Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Enero 24, 2020

Horoscope wheel chart

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Enero 24, 2021,  Linggo –  Ito ang araw na kung kailan ay nakamasid sa iyo ang mata ng langit. Kung ano ang iyong tinutukan ngayon, ito mismo ang ipagkakaloob sa iyo. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero  9, 12, 18, 27, 34, 39.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Hindi ka dapat paapekto sa mga komentaryo na kontra sa mga plano mo. Higit kaninuman, ikaw lang mag-isa ang tunay na nakakikilala sa iyong tunay na pagkatao. Ituloy mo lang ang mga balak at gusto mong gawin, sa malapit na hinaharap ipagkakaloob na ng langit ang iyong tagumpay. Mapalad na kulay ang marron. Masuwerteng numero 3, 18, 21, 30, 34, 42.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Huwag kang mangahas na pasukin ang mga proyekto o negosyong wala kang sapat na karanasan at kaalaman at huwag ka ring matuksong makipagsosyo. Sa sariling negosyo sa mga bagay na alam na alam mo at kabisadong-kabisado mong gawin, susuwertehin ka at kikita ng malaking halaga. Mapalad  ang kulay na burgundy. Masuwerteng numero 6, 15, 21, 24, 27, 41.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Negosyo, gusto mo bang magnegosyo? Alam mo ba ang mapalad sa iyong produkto? Kung ano ang uso na gustong-gusto ng mga tao iyon mismo ang gawin mong produkto. Kapag nagawa mo yan, malaking halaga ng salapi ang kikitain mo. Mapalad ang kulay na metallic blue. Masuwerteng numero  4, 13, 21, 33, 39, 42.    

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Ibinilang ka sa mapapalad na nilalang. Oo magkakaroon ka ng mga problema sa taong ito ng 2021 pero ang lahat ng yon ay gagawan mismo ng langit ng solusyon.  At ang solusyon ay ang mga problema mo ay magiging mga biyaya at pagpapala para sa iyo at para sa iyong pamilya. Mapalad na kulay ang beige.  Masuwerteng numero  7, 20, 25, 32, 38, 43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Panalo, ito ang pangalan ng taong ito ng 2021 para sa iyo. Kaya lahat ng sagabal at mga hamon ng kapalaran na lalagay sa iyong harapan ay hindi makapananaig laban sa iyo, kaya sorry na lang sila, dahil ikaw ang tiyak na magwawagi at mananalo. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 22, 25, 42.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Maraming kontra at negatibong iniisip ang tao at madali din siyang magpabago-bago ng desisyon. Ngunit ang nasa itaas ay iba, isa lang ang pasya at solido desisyong ipatutupad ng langit ngayong 2021 – ang pasya ng nasa itaas, padalan ka ng katakot-takot na suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero 6, 14, 23, 28, 33, 39.   

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Nagbabalita ang araw na ito na narinig na ng langit ang mga pangarap mo para sa mga mahal mo sa buhay. Kaya makaaasa ka na isa-isa na, na ang lahat ng gusto mo para sa iyong pamilya ay mabibigyang katuparan. Mapalad na kulay ang peach. Masuwerteng numero 3, 6, 9, 18, 21, 39.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Pag-aani at kasaganaan,  ito ang isa pang pangalan ng taong ito ng 2021. Makikitang ang mga itinanim mo para sa iyong kinabukasan  ay magsisiusbong hanggang sa tuluyang makamit mo ang matamis na bunga  at hinog na kaunlaran. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero  2,  7, 13,  16, 34, 43.   

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Sa taong ito ng 2021 kung ano ang gusto mo yon mismo ang gawin mo. Kaya ang payo wag mong pakikinggan ang sulsol at mungkahi ng iba kahit pa ang mga ito ay mas maganda kaysa sa laman ng iyong isipan. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 3, 9, 15, 24, 30, 33.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Bigyan mo ng pansin ang kapakanan ng iyong mga tauhan at ng iyong mga mahal sa buhay. Kailangan mo sila dahil sila rin ang magbibigay sa iyo ng malaking suwerte sa aspetong pang-materyal at kaligayahan. Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero  1, 4, 8, 26, 31, 40.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Nakaabang sa landas ng iyong buhay na nilalakaran ang malalaking pagsubok pero wag kang mag-alala. Malalaki nga sila pero  ang totoo agad-agad din silang aalis at maglalaho, upang palitan ng malalaki ring tagumpay at mga pagpapala sa susunod na mga araw hanggang sa yumaman ka  Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 4, 13, 22,  31, 42, 45.

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here