Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Enero 15, 2020

Horoscope wheel chart

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Enero 15, 2021, Biyernes  – Hindi ka iiwan ng iyong mga suwerte. Nagsisikuha lang sila ng malakas na buwelo ng sa ganon ay hindi na makaporma pa ang mga naiingit sa iyo at ang mga lihim mong kaaway. Sa sandaling bumalikwas na ang napakalaking suwerte, magugulat sila sa pag-asenso at pag-unlad na magaganap sa iyong kabuhayan.  Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 3, 18, 24, 27, 30, 39.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Sino ang masaya at binubuwenas pero panay pa rin ang dating ng kanyang mga suwerte sa buhay sa taong ito ng 2021? Ikaw! Kaya wag mong kalilimutang laging magpasalamat at ibahagi sa mga kapos-palad at sa mga biktima ng Covid-19 ang ilang sobra-sobra mong suwerte at magandang kapalaran.  Mapalad  ang kulay na purple. Masuwerteng numero 3, 17, 21, 24, 33, 42.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Ginhawang pangdamdamin ang regalo sa iyo ngayon ng langit. Hindi ka makadarama ng pagod sa isip at ang iyong puso ay magpapahinga. Dahil wagas ang kapayapaan ng iyong isipan, kusang darating ang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero  3, 11, 27, 29, 34, 33.   

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Tulad ng mga bituin, kikislap ang liwanag ng suwerte sa iyong buhay sa araw na ito. At dahil nakakasilaw at malakas talaga ang liwanag ng suwerte at magandang kapalaran na mapapasa iyo, ang payo, ipamahagi mo ito sa iba, upang tuloy-tuloy kang pa ring suwertehin sa buong taong ito ng 2021. Mapalad ang kulay na white. Masuwerteng numero  5, 18, 23, 32, 38, 42.    

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Dumating na ang takdang araw at ito ay ang ngayon na kung kailan ay aani ka ng paghanga at pagkilala. Ang dating ikaw na mahina ay makikitang unti-unting nabubura, upang palitan ng malakas at puno ng liwanag na personalidad. Ibig sabihin dadapo na sa iyo ang ibat-ibang uri ng suwerte at magagandang kapalaran habang patuloy na nagniningning ang iyong pagkatao. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero 1, 8, 17, 23, 35, 44.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Ito ang araw na pasasayahin ka ng langit kaya ang mga magtatangkang bigyan ka ng mga problema ay mapapahiya sa kanilang mga sarili. Mapalad na kulay ang aquamarine. Masuwerteng numero 1, 10, 18, 28, 39, 40.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Tatanggihan mo ang pakinabang na may kaugnayan sa saya at ligaya na dulot ng  pag-ibig at emosyon. Mas gugustuhin mo ang pakinabang na may kaugnayan sa materyal na mga bagay. Magkagayunman, ibibigay pa rin ng langit sa iyo ang dalawang bagay na nabanggit. Mapalad na kulay ang pink.  Masuwerteng numero 5, 13, 25, 31, 37, 44.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Bagamat tapos na ang Pasko at Bagong Taon, may hahabol pang regalo para sa iyo. Nagpasya na ang langit na ipadama sa iyo ang kanyang pagmamahal kaya tatangapin mo na ngayon, isa-isa ang katuparan sa mga samo’t dalangin mo. Mapalad na kulay ang old rose. Masuwerteng numero 1, 9, 12, 27, 33, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Dapat kang maging abala sa buong araw na ito sa trabaho upang hindi makasingit ang mga problemang personal na makakaapekto sa iyong kalusugan. Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 1, 7, 16, 25, 32, 43.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Ang araw na ito ay nangangahulugang pagbuhos ng suwerte mula sa langit at ito rin ay nangangahulugang pag-apaw din ng kasagaaan at kagalakan na tanging laan lamang para sa iyo.  Ibahagi sa kapwa ang ilang mga grasya na mapapasa kamay mo pero wag namang lahat, magtira ka ng mas marami para sa iyong pamilya.  Mapalad ang kulay na lilac. Masuwerteng numero  9, 16, 27, 33, 38, 42.    

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Sa taong ito ng 2021 makakabahagi ka sa mga suwerteng magmumula sa langit at magiging marami at mas malalaki ang mapapasakamay mo, kaya naman ikaw ay pinapayuhan na panatiliin ang kalinisan ng iyong puso at ng iyong  pagkatao. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero  8, 13, 28, 31, 35,41.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Huwag malungkot kapag hindi napapa sa iyo ang ilang mga suwerteng hinihiling mo sa langit dahil ang ipagkakaloob sa iyo sa taong ito ng 2021 ay higit pa sa iyong inaasahan – siksik, liglig at umaapaw! Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero  1, 4, 11, 19, 28, 34.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Lilipad sa paligid mo, tulad ng mga ibon na nag-aawitan ang mga suwerte. Agad mo silang dakmain, upang ang magandang kapalaran ay hindi na umalpas sa iyong harapan. Oo, bilis ang susi upang sa taong ito ng 2021 ikaw ay tuluyan ng umunlad at magtagumpay. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 2, 7, 14, 32, 35, 39.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here