Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Enero 25, 2021

1131
Horoscope wheel chart

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Enero 25, 2021, Lunes  – Ito ang araw na ang mga oportunidad na magpapaganda sa buhay mo ay ilalagay ng langit sa iyong harapan. Pero kapag muli kang naduwag, matatagalan pa ang muling pagbabalik ng magagandang mong kapalaran. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 2, 10. 19,  23, 28, 44.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Iihip ang hangin sa iyong mga kamay, makakadama ka ng kakaibang pakiramdam, na nagpapahiwatig na magsisimula na sa iyong dumapo ang maraming suwerte at magagandang kapalarang matagal mo nang hinihintay. Mapalad na kulay ang red.  Masuwerteng numero 6, 18, 27, 33, 39, 40.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Huli na bago mo maalala na ikaw din pala ay nangangailangan. Ibig sahihin, uunahin mo ang kapakanan ng ibang tao kaysa sa iyong sarili, na ikatutuwa naman ng langit kaya may mga suwerteng darating sa iyong buhay ng hindi mo inaasahan. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero  4,  13, 18,  27,  34,  43.   

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Tapang ang kailangan mo ngayong 2021, kaya naman sapat na ang naipon mong lakas ng loob suungin ang matagal mo  ng mga pangarap at labanan ang mga hamon ng kapalaran. Sa pagkakataong ito, ikaw ang mananalo at bukod sa tagumpay maraming suwerte at magagandang kapalaran ang mapapasa iyo. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 5, 12, 23, 27, 32, 41.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Mabagal kang magpasya at madalas pa nga ay  pabago-bago ang iyong desisyon, pero wag kang mag-alala dahil sa taong ito ng 2021 ang ugali mong ito ay siya ring magdadala sa iyo ng maraming tagumpay sa buhay at mga suwerteng hindi mo inaasahan. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 2, 11, 19, 32, 34, 44.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Pasado ka sa mata ng langit kaya sa iyo ibibigay ang pagkakataong gumanda hindi lamang ang iyong buhay kundi pati na rin ang panlabas mongh kaanyuan, at ang mabuting balita ito ay para lang sa mga karapat-dapat na maging huwaran ng kabutihan at kagandahan na tulad mo. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 4, 7, 13, 16, 25, 32.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Kunin mo at pagyamanin ang itinapon ng iba. Panghihinayang ang para sa nagtapon at malaking pasasalamat para sa iyo na nagpahalaga ang ipagkakaloob sa iyo ng langit. Kaya kapag may pinulot ka ang kasunod nito ay magandang kapalaran at susuwertehin ka. Mapalad ang kulay na Aquamarine. Masuwerteng numero  1, 4, 14, 28,  37, 41.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Magiging alipin ka ng isang nilalang kapag matagal kang nakikipagkuwentuhan sa kanya na ikaw ay tagapakinig lamang. Siya naman ang magiging alipin mo at tagasunod kapag siya ang mas matagal na tagapakinig sa iyo.  Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  6, 14, 22, 31, 34, 44.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Nasa sa iyo ang tapang pero mayroon ka ring karuwagan. Gamitin mo ang iyong tapang sa pagpapayaman habang ang iyong karuwagan ay panlaban sa tukso na haharang sa iyong daraanan. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero  6, 9, 14, 17, 22, 31.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Kahit hindi ka nakahanda pupunta ka sa malayong lugar dahil ang utos ng iyong kapalaran ay kailangang lumayo ka sa sinilangan mong bayan ng sa gayun ay masimulan na ang paganda ng iyong buhay. Mapalad  ang kulay na burgundy. Masuwerteng numero 9, 12, 18, 21, 24, 42.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Darapuan ka ngayon ng mga mumunting suwerte sa buhay. Kung gagamitin mo sa negosyo ang mga ito malaki ang tsansa na umangat ng husto ang kabuhayan mo hanggang sa ikaw ay yumaman. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  5, 8, 13, 17, 25, 38.    

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Kung ang araw ay lumulubog upang dumatal ang dilim, sa taong ito ng 2021, ang liwanag ng buhay at maliwanag na kapalaran ay mananatili sa iyo. Wala kang magagawa dahil ang langit ang nagpasya na sa panahong ito ng iyong buhay, bubuhos ang suwerte at magagandang kapalaran na magsisimula na ngayon. Mapalad ang kulay na maroon. Masuwerteng numero 7, 14, 25, 33, 38 , 42.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Minsan pa sa taong ito ng 2021 hindi ka bibiguin ng kapalaran, kung ano ang pinakamalaking ambisyo mo ay tiyak na mapapasa iyo sapagkat ito ang pangako sa iyo ng araw na ito ng iyong pagsilang. Mapalad na kulay ang beige. Masuwerteng numero 2,  16, 25,  27, 34, 41

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here