Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Enero 26, 2021

Horoscope wheel chart

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Enero 26, 2021, Martes  – Ihanda ang sarili sa mga paparating na suwerte ngayong year of the Metal Ox. Dapat mong malaman na may ibang dinadapuan ang suwerte pero dahil hindi nakahanda ay nababale wala lang ang magandang kapalaran. Kaya sa parte mo, maghanda ka na ngayon habang hindi pa lubusang dumarating ang taon ng Metal Ox! Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 4, 8, 15, 22, 26, 38.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Maghahanap ngayon ang nasa itaas ng madadapuan ng suwerte. Lagi kang maglalabas ng bahay, maligo araw-araw at maging palangiti at palakaibigan. Ang utos ng langit, kung sino ang laging masayahin at may maligayang puso, doon dadapo ang suwerte at ang mabuting kapalaran. Kung ika ang dadapuan ng suwerte at magagandang kapalaran sa taong ito ng 2021, ito ay hindi na aalis kailanman sa iyong buhay. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero 6, 15, 24,  31,  42, 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Mali ang ginagawa mong pagtulong sa mga mahihina at mangmang, dahil ito ang pinapagawa sa iyo ng langit, pakinggan mo: “Umiwas ka sa kakilala mong nagdurusa sa problema dahil puwede kang mahawahan nila.”  Kumbaga, sa Covid 19, ang mga kamalasan sa taong ito ng 2021, ay sadyang nakakahawa, hindi lang sakit ang nakahahawa kundi maging ang kapalaran ng ibang tao, lalo na’t kung minamalas at namumroblema sila. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 5, 12, 18, 23, 27, 43.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Sa taong ito ng 2021 may premyo ka at malaki ang premyo mo. Kapag hindi mo tinalikuran ang mga hamon ng kapalaran na nasa iyong karahapan. Labanan mo at garantisadong ikaw ang magwawagi at mananalo. Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero  3, 6, 15, 21, 24, 41.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Madarama mo ngayon ang mga bagay na puwedeng tumakot sa iyo. Maging matatag ka! Marami sa mga nakatatakot ay tulad lang ng mga scarecrow na panakot sa ibon, hindi totoong nakakatakot. Anuman ang mga problemang dumarating ang totoo nito mapapalitan agad iyan ng suwerte at magandang kapalaran sa susunod na mga araw. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 7, 16, 25, 29, 34, 43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Gagana ngayon ang nakagagayuma mong kilos at taglay na kakaibang kagandahan. Marami ang makapapapnsin sa kakaibang galaw ng iyong katawan at kakaibang aura ng iyong pagmumukha, kaya wala silang magagawa kundi ang sa iyo ay sumunod sa lahat ng iyong ipaguutos. Ang langit naman, dahil magagandahan din sa iyo ay walang magagawa, kundi ang regaluhan ka ng suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang pink.  Masuwerteng numero 1, 11, 19, 28, 31, 36.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Nahuhuli ang isda sa kanyang bibig kaya hayaan mo lang na magkuwento ng magkuwento ang katransaksyon mo at habang kausap ka niya ay talasan mo ang iyong isip at pakiramdam upang malaman mo kung paano mo siya pasasangayunin sa iyong kagustuhan at kung paano mo siya mapapa oo sa iaalok mo sa kanya. Mapalad ang kulay na gold. Masuwerteng numero  5, 7, 10, 19, 25, 34.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Magugulat ka pa ngayon, dahil iyong-iyo ang araw na ito. Ito ang araw na pinakahihintay-hintay mo, kung saan ang lahat ng mga gawain mo ay magbubunga ng mga biyaya at pagpapala. Mapalad ang kulay na aquamarine. Masuwerteng numero  5, 14, 18, 23, 32, 45.    

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Kaya ka lang naman madalas nag-iisip ng malalim ay dahil nawawala ang hilig mo sa pakikipagkaibigan. Kung magpapatuloy ang ganitong kalagayan, lalo kang mamumroblema sa buhay. Oo, isang tapat at mabuting kaibigan ang kailangan mo para aliwin ka at para malutas ang lahat ng mga suliranin mo sa buhay. Mapalad na kulay ang black.  Masuwerteng numero 2, 16, 20, 29, 31, 42.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Bakit mo pipilitin ang sarili mo na sumunod sa karamihan? Hindi ka dapat magpaimpluwensiya o mag pauto sa kanila. Ngayong 2021 sundin mo ay ang sarili mong kalooban. Kung saan ka masaya yong ang gawin mo. Dahil sa anumang bagay na masaya ka habang ginagawa mo malaking suwerte at magandang kapalaran ang ipagkakaloob sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero  3,  7, 9,  27,  36, 39, 42.   

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Huwag mong katakutan ang mahirap na gawain. Ito ang magpapatibay sa iyo para mas lalong gumanda at humusay ang iyong personalidad. Kapag  maganda at mahusay na ang iyong personalidad ito ang kusang aakit ng suwerte at magagandang kapalaran ngayong taong ito ng 2021. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  4, 8, 10, 25, 31,  40.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Sa taong ito ng 2021, wala kang dapat gawin ngayon kundi ang magpatangay sa agos ng iyong kapalaran. Dahil kung saan ka masaya, kusa, roon ka mapupunta. Kaya nga ngayong taong ito, hindi ka dapat komontra, sa halip, isipin mong lagi na hindi ka pababayaan ng nasa itaas, kaya nga  sa susunod na mga araw, dahil nagpapatangay ka lang, maraming suwerte ang darating at paganda na ng paganda pang lalo ang iyong buhay. Mapalad na kulay ang beige. Masuwerteng numero 1, 4, 7, 18, 33, 36.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Huwag kang mag-alinlangan kung susuwertehin ka ba o hindi sa abroad. Kailagan mong mangibang bansa nang sa gayun ay makaharap mo ng mukhaan ang iyong magagandang kapalaran at ang malaki mong suwerte ngayong 2021. Mapalad  ang kulay na apple green. Masuwerteng numero 1, 4, 8, 13,  29, 37.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here