Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Enero 19, 2020

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Enero 19, 2020,  Linggo – Mula sa unang araw ng iyong pagsilang,  ikaw ay masuwerte na. Mananatili sa iyo ang nasabing suwerte at magandang kapalaran, dahil ang tunay na misyon mo ay ang pagkalooban din ng suwerte at tulong ang mga nangangailangan. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 1, 7, 13, 28, 34,  40.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Humahabol sa iyo ang suwerte saan kaman magpunta at anuman ang ginagawa mo, tila ayaw magpaiwan at nagpipilit na maging bahagi ng pang-araw-araw mong buhay. Dahil dito lagi kang magpasalamat sa nasa itaas. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero ang 3, 6, 12, 18, 27, 42. 

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Ito ang tamang araw upang magdagdag ng dekorasyon at pampasuwerte sa inyong bahay o sa iyong silid na sumisimbolo ng bagong simula at kasaganaan. Maglagay ng sariwang halaman na may bilog-bilog na dahon upang maakit ang suwerte na may kaugnayan sa pag-ibig at sa salapi. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero  6, 18, 24, 33, 39, 42.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Ito ang araw upang supilin mo ang iyong damdamin. Kapag nakararamdam ka ng lungkot at panghihina ng loob, sa harap ng  salamin palakasin ang iyong will power, bigkasing malakas:  “Ako ang panginoon ng aking kalooban. Uutusan ko ang aking sarili at ito ay aking susundin. Hindi ako mabibigo. Ako’y magwawagi. Sapagkat ang langit, pinapatnubayan akong lagi, Amen.”  Mapalad na kulay ang  maroon. Masuwerteng numero 7, 10, 27, 34, 37, 40.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Sabi ng iba ang pag-ibig ay maraming misteryo at mahiwaga. Ngunit sa iyo ay kakaiba, ang pag-ibig ay seryoso at pang-habang buhay ng mananatiling maligaya. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 9, 12, 18, 27, 30, 42.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Lahat ng naluma ay hindi na maganda. Ipamigay mo na ito o itapon. Maghanap ka ng mga bagong bagay. Ang mga bagong gamit na magaganda na mapapasa iyo ay magdadala ng panibagong suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  3, 12, 27, 34, 42, 44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Ang mga bituin ang nagbibigay ng liwanag sa daigdig kapag sumasapit ang gabi. Ganon din ang kapalaran mo. Saan ka man mapadpad, anumang hirap ang napagdaanan mo, hindi magdidilim ang iyong buhay. Ang mga nagliliwanag na bituin sa langit ang lagi ng tatanglaw at magbibigay sa iyo ng suwerte lalo na sa taong ito ng 2020. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 4, 11, 19, 28, 35, 40.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Ito ang itinakdang araw upang lasahan mo ang tagumpay na iyong nakamit. Ipatikim mo rin ito sa iba, lalo na sa iyong asawa at sa mga kapos-palad. Matutuwa sa iyo ang nasa itaas, mas marami pang masasarap na tagumpay at suwerte ang patuloy na ipagkakaloob sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero 7, 11, 25, 28, 34, 41.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Hindi lahat ng bago ay maganda. Katulad ng pabago-bago mong pag-iisip. Yong luma mong mga plano ang mas dapat mong balikan at pagkatapos, ituon mo sa iisang gawain at iisang layunin lamang ang iyong isipan, upang mas madali mong makamit ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang violet Masuwerteng numero 5, 9, 23, 29, 31, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Mas maraming pamamasyal ang magaganap sa susunod na mga buwan at taon ng iyong buhay. Dahil mas marami ring mga suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa buong taong ito ng 2020. Mapalad ang kulay na black.  Masuwerteng numero 2, 10, 19, 34, 41, 43.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Sobrang lalim ng iyong pagkatao. Malalim pa sa hating gabi. Sa iyong pagbubulaybulay  dapat mong matuklasan may isang pinakamahalagang bagay sa mundo. Ang pag-ibig at pagtulong sa kapwa. Gawin mo na ngayon at gagantimpalaan ka ng suwerte at magagandang kapalaran ng langit. Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero 2, 11, 29, 33, 35, 40.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Ituloy mo ang pagsasaya. Hindi puwedeng naglulungkot-lungkutan ka lang. Mas maganda na kahit na malungkot ka magkunwari kang masaya. Ang pagsasaya kahit na kunwari lang ay makatutulong upang muling bumilis ang tibok ng iyong puso, upang muli kang sumigla at upang muling bumalik sa buhay mo ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 1, 17, 19, 28, 37, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Hawak mo na ngayon ang pormula upang tuloy-tuloy na gumanda ang kapalaran lalo na sa aspetong pang-materyal. Ngunit baka masayang lang ang suwerte at magagandang kapalaran kung hindi mo ito itatago para sa iyong pagtanda. Ibig sabihin ngayon pa lang ay mag-ipon ka na. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 5, 14, 23, 35, 41, 44.

SHARE
Previous articleChinese Horoscope; Enero 19
Next articlePamahiin Api: Ikaw naman ang susuwertehin
Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychology sa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here