galing upang harapin at gapiin ang mga problema. Subalit sa araw na ito pahihiramin ka ng langit ng kapangyarihan na talunin mo ang lahat ng iyong mga kalaban at matapos mong magagi ang iyong mga kalaban, may bonus pang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero 5, 9, 18, 27, 38, 42.

SHARE
Previous articleANG MISTERYO NG ‘BLOOD RAIN’ SA KERALA
Next articleChinese Horoscope; January 26
Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychology sa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here