Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Enero 19, 2021

Horoscope wheel chart

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Enero 19, 2021, Martes  – Sa araw na ito na iyong kaarawan Oo ang langit ang nagsasabing iyong-iyo ang araw na ito. Ito rin ang araw na pinakahihintay-hintay mo kung saan, lahat ng gagawin mo ay magbubunga ng biyaya at pagpapala para sa iyo at sa iyong pamilya. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 25, 31, 40.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Makulimlim ang panahon, pero hindi maaapektuhan ng panahon ang magandang kapalaran paparating na sa iyo. Kaya lang may kundisyon, kailangang maging masaya ka. Kapag patuloy kang tumamlay, maghahanap ng ibang nilalang na masayahin at may masiglang pagkatao ang magandang kapalaran at sa kanya dadapo. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero  3, 12, 18, 21, 33, 42.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  May malaking premyo na naghihintay sa iyo kapag hindi mo tinalikdan ang mga hamon ng kapalaran na nasa iyong harapan. Labanan mo at magpatuloy ka lang ng magpatuloy dahil sa taong ito ng 2021, ikaw ay magwawagi at mananalo at pagkatapos ng panalo isang malaking suwerte at magagandang kapalaran ang naghihitay. Mapalad na kulay ang old rose. Masuwerteng numero  6, 17, 23, 27, 34, 42.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Magaling kang magpayo, kaya lang ang payo sa iyo sa araw na ito ay maghanap ka ng sarili mong tagapayo. Hindi pupuwede na ikaw mismo ang magpapayo sa sarili mo. Dahil kadalasan ang pagkakamali ay nagmumula sa ipinapayo mo sa  sarili mo. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 1, 4, 9, 21, 29, 32.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Sa taong ito ng 2021, umiwas ka sa mga kakilala mo na nagdurusa dahil puwede kang mahawa. Kumbaga hindi lang sakit ang nakahahawa kundi maging ang kapalaran ng ibang tao. Kaya naman sa mga taong mayayaman, mauunlad ang pamumuhay at sa mga taong suwerte ka magdidikit at magsasama, sa taon ding ito makikita mo,  susuwertehin ka rin at magiging maligaya. Mapalad ang kulay na aquamarine. Masuwerteng numero  2, 7, 16, 25, 34, 42.    

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Magbawas ka, ito ang susi ng paglago. Bawasan mo ang mga tao na pabigat lang sa iyo at hindi mo napapakinabangan. Lalo na ang mga kaibigan mo na asa lang sa iyo ng asa pero hindi ka naman natutulungan. Sa ganyang paraan, nabasawan ng laman ang punong-punong baso, mas maraming mga biyaya at pagpapala ang sisilid dito. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 1, 4, 8, 10, 19, 28.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Wag kang babagal-bagal sa taong ito ng 2021. Dahil sa buong taong ito, bilis ang susi na magbibigay sa iyo ng mas maraming suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero 5, 14, 32, 37, 41, 45.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Ihanda ang sarili sa mga paparating na suwerte ngayong 2021. Dapat mong malaman na may ibang dinadapuan ng suwerte pero dahil hindi nakahanda ay nababale wala lang ang magandang kapalarang dumapo sa kanila. Kaya ngayong araw na ito ay humanda ka upang sa iyo dumapo ang suwerte at magandang kapalaran. At sa muling paghahanda, muli kang magpaganda, hindi mo ba napapansing medyo nagiging losyang ka na. Mapalad  ang kulay na purple. Masuwerteng numero 6, 9, 15, 21, 33, 42.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Kung saan may pag-ibig, kung saan, may kasiyahan, kung saan may maganda doon ka. Huwag kang sumunod sa ibang payo dahil ang mga yon, ay hindi angkop sa iyo. Inspirasyon ang kailangan mo sa ngayon at magpapasaya sa iyo. Kapag may roon kang ganyan, suwerte at magagandang kapalaran na ang kasunod nito. Mapalad na kulay ang black.  Masuwerteng numero 4, 10, 19, 25, 39, 41.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Hindi mo dapat ipang-araw-araw ang iyong damdamin. Katulad ng mga nakaraan, kapag nagpasya ka at kumilos sa pamamagitan ng damdamin mabibigo at malulungkot ka na naman. Isip at rason ang paganahin mo, upang tuloy-tuloy ka ng lumigaya at magtagumpay. Mapalad na kulay ang peach. Masuwerteng numero  3, 17, 27, 31, 42, 45.   

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Huwag mong katakutan ang mga bagay na mahirap gawin. Dahil ito ang magpapatibay sa iyo, upang lalo ka pang magtagumpay at lumigaya. Oo piliin mo ang mga mahihirap na gawain dahil sa kabila nito, nandon ang mas malaking suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang kulay na green. Masuwerteng numero  5, 8, 13, 25, 31, 42.    

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Maaaring hindi mo masunod ang payo para sa iyo sa araw na ito, pero kailangan mong sundin upang gumanda ang iyong kapalaran. Ang payo kasi sa iyo sa araw na ito ay ang sumunod lang sa kagustuhan ng iba. Kumbaga, mas maganda kung hindi muna ikaw ang masusunod. Kaya mo kayang gawin? Kayanin mo ng suwertehin ka na! Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 3, 18, 25, 36, 39, 42.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Sa taong ito ng 2021, hindi ka dapat komontra, Oo, magpatangay ka lang sa alon ng iyong kapalaran. Dahil habang nagpapatangay ka, sa suwerte at magandang kapalaran ka dadalhin ng iyong mga paa sa buong taong ito ng year of the Metal Ox. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 2, 11, 15, 20,  29, 37.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here