Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Enero 15, 2019

0
221
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Enero 15, 2019, Martes –  Bibihira na sa ngayon ang tulad mong likas ng maganda at may maganda pang kalooban. Ang ikinaganda pa nito, may maganda ka ring pinagkakakitaan. Dahil sa mga kagandahang tinuran, tuloy-tuloy at lalo pang gaganda ang iyong kapalaran sa buong taon ito ng 2019. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero  2, 18, 20, 27, 34, 41.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Sa pagbubukas pa lamang ng bukang liwayway habang nalalaglag ang hamog, ngumingiti ang mga bulaklak. Sa araw na ito ganon din ang magaganap sa iyong karanasan,  sa unang oras pa lamang ng umaga, ngingiti na ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero   2, 16, 25,  33,  37, 43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Nagkita at nagtagpo ng landas ang planetang Venus at Jupiter sa langit kaya nagkaroon ng kakaibang liwanag at ningning ang kalawakan. Humiling ka ngayon sa langit, at anumang hilingin mo ay tiyak na pagbibigyan at matutupad. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  3, 12, 23, 27, 30, 45.    

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Dahil sa paulit-ulit na dampi ng alon at hampas ng tubig, kumikinis at lumilinis ang magaspang at mapangit na bato sa dalampasigan. Ganon din ang gawin mo, maglinis ka ng iyong silid sa araw na ito. Kapag nagawa mo yan, ang suwerte at magandang kapalaran na hatid Year of The Pig ay magiibayo at iiral sa kapalaran mo. Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero 8, 14, 20, 32, 35, 41.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Matagal na ang batis sa kanyang kinalalagyan, ang nakapagtataka  laging bago ang agos ng tubig. Ganon din ang iyong buhay, akala mo lang ay walang nagbabago, pero tulad ng batis, laging bago ang bawat araw at ang bawat sandali. Hindi mo lang napapansin kung ano-ano kasing negatibong bagay ang iniisip mo kaya ayaw umagos ng masaganang ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 6, 10, 22, 28, 31, 45.   

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Kung minsan madilim talaga ang langit dahil sa makapal na ulap. Pero matapos na hipan ng hangin ang makapal na ulap, muling liliwanag at aaliwalas ang kapaligiran. Sa araw na ito, ang mismong nasa itaas ang isa-isang mag-aalis sa iyong mga suliranin, upang palitan ng suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  6, 18,  21, 29,  31, 44.  

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Hindi ka sasaya kung ikaw ay nag-iisa at lalong hindi ka sasaya kung magugulo ang iyong mga kasama. Pero sa taong ito ng 2019, maitatanong mo sa sarili mo, paano ako sasaya? Tiyak ang magaganap:  “Sa buong taong ito ng 2019, pasasayahin ka ng langit, sa bawat bagay na iyong ginagawa at inaaturga ito ay mamumunga ng suwerte at magagandang kapalaran!” Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 2, 11,  26, 35, 43, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Mabait ang kalikasan dahil pinatutubo niya ang magagandang mga bulaklak sa parang at ang kalikasan din ang nagaalaga nito. Sa araw na ito dahil sa iyong kagandahan at kabutihan ang langit ang mag-aalaga sa iyo. Gaganda ng gaganda pang lalo ang kapalaran mo at sa buong taong ito ng 2019 maraming suwerte at magagandang kapalaran ang mapapa sa iyo. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero  5, 14,  25, 34, 41, 44.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Hindi umaalis ang puno sa kanyang kinalalagyan, pero nagiging higanteng puno siya.  Wag ka ring aalis at wag ka ring manawa sa kasalukuyan mong ginagawa. Dyan ka dinala ng kapalaran, kaya pagbutihin mo pa, dahil sa badang huli, dyan ka rin liligaya, dyan ka rin uunlad at dyan ka rin yayaman. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 9, 13, 20, 32, 43, 45.  

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Malakas ka ngayon. Susuko ang iyong mga kaaway at ikaw ang mananaig.  At kahit malakas ka ring kumain, wag namang limitahin ang pagkain, dahil kasabay ng iyong pagtaba, tataba rin ang laman ng iyong bulsa. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  1, 15, 21, 23, 34, 41.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Sa pagtutulungan at pagsasamasama nakagagawa ang mga anay at mga langgam ng malaking punso at nakakaipon ng maraming pagkain. Hindi mo dapat ipagdamot ang iyong kakayahan, alalayan mo ang mga mahihina at tulungan ang sa iyo ay humihingi ng tulong. Kapag nagawa mo yan, mas mataas pa sa pangkaraniwang bundok ang magiging suwerte mo at magandang kapalarang ibibigay sa iyo ng langit.  Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 7, 19, 22, 29, 31, 41.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Marami ang sumusuko at nawawalan ng pag-asa, pero ang sa iyo ay kakaiba. Kailan man’y hindi ka susuko at hindi ka mawawalan ng pag-asa. Magpatuloy ka lang, makakaahon ka rin sa mga problema, sa taong ito ng 2019 ilalawit na ng langit ang kanyang mga kamay upang tulungan at alalayan ka. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  4, 13, 28, 31, 40, 43.     

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Sa painot-inot na patak ng ulan, natatapyas ang makapal na bato sa kabudukan. Ituloy mo lang ang kasalukuyan mong pagsisikap. Sa painot-inot na pag-iipon, basta’t wag kang titigil, makakamit mo rin ang maunlad at masaganang pamumuhay. Mapalad na kulay ang old rose.  Masuwerteng numero 1,  7, 17, 29, 37, 41. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here