Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Enero 18, 2019

0
432
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Enero 18, 2019, Biyernes – Napakalakas ng loob mo kaya ang iyong mga tagumpay sa buhay ay hindi pangkaraniwan. Bukod sa malakas ang iyong loob, makapal din ang mukha mo at lagi ka pang pinapatnubayan ng mga bituin kaya naman ang mga tagumpay mo ay hindi kayang gawin ng mga pangkaraniwang tao. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 6, 12, 24, 27, 36, 45.

ARIES (Marso 21 – April 19) Nagiisa lang ang haring araw pero kaya niyang liwanagan ang mundo. Sa pamamagitan ng suwerte at magandang kapalarang ipagkakaloob sa iyo ngayon ng langit, marami kang matutulungan at habang tumutulong ka, dating at dating naman sa iyo ang liwanag ng araw na may dalang mas marami pang mga suwerte at mga biyaya sa buhay. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 9, 19, 26, 29, 35, 40.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Maraming nagdarasal ngunit marami rin ang hindi pinapakinggan ng langit. Magdasal ka ngayon ng taimtim at humiling sa langit ng isang bagay na kailangang-kailangan mo talaga. Makikita mo, ipagkakaloob sa iyo ang hiniling mo. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero 4, 12, 24, 29, 33, 41.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Ituloy mo ang nasa isip mo na hindi ka muna gagastos ng malaki. Kailangang makaipon ka. Kung wala naman ito sa isip mo, gawin mong wag gumastos ng sobrang laki upang makaipon ka. Alalahanin mong masarap ang feeling kapag maraming-marami ka ng savings. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero 1, 17, 28, 36, 40, 44.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Bibihira ang tulad mong nakatagpo ng suwerte sa isang nilalang na matangkad at mas malaki sa iyo. Wag ng magdalawang isip pa, ipagpatuloy mo ang pakikisama sa kanya at galingan mo pa. Wala ka namang magagawa, siya talaga ang ipinadala ng langit upang magbigay sa iyo ng suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 5, 13, 28, 32, 41, 44.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Kung nagdadalawang isip ka ito ay hindi dapat, dahil sa taong ito ng 2019, hinihintay ka ng suwerte upang magdesisyon agad. Sa pagdedesisyon, hindi ka dapat na mag-alinlangan, dahil anumanang maging resulta ng gagawin mong pagpapasya, isa lang ang dulong sadlakan – susuwertehin ka magtatagumpay. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerte ang 1, 4, 13, 28, 34, at 41.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Minsan ay may iniisip kang isang bagay na gusto mong magkaroon, lumipas ang mga araw, biglang napa sa iyo ang iniisip mong bagay na gusto mong magkaroon. Natutulad sa senaryong ganyan ang iyong magiging kapalaran sa taong ito ng 2019. Nangyari, dahil may mbuti kang puso at kaloooban, iniisip mo pa lang, ipagkakaloob na agad sa iyo ng Maykapal. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 2, 19, 23, 32, 35, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Mas malakas ang tulo ng gripo na nakapuwesto ng mas mababa kaysa sa mataas. Magpakababa ka at manatili sa mababang puwesto. Nakikita ng nasa itaas ang iyong ginagawa. Dumating na ang araw na ikaw at ang kabuhayan mo ay iaangat at may bonus pang suwerte na sa iyo ay ipagkakaloob. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero 7, 18, 25, 31, 40, 44.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Wag mong abusuhin ang sarili mo sa trabaho. Mahalaga na malakas ka at may resistensya para sa darating pang mga magagandang oportunidad at suwerte sa taong ito ng 2019. Sa madaling sabi, bumuwelo ka muna at pag handaan ang paparating ng mas marami pang susuwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang old rose. Masuwerteng numero 3, 11, 19, 29, 37, 43.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Bagamat lagi kang sinuwerte ang problema sa iyo ay nalilibang ka sa mga nangyayari sa lipunan at sa mga responsabilidad na wala namang kaugnayan sa personal mong buhay. Kaya naman makakalimutan mo ang sarili mong pangarap. Kailangang matauhan ka bago mahuli ang lahat. Muli mong pagtuunan ng pansin ang tanong na: “ano ba talaga ang pangarap ko na hindi ko pa nakakamit?” At kapag alam mo na ang pangarap mo, doon mo iukol ang iyong suwerte at enerhiya. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 5, 18, 25, 28, 34, 38.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Oo nalulungkot ka, ngunit ito ay panandalian lamang, dahil madali rin itong papalitan ng kaligayahan sa sandaling dalawin ka ng isang kaibigang may pasalubong sa iyo, bitbit niya at iaabot sa iyo ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6, 11, 20, 27, 34, 40.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Ang akala ng iba masungit ka at matapang, pero ang totoo likas kang may mabuting kalooban. Minsan pa, ngayong ang Chinese New Year naman ang pinaghahandaan, ipakita mo ang pagtulong at paglingap sa mga mahihirap at kapos palad. Kapag nagawa mo yan, sa Year of The Pig na ito, doble-dobleng suwerte at biyaya ang iyong matatagap. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 3, 10, 19, 30, 41, 42.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Mabilis ang kampay ng pakpak ng ibon sa hangin kaya siya ay nakalilipad. Bilisan mo rin ang iyong mga pagpapasya at pagpapatupad ng iyong dinesisyon. Wag ka ng babagal-bagal at pauumat-umat. Kapag ganyan ka, mas mabilis ding darating sa ‘yo ang suwerte at ang pag-unlad. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero 8, 15, 22, 29, 34, 39.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here