Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Enero 17, 2020

Horoscope wheel chart

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Enero 17, 2021, Linggo   – Mabibigat ang laban mo sa buhay. Subalit ginagarantiyahan ng iyong kapalaran na magwawagi ka sa malapit na hinaharap at ginagarantiyahan din ng langit na ang iyong mga miliit at malalaking mga pangarap ay kagyat na matutpad na lahat ngyaong 2021. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  1, 11, 20, 25, 34, 42.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Hindi mo aakalain na ang mga suwerte sa iyo ngayon ay darating. Ang mga masasayang balita ay hindi mananatiling balita dahil ang katuparan ay agad na magaganap ngayong taong ito ng 2021. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 6, 18, 24, 31, 38, 43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Anuman ang niraranas mo sa buhay sa ngayon, may pangako na ito ay papaganda pa ng papaganda. Subalit ang mas mabuting balita ay sa araw na ito nagpasya ang langit na ang iyong pangalan ay ilagay sa unahan ng listahan na tatanggap ng mas malalaking suwerte at higit mas magagandang kapalaran sa mga dati mo ng natanggap ngayong taong ito ng 2021. Mapalad na kulay ang  lilac. Masuwerteng numero 3, 15, 24, 33, 37, 42.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Maayos na pagpaplano ang iyong kailangang gawin sa taong ito ng 2021. Kaya itigil na muna ang mga mabibilis na pagkilos. Masasayang lang ang lakas mo at oras kung mabilis ka ngang kumilos pero wala namang direksyon. Iplano mo munang mabuti at saka mo ipatupad, para matiyak ang malaking tagumpay. Mapalad  ang kulay na blue. Masuwerteng numero 5, 15, 23, 27, 34, 43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Hindi ka dapat masiraan ng loob sa harap ng mga biglaang pagdating ng mabibigat na suliranin. Ituring mong ang mga ito ay mga hamon ng kapalaran para sa iyo na kailangan mong mapagwagian. Sapagkat habang may mga pagsubok, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating. Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero  2, 5, 11, 17,  22, 29.   

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Bawasan mo ang pagiging agresibo. Oo makukuha mo ang lahat ng iyong mga gusto lalo na sa taong ito ng 2021, kaya lang tulad ng dati, maraming maiinggit, lihim na magagalit, at lihim na maninira sa iyong pagkatao. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero  1, 4, 8, 13, 34, 37.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Labanan mo ang udyok na mag-gagasta ng mag-gagasta. Kaya ang payo, pagkagaling mo sa hanap buhay o pagta-trabaho, wag ka ng maglakwatsa, mas mabuting sa bahay ka na lang at wag na wag kang mamamasyal sa mga department store at mga lugar na may mga paninda. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero 5, 13, 23, 33, 39, 42.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Ingatan mo kung anuman ang may roon ka ngayon. Pera, ingatan mo! Karangalan, ingatan mo! Pamilya, ingatan mo at mga mahal sa buhay, iyong ding ingatan dahil ang mga ito ang iyong lucky charm. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero  3, 6, 9, 24, 33, 42.    

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Oo kahit ngayong taon lang na ito ng 2021, makinig ka ngayon sa mga opinyon ng mga kaibigan mo. Hindi ka nila dadayain, dahil ang gusto nila ay gumanda ang iyong buhay. Ikaw ay kanilang minamahal. Mapalad ang kulay na peach. Masuwerteng numero  7, 9, 11, 26, 28, 40.    

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Sa taong ito ng 2021, napakalakas ng iyong karisma. Kahit sino ang gusto mong bihagin, tiyak na mapapasa iyo. Iyong pakatandaan na ang kapangyarihan ay dapat na sa tama at sa mabuti lang gagamitin. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 5, 8, 17, 21, 37, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Nakatutok sa ‘yo ang lahat ng mga mata ng nasa paligid mo dahil sa iyong mga kahanga-hangang pagkilos at pagkatao. Iwasan mong lumaki ang iyong ulo ng hindi ka kainggitan at siraan ng iyong mga karibal at ng mga taong lihim na naiingit sa iyo. Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 4, 8, 18, 21, 34, 44.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Papasulong ang buhay mo ngayon, pero dapat mong maunawaan na ang buhay paabante ay hindi nakatuntong ang mga paa sa dating kanyang inaapakan. Ngayong taong ito kalimutan mo na ang iyong mga nakaraan upang mas mabilis kang makausad patungo sa tiyak na pag-unlad. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 1, 8, 17, 25, 39, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Isang simple pero matamis na ngiti na mula sa iyong mga labi ang magsisilbing pampasuwerte mo ngayon. Alisin mo ang lungkot sa iyong mukha, dahil ang masaya mong aura ang hihigop ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran ngayong taong ito ng 2021. Mapalad na kulay ang aquamarine. Masuwerteng numero 2, 7, 19, 25,  41, 43. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here